Sweet Honey's POV
Nakangiti habang hinahanda ko ang aking sarili, special na araw ko ito dahil 2nd Anniversary na namin ni Jon ngayon. "Iba ata ngiti natin babaita ah?" Puna ni Kate sakin kaibigan s***h Roommate ko dito sa dorm "syempre naman stay strong kami ni Jowa eh.." nang iingit pa na sagot ko sa kanya, ngumiwi naman ito
"Ginaganyan mo ako, naku talaga pag kayo talaga naghiwalay tatawanan talaga kita" binato ko naman ito ng towel
"Wag ka nga ganyan magdila demonyo ka sa sinasabi mo eh" binelatan lang ako nito saka tumawa "pero seryoso sis di maganda na amor ko jan sa boyfriend mo, habol lang ata sayo yan material na bagay." Ani nito "tignan mo nga nakaraan lang nagpabili sayo ng bagong gaming chair,ikaw naman si gaga bigay agad. Sugar mommy yarn?"
Totoo yon binigyan ko si Jon nung nakaraan lang ng gaming chair kasi kailangan nya daw para sa live screaming nya ng maganda daw ang nakikita ng mga viewers nya, isa kasi sya sa sikat na mga Player ng Shikigami Online gaming. Sa makalawa na linggo nga may laban laban sila sa ibang Region at kung papalarin isa sila sa lalaban sa Worldwide Championship ng Shikigami
"Susunod baka computer set na ipabili sayo yan jowa mo, kung ano ano pinapabili sayo kala mo naman hindi kumikita" nakasimangot na ani nito "Hindi naman sya gaano kagalingan maglaro, mas magaling pa ang Bebe Xian Chen ko sa paglalaro ng Shikigami" kinikilig na dagdag nya, napairap naman ako sa kanya "at isa pa ikaw din, mas magaling kapa sa jowa mo maglaro"
"Ano kaba Kate, natuto lang naman ako maglaro dahil kay Jon kasi tinuruan nya ako" naalala ko tuloy nagpaturo ako sa kanya paano maglaro, pano kasi kaysa tumunganga ako sa tabi nya tuwing magkasama kami. Nagpaturo na lang ako para may libangan din ako at hindi na ako mukhang tanga sa tabi nya na nakikinood lang
"Pero diba Honey, inaalok ka ni Raiden sumali sa team nila?" Biglang tanong naman ni Kate "pero girl kung ako sayo, tanggapin mo na sayang opportunity. At makakasama mo pa ang bebe Xian Chen ko at si bebe Vicente ko"
Paano ko tatangapin kalaban ng team nila Jon ang team nila Raiden, edi pag sumali ako makakalaban ko si Jon kapag may competition. Naalok ako ni Raiden sumali sa team nila gawa ng isa ako sa top 10 sa magaling sa Assassin pero hindi naman ibig sabihin nun pro player na din ako, hindi ko naman aakalain magiging magaling ako sa paggamit kay Lazylot na Hero sa Shikigami.
Nandito na ako ngayon sa labas ng dorm nila Jon kaya naman tinawagan ko na ito, pero nakakailang tawag na ako hindi naman sinasagot. Nag try ako tawagan sya sa Messenger pero pinapatay nya lang, obviously busy na naman sya siguro sa paglalaro. At masesermonan na naman ako dahil tumawag ako sa kanya sa kalagitnaan ng paglalaro nya
Hindi nga ako nagkamali dahil after 30 minutes lumabas din sya sa dorm nila, nabasa nya siguro text ko dahil lumabas na sya.
"Anong ginagawa mo dito? Saka diba sabi ko wag na wag kang tatawag sa Messenger? Dahil naka connect yon sa computer, nag lag tuloy ako sa kalagitnaan ng clash" bugnot na sabi nito
"Sorry na babe, nandito ako para sana yayain ka makipag date hindi mo kasi sinasagot mga chat ko sa yo"
"Hindi ako pwede magpa practice kami para sa dadating na competition next week, makakalaban namin ang Alpha kailangan matalo ko na si Xian masyado na mayabang ang gago"
"At isa pa mas importante ngayon ang practice ko para sa competition kaysa sa lagi mo pagyayaya ng Date, pwede ba Sweet Honey tantanan mo muna ako sa date date na yan." Nakaramdam ako ng inis sa sinambit nya kaya hindi ko napigilan ang sarili na sampalin sya
"Alam mo Jon nakakabwisit kana!" Sigaw ko "Tutal mas mahal mo yan paglalaro mo ng Shikigami pwes maghiwalay na lang tayo" hindi ko na mapigilan ang bugso ng damdamin ko "Puro kana lang Shikigami onti na lang kamukha mo na yon main hero mo!"
Tinalikuran ko na ito pero huminto ako para ibato sa kanya ang cake na regalo ko "Ayan! Happy 2nd Anniversary sana Ex"
"SWEET HONEY!!" Sigaw nito pero dire-diretso na ako naglakad, bwisit sya!
"Ano ba Sweet Honey, tumigil kana kakaiyak" alo ni Kate sakin habang ako patuloy pa din sa pag iyak "iyak iyak ka jan ikaw naman nakipaghiwalay, saka tama lang yon na hiniwalayan mo sya wala naman magandang dulot sayo yan si Jon puro pasikat lang naman non"
"Pero kasi Kate nasabi ko lang naman yon dahil sa inis, tawagan ko kaya sya at magsorry ako?"
"Gaga toh" binatukan pa ako ng babaita na ito brokenhearted na nga ako "kung ako sayo tanggapin mo ang offer sayo ni Raiden at pagmukha mo sa Jon na yon na mas magaling ka kaysa sa kanya" payo nito "baka nga mas magiging sikat na manlalaro kapa"
"Pero wala naman kasi babae na sumasali dahil ayaw ng iba"
"Kasi nga yung ibang sumasali naman puro pagpapa cute lang ang ginagawa, hindi tulad mo na magaling ka talaga sa pag gamit pa nga lang kay Lazylot na Assassin top 2 ka sumusunod ka kay Hiro"
Si Hiro ang Top 1 Assassin sa Shikigami ang Team Alpha, pero kasalukuyan sya aalis na dahil sa hand injury na natamo nito. Kaya naman si Raiden inalok ako maging kateam nila at pumalit kay Hiro, si Raiden ang couch ng Alpha.
"Sige na mag message kana kay Raiden na tinatanggap mo na ang alok nya at kalabanin mo na si Jon" sulsol ni Kate kahit kailan talaga sulsolera talaga ang babae na ito, mas maganda siguro Marisol ang pangalan nya kaysa Kate.
"Pag iisipan ko muna, hindi madali pumasok sa mundo nila"
"Wag mo na pag isipan sis, go go na" ani nito "nasaan ba ang cellphone mo?" Tanong nya ng makita nya nakapatong sa lamesa kinuha nya ito at binuksan, dahil wala itong passcode madali ito nabuksan
. Nakangiti na binalik nya ito
Napasigaw naman ako ng pagkuha ko sa cellphone ko "Ahhhh... bwisit ka Kate!" Sigaw ko rito at dadambahan sana sya kaso tinakbuhan ako ng gaga na patakbo tawa tawa pa
"Sorry sis ako na gumawa, pa arte arte kapa kasi"
Nag message lang naman sya kay Raiden at sinasabi pumapayag na ako makilahok sa team nila
Patay ka talaga sakin Kate pag nahabol kita!
-----
Sa mga nagtataka o magtataka pa lang ano yung Shikigami sa story na ito, laro po sya online na parang Mobile Legend lang... kaya wag na kayo magtataka may iba na same hero sa ML sa Shikigami kasi nga parang same nga sila hehe... iniba iba ko lang ang mga name ng Hero para kahit papaano hindi ako masyado gaya gaya hehe... lablots sa lahat