Sadyang malalim na ang gabi pero tila ba ayaw pa rin akong igupo ng antok. Nakahinga na ako kanina, oo, pero heto't gising na naman ako. Kung alam ko lang na ganito kahirap matulog ngayong gabi, sana ay hindi na ako nagtulog-tulog maghapon. Ngayon, nagbabayad ako sa kawalang-ingat na iyon. Kung nakakabutas lang ang mga titig ko, baka kanina pa bumigay ang kisame sa kuwarto ko. Sa loob ng ilang oras, ito na ang naging sentro ng aking paningin—isang blangkong puting espasyo na nagpapatunay lamang kung gaano kahaba at kabagal lumipas ang oras. Sa huli, nangalay na rin ako kaya ibinaling ko ang paningin ko sa katabi kong si Katrina. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin, at ang isang hita niya ay nakadantay sa mga hita ko kaya halos hindi ako makagalaw o makalayo sa kanya. Para akong naging

