HINDI ko na matagalan ang pagpapanggap na natutulog pa rin dahil sa mga ginagawa niya. Nasa ilalim na ng bewang ko ang kumot, at halos hubad na braso na lamang ni Joaquinn ang nakalukob sa akin. Ramdam ko ang init ng balat niya, ang bigat ng braso niyang nakayakap, at ang mabagal ngunit mainit na paghinga niya sa tabi ko. He was kissing my cheek, slowly, tenderly, habang may mga binubulong siyang halos hindi ko maintindihan. Parang mga salitang lumulutang sa hangin, hinahaplos lang ng tinig niya ang pandinig ko. Siguro dahil sa parang nilulunod akong pakiramdam ngayon—isang halong pagod, antok, at kabiglaanan sa lahat ng nangyari. Mukhang hindi talaga siya nakatulog matapos ang ilang ulit naming pagniniig. Ni hindi ko nga maalala kung ilang beses kaming nauwi sa isa’t isa kagabi—basta ang

