Narinig ko siyang nagmura. I heard him cursing. Maya-maya ay nakahawak na siya sa magkabilang balikat ko at pilit akong inihaharap sa kanya. Ang lamig ng kanyang boses kanina ay biglang nagbago, naging mas mababa at may bahid ng pagsisisi. "Hindi sa ganon iyon..." Nagbago ang boses niya. Para bang concern na ulit siya sakin, pero malamang na umaarte lang siya. Puno ako ng duda. Nako-konsensiya lang siya siguro o natatakot na baka magsumbong ako sa grandparents niya. Iyon lang ang nakikita kong rason para mag-shift ang mood niya. "You don't have to pretend that you want me here. Alam ko namang naging masaya ka sa desisyon ko..." I chuckled between tears. Ang tawa ko ay parang lason na lumalabas mula sa lalamunan ko. "Wala ng manggugulo sa'yo... that's what you want, right?" "Hindi ganon i

