"BAKIT?" Nagulat ako nang marinig ang sarili kong boses. Napahinto si Joaquinn at napahinto rin ako sa paglalakad, nasa kalagitnaan kami ng sementadong landas na patungo sa gate ng villa, at ang tanong na iyon ay tila sumira sa masidhing desisyon na ginawa namin. "Hindi ba ako magpapaalam kay ate Kassandra?" Alanganing tanong ko. Ang tanong na iyon ay bitbit ang bigat ng limang oras na pag-uusap namin, limang oras ng tago at seryosong pag-uusap sa madilim na hardin na malapit sa fountain, bago siya nag-desisyon. Kukunin niya ako, isasama niya ako sa Maynila. Isang desisyon na selyado na sana sa puso ko. Kumunot ang noo niya, ang anino ng iritasyon ay bahagyang naaninag sa tulong ng mahiwagang liwanag ng posteng nakatayo sa patio. Ang postura niya, ang paraan ng pagtindig niya, ay nagpah

