Chapter 20 ELIE Nang magising ako kinabukasan ay agad hinanap ng kamay ko ang cellphone ko at hindi ko alam kung bakit ako nadismaya na wala akong na-receive na kahit text man lang galing kay Apollo at tanging text message lang galing sa isang network na nagsasabing nag-expire na ang unli text and calls ko. I rolled on the other side of my bed and stared to my phone again. Ah, hindi man lang ako kinamusta? I silently said in my mind. Bakit, jowa? Tugon naman ng isang bahagi ng utak ko kaya mas lalo akong nainis at naupo na lang din. “Hindi. Pero as a friend. Pwede naman iyon, hindi ba? Kamusta ka na? Asking as a friend. Duh?” Sabi ko sa ere at ginulo ang buhok ko. “May karapatan naman akong magtampo, hindi ba? Tungkol naman sa trabaho iyon. Siyempre, nandoon ako. Kasama ako pero hind

