Chapter 40 ELIE Hindi naman kami nahirapang hanapin ang sasakyang kumuha kay Regie Andres dahil iisa lang naman ang nakita naming itim na sasakyan ngayon. Mabilis nag-park si Apollo kaya sabay kaming tumakbo para hanapin ang mga ito. We’ve noticed a group of men in one specific area so we slowly walk towards them until one noticed us. Agad itong sumigaw na kumuha ng atensyon ng lahat kaya agad din nila kaming inatake gamit ang kani-kanilang armas. “Magpapa-atake ako dito, iligtas mo si Regie. Mag-iingat ka.” Payo ni Apollo sa’akin nang makitang medyo madami sila. Tumango lang ako rito at tumakbo patungo sa banda kung saan nakagapos si Regie at halatang nanghihina. May mga sumusugod din pero mas mabilis ang galaw ko kaysa sa mga ito. Napangiti ako ng makita kong ilan na sa kanila ang w

