Chapter 17 ELIE Hindi ko alam kung paano ko nakayanang makisalo hanggang sa matapos kaming kumain. Todo alalay lang din si Apollo kahit kaya ko namang kumuha ng mga kailangan ko. Hindi naman din masaydong napuruhan ang binti ko dahil makapal naman ang leggings na nabili nito at namula lang kanina. Ang hindi ko lang alam lusutan ngayon ay ang titig ni Cassy na kung nakakamatay lang ay kanina pa ako pinaglalamayan. Alam kong kating-kati na ang dila nitong magtanong pero dahil nasa harapan kami ng lahat ay tahimik lang itong. She just looking at me intently like saying I really, badly need to explain. “Pasensya na po talaga, minsan kasi itong si Elie ay nawawala ang utak.” Paumanhin ni Cassy sa mga magulang ni Apollo at tumingin kay Dria. “Keri lang iyon, sisiw lang iyon kay Tita Elie.”

