Chapter 9 Elie’s POV Kinabukasan ay maaga akong bumalik sa bahay ni Cassy para magpalit ng damit. Plano ko sanang mag-jogging para masanay ulit ang katawan ko sa mga activities. Naghihilom na naman ang sugat ko kaya hindi ko na inaksaya ang oras ko. Ang maganda dito sa resort ay may sarili itong area na pwede kang magexercise. May sinadya sila na pwedeng takbuhan kung gusto mong magjogging papunta malapit sa bahay sa taas---bahay nila Apollo. “Mukhang malapit ka ng lumayas ha?” Nakangising tanong ni Cassy sa’akin pero alam kung malulungkot rin iyan. “Hindi naman.” Sagot ko at sinuot ang sapatos ko. “Marami pa akong araw na mananatili dito. Hindi ka pa naha-high blood eh.” Dagdag ko kaya hinampas niya lang ako sa braso at tumawa. “Gaga ka talaga kahit kailan ano?” Tumatawang sabi nito

