Chapter 27 ELIE Bumalik ulit kami sa opisina at isinama namin si Rica Espina at ang lalaking kasama nito kanina na si Alfredo Yanos. Nag-iwan ng malaking usapan ang pag-aresto namin sa kanila kanina lalo na at hindi makokontrol ang dami ng tao sa buong ospital. Kanina pa din tawag ng tawag si Kapitan pero hindi namin ito sinasagot dahil alam naming masesermonan na naman kami. Kasalukuyan akong nasa interrogation room kasama si Alfredo at nasa kabila naman sina Apollo at Rica. Kanina pa din ako nagtatanong pero hindi ito sumasagot at tanging ngisi lang ang natatanggap ko. I took the envelope and showed the photos we received but he just laughed at me then shook his head. Hindi ako nagpakita ng reaksyon sa ginawa niya. “Akala mo ba, makakalusot ka? At akala mo din ba, totoo ang batas?

