Hindi ako halos makagalaw sa aking kinatatayuan nang makita siyang nakaupo sa isang sulok habang pinapanood ang mga nakakahiya kong reaksiyon sa bahay-bahayan niya.
"You don't look surprised." Hindi ko alam kung pinagtatawanan niya ba ako o galit siya dahil sa blangko niyang mukha.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Wala ka na doon." Pagtataray ko at akmang lalabas na nang kusang sumara ang pintuan.
Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sa akin.
"‘yan na naman tayo sa ganyan-ganyan, e!" Bulyaw ko ngunti tila ba wala siyang naririnig.
Panay atras lang ako hanggang sa mabunggo na ako sa pader. Idiniin naman niya ang kanan niyang kamay sa gilid ng ulo ko samantalang nasa gilid naman ng kanan kong balakang ang kanyang kaliwang kamay. Gabuhok na lamang ang layo ng mga ito sa akin at mahahawakan na niya ako.
"Uhm-nakita mo ba ‘yong vase kanina?" Utal kong tanong. "Ano kasi-hindi ko alam na may gano’n pala dun kaya ko nasagi BUT DON'T WORRY dahil babayaran ko na lang 'yon. Alam mo naman siguro n-na mayaman ako 'di ba? I can pay everything..." Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil muli na naman niyang inilapit ang mukha niya sa akin.
Sana 'wag niya akong i-kiss.
"I don' t need money." Nakangising bulong niya sa aking tainga.
"P-pero magbaba-"
"Shhh..." I felt his index finger as he pressed it on my lips. "Just prepare yourself."
Pagdilat ko'y wala na siya sa harapan ko at maging sa kwarto. Ano kayang meron doon? Saka anong ibig niyang sabihin tungkol doon sa 'prepare yourself'? May gagawin ba siya sa akin? OH NO!
Nagawi ang paningin ko sa orasan at doon ko napagtanto na quarter to seven na. JUSME! HINDI PA AKO NALILIGO! KAYA BA SIYA UMALIS DAHIL NAAMOY NIYA AKO?! SHOCKS NAKAKAHIYA!
Dali-dali akong bumaba at lumabas sa bahay-bahayan niya. Sobrang binilisan ko talaga ang takbo dahil nakakahiya na talaga. Hindi pa naman din ako sanay nang hindi naliligo. Kahit isang araw lang iyan.
Pagdating ko sa dorm room, mabilis kong tinungo ang banyo at saka naligo. Shocks! NAKAKAHIYA! Paano kung naamoy ako ni Sky? Tapos I-broadcast pa niya sa buong imperyo na hindi ako naliligo? Tagakain lang ako ng tocino? Paano na iyan? Nakakahiya talaga! Siya pa man din ‘yong Emperor... OO NGA PALA! Kaya pala ako nagpunta doon para itanong at alamin kung paano siya naging EMPEROR!
ANG SHUNGA-SHUNGA MO, HERA! NABALEWA LAHAT NG PAGOD MO DAHIL LANG SA GALAWAN NIYA! NAKAKAIRITA! AAAAHH!
"HOY!" Tatlong malalakas na kalabog sa pinto ang aking narinig.
"Y-yes?" tanong ko
"BAKIT KA SUMISIGAW?! ANONG NANGYARI?!"
Dahan-dahan kong pinihit pakaliwa ang valve upang mas magkarinigan kami ng maayos.
"Ah—wala lang." Sagot ko.
"Kung wala tumahimik ka. Nakakabulabog ka. Para kang baliw." Aniya at wala na akong narinig pa.
WOW! AT LEAST AKO PARANG LANG. IKAW, BALIW TALAGA! HMP!
Matapos kong maligo, nagtungo na ako sa kwarto ko at binuksan ang aircon. Kinuha ko ang pouch ko at saka naglagay ng toner sa mukha at lip balm sa labi, binrush ko rin muna ang eyebrows ko then nag-apply ng unting mascara. Hindi ko na kinapalan. Ayoko namang magmukhang painting nito sa sobrang kapal ng makeup ko. Saka mas maganda na ‘yong manipis lang para hindi matakpan ‘yong tunay kong ganda.
Matapos kong ayusan ang mukha at buhok ko, nagbihis na ako ng uniform at lumabas na ngunit nagtaka ako dahil nakatingin lang sa akin si Veilar.
"What's the matter?" Bungad ko.
"Bakit ka naka-uniform?"
"Oh?"
"Wala namang pasok, e." Anito dahilan para mahimasmasan ako.
SHOCKS AGAIN AND AGAIN AND AGAIN! Akalain mo namang walang pasok, oh! SHUNGA TALAGA!
"Tss.. Ewan ko sa'yo.'' Nakangisi nitong tugon. "Andami mong trip."
Hindi na ako nagsalita pa at dali-daling nagpalit ng damit. Grabe na itong nangyayari sa akin. Hindi naman ako ganito dati, e. Kasalanan mo ito, Sky.. Pagbabayaran mo ito!
Hindi muna ako lumabas sa sobrang kahihiyan. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa sarili ko. Nababaliw na ata ako.
"Wait. Si Relzé... Kumusta na kaya siya?" I said out of nowhere.
Nagmamadali kong kinuha ang phone ko para tawagan sana si Relzé nang mapagtanto kong wala pala akong signal. JUSME! SIGNAL IS LIFE!
Dali-dali akong naghanap ng signal ngunit kahit anong taas ng cp ko ang gawin ko, wala akong masagap ni one bar. Bumaba ako para magpatulong kay Veilar na maghanap ng signal.
"Tss. Nagpapakahirap ka lang sa ginagawa mong iyan." Anito
"Bakit? Sobrang layo ba ng imperyong ito sa mga tower?"
"Nope."
"E paano?"
"Dahil doon." Itinuro niya ang isang maliit na square sa 'di kalayuan. "Dahil sa MPSS."
MPSS? As in Mobile Phone Signal Scammer? NO WAY!
"But don' t worry. Kung gusto mong matawagan ang mga mahal mo sa buhay—"
"E ang sabi pwede kang makicommunicate through email, e wala namang nagsend sa akin. Wala ring tawag. Wala ring kung anu-ano. Mg ghaad! Suoer duper liar naman ni HE MIONGWA!"
Ang akala kong magagalit e natawa pa nga. "Sabi na nga ba't kung minsan sobrang dali mong lokohin." Anito. "Sobrang yaman ng pamilya niyo. Pwede niyo namang bayaran ang lahat ng universities na natitipuhan mo, e how come na napaniwala kayo ng simpleng email? AHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
Natigilan ako sa sinabi niya. Kahit hindi iyon connected sa sinabi ko, malakas pa rin ang tama nitk sa akin. As in hindi talaga ako nakailag doon. Oo nga noh? Pero kasi may usapan kasi sina daddy at Ralshé na kung matutulungan niya sila na hanapan ako agad ako ng University, ibibigay niya ‘yong Codex na matagal nang hinihingi sa kanya ng kapatid ko. Hindi ko naman in-expect na hindi kukuha ng reviews sina mommy and daddy about doon sa University na napili ni Ralshé. Napaniwala sila sa simpleng message galing kay HE Miongwa. In short, sila ang madadaling paniwalain at hindi ako.
"Ano? Natahimik ka ata." Ngising tanong nito.
"Gusto ko nang makauwi."
Natagalan bago aiya muling makapagsalita.
"Sure ka? Gusto mo nang umuwi?"
"P-pwede?"
"Tch. Oo naman. Pwede ka na ngang lumabas ngayon, e."
"E kung ganoon, bakit pa kayo nagpapakahirap na magstay sa ganito kapangit na lugar?" Naguguluhan kong tanong.
Sumeryoso ang kanina pa niyang nakangising mukha. Anong problema nito? May nasabi ba akong masama?
"Alam mo, kaming mga nandito, hindi kami umaalis dito hindi dahil sa may kaparusahan, kundi dahil mas pinili na naming manatili rito. Lahat kasi kami, mga itinakwil na sa mundo. Alam mo 'yon? HAHA! ‘yong mga pamilya namin, walang kwenta ang tingin sa amin. May iba namang iniwan na ng pamilya kaya dito ang bagsak nila. Kaming mga nandito, kami ‘yong mga wala pang napipiling desisyon para sa buhay. Kumbaga, dito muna ang bahay namin. Oo hindi kami safe sa lugar na ito pero kasi masaya kami rito, e. Kaming mga Dama, masasaya kami sa tuwing magkakasama kami. Kita mo nga noong nagdecorate tayo sa hall? 'Di ba ang saya noon? Asaran lang sila nang asaran hanggang sa mamaya magsusuntukan. Saka para sa amin, eto na rin ang nagsisilbing pansamantalang tirahan namin hanggat wala pa kaming napipiling daang tatahakin namin para sa buhay namin. Dito rin kami mas nakakapaghanda para kapag dumating na ang araw na aalis na kami, kaya na naming maipagtanggol ang mga sarili namin. At least nag-improve 'di ba? At least nagkaroon kami ng unting kwenta."
Hindi agad ako nakaimik sa kwento niya. Nakaramdam ako ng awa sa kanila. Hindi ko akalain na ganoon pala kalalim ang kwentk nila. Ano kayang feeling ng itakwil ng pamilya? Pero kung lahat sila, tinakwil dito, ibig ba noknh sabihin na pati rin si Sky, wala nang pamilya?
"Pero kung naaawa ka sa amin, huwag. Kaya ka naming patayin." Pabiro pa nitong sabi.
Umupo na lamang ako sa tabi niya at binuksan na lamang ang tv. Sa ganoong paraang, maiiiba ko ang usapan namin at hindi na ito hahantong pa sa iyakan.
"Marami ang nagtataka sa biglaang pagkawala ng Asia's Superstar na si Hera Micolah, isang linggo matapos masunog ang isa sa mga unibersidad sa Pilipinas na Ceres University. May mga usap-usapan na baka nagpahinga lamang ito o kaya naman, pumaibang-bansa upang doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Ngunit may iba namang nagsasabi na nagquit na ito sa showbiz. Sinubukan naming magtanong sa kanyang mag-a-anim na taong manager ngunit tumanggi itong magbigay ng pahayag."
Napabuntung-hininga na lamang ako sa narinig. Grabe naman talaga ang nga tao ngayon! Kung anu-ano na lang na issue ang pinapakalat nila. Mga wala na silang magawa.
"Famous, ah." Nakangising tugon ng katabi ko.
"You know, beautiful women are supposed to be famous." Sambit ko
Pinanood din namin ang interviews nila sa fans ko. ‘yong iba, super namimiss na nila ako. ‘yong iba naman, patuloy lang inaabangan ‘yong posts ko sa social media accounts ko. ‘yong iba nga may pa-fansign pa, e. Marami na rin daw nag-e-email sa akin pero wala naman akong natatanggap dahil nga sa mobile scammer na iyon.
"Ang boring naman talaga ng palabas." Bulong ko.
"Kung gusto mo, pumunta ka sa bahay ng Emperor para makanood ka ng k-drama." Usal nito
"Nakapunta ka na ba doon?" tanong ko
"Halos lahat ng naging Empress nakapunta na roon. Pero ‘yong bago ngayong Emperor, wala pang nakakapunta sa bagong bahay niya." Sagot nito.
"Lagi bang nagbabago ang bahay sa tuwi g nagbabago ang Emperor?"
"Depende sa trip nila. Kung gusto nilang 'wag na lang baguhin."
"E ‘yong magiging Empress, hiwalay ba ang bahay niya sa Emperor?"
"Ano sa tingin mo?"
Medyo napaisip ako sa tanong niya. Hindi naman nagkakahiwalay ng tahanan ‘yong mag-asawa...
"Wait. You mean—"
"Yup."
"WHAT!? YUCK!" Halos masuka ako sa aking narinig.
"Oh? Bakit naman ganyan ‘yong reaction mo?"
Hindi ko kasi ma-imagine na may kasama sa bahay si Nerd. Hindi ko maimagine kung ano ang mangyayari sa makakasama niya sa bahay.
"E? Magkatabi rin ba sila sa kama?"
"Bakit mo naman naitanong?"
"W-wala lang. Anong akala mo sa akin? Hmp!" Tumalikod na ako at umakyat nang muli sa taas pero imbes na magtungo sa kwarto ko, dumiretso ako sa gym.
Tinungo ko ang treadmill at tumuntong sa running belt nito saka pindot ang start button at minaximize ang speed limit nito. Sanay naman na ako rito kaya sigurado akong hinding-hindi ako mapapahamak dito.
RAIZEL
Dalawang malalaking mamang naka-itim na suit ang nanguna sa paglalakad at nasa likod naman nila ang dalawa pang nakaitim na mama. Tumabi naman ang apat upang makadaan ang dalawa pang mama at nasa gitna noon ang isang babaeng nakasuot ng peach na skirt suit with matching hat. Nakaputing gloves din siya at peach na shoes. Inaalalayan siya ng dalawa niyang kasama at nasa magkabilang dulo naman ang apat pa niyang bodyguards.
"Mama!" Masayang bati ni Tita Maggie at saka niyakap si Lola.
"Welcome back, Mama." Ani naman ni mommy at niyakap din siya.
Sina daddy and Tito Tayl naman ang pumalit sa dalawang bodyguards sa pag-alalay kay Lola. Ngayon, ang anim na bodyguards na ang nakapwesto sa likod naming lahat.
Dumiretso agad kami sa restaurant at umorder ng pagkain. Ako, mushroom soup lang sa akin because I'm on a diet.
"Mas lalo kayong naggagandahan, ah." Lola's preferring to us. "At ikaw naman, lalo kang gumagwapo."
Bansot naman...
"Thank you po Lola. We missed you so much." Tugon ko saka sumubo.
She is the one and only Lola Aurora Domeñana Montréal, the Chairwoman of Transford Corporation and the former Vice President of Montréal Group. Most people call her Donya but for us, she is our Lola. Grandma sana ang tawag namin sa kanya kaso nga lang ayaw naman niya. Magsasayang lang daw kami ng laway at bukod doon mas madaling banggitin ang lola kaysa grandma.
"Kumusta pala kayo no’ng bago mong ka-love team?" Tanong ni Lola.
"Po?"
"‘yong bago mong ka-love team." Paglilinaw niya.
"As in si Relzé?" Nilingon ko ang dalawa at mukha namang kinikilig sila. Wait. Bakit ganyan ang mga mukha nila?
"Yes." Sumubo siya ng chicken at saka uminom ng tubig. "Napanood ko na ang trailer ng Celeste. And I should say, it's good. May chemistry kayong dalawa."
"Wow, thank you po." I chuckled
"Ikaw ‘yong bagong Celeste, noh?" Paninigurado niya.
"Uhm—yes po." Sagot ko
"Hmm... Okay." Tangi niyang sabi at pinagpatuloy na ang pagkain.
Nagtataka lang ako kung bakit nila kami kinukumusta ni Relzé, e wala naman dapat silang pakealam doon dahil fiancé siya ng Micolah heiress.
HERA
Ang boring naman ng buhay dito. Wala kang mapapala rito dahil sobrang tahimik, talagang pag-aaral lang ang aatupagin, wala kang masyadong friends at hindi ganoon kaganda ang pakikisama ng mga tao sa iyo. Para bang live for yourself lang. Parang eto lang ‘yong lugar sa buong mundo na hindi naniniwala sa 'No man is an island' dahil maging lahat sila ay may kani-kanyang mundo na hindi pwedeng magpapasok ng kahit na sinong tao.
Nandito ako ngayon sa cr ng kwarto ko at nagbibihis. Maganda ang damit namin ngayon. Para kaming a-attend ng prom sa suot namin ngayon. Nakapula akong A-line gown at naka-flowery hairdo. Nasa kama ko na rin ang black pouch ko na bitbit ko all through out the night. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang election nila, parang prom.
Paglabas ko ng cr, umupo muna ako sa tapat ng mirror at saka nag-apply ng makeup. Hindi gaya ng normal days, Hot Red Moonlip ang inapply ko sa lips ko at Dark Eyelush naman bilang mascara ko. Unting shade na lang din sa kilay ko then I applied neutral eyeshadow for my wide eyelids.
Matapos kong ayusan ang sarili ko, tumayo ako sa tapat ng full length mirror ko at saka tiningnan ang kabuuan ko. Tamang-tama lang sa katawan ko ang fitted gown ko na ito.
"Ang ganda ko pala talaga."
Natawa na lang ako sa naisip ko. E maganda naman talaga ako e. Ano bang inexpect ko na makita sa salamin? Pangit? ‘yong kamukha ni Raizel? Huh! NO WAY! MY WAY!
Umupo ako sa kama at saka isinuot ang aking nude high heel sandals at saka binitbit ang aking black pouch. Para tuloy akong isa sa mga candidate dahil sa outfit ko ngayon.
Binuksan ko na ang pintuan at lumabas na ako sa kwarto. Naglakad naman ako pababa na para bang debut ko. I feel something strange habang bumaba ako. Para bang may iba pang nakamasid sa akin.
"And I know that I will be speechless, speechless~~"
Nagawi ang paningin ko sa taong kumakanta na iyon.
And I know that I'm not mistaken, mistaken~~
"Atrhon." Tanging nasabi ko bago tumapak sa ground floor.
Hindi ko naman alam kung matatawa ba ako o mapapangiwi dahil sa reaksiyon niya. Matagal na akong ganito. Si Hera Micolah kaya ako.
"So, taralets my partners." Anyaya niya at itinaas ang dalawa niyang bisig upang kapitan namin ni Veilar.
And speaking of veilar, nakapula naman siyang tube gown at nakalugay lang ang buhok. She's simple but so elegant.
Kumapit naman ako sa bisig niya samantalang naglakad mag-isa si Veilar. Para tuloy siyang third-party niyan. Hindi ko nga alam kung anong trip niya, e. Maganda nga, ang lakas naman ng tama—
"Hay, buti naman hindi ka late." Aniya at saka kumapit sa bisig ni Baekh’yon.
Wait—si Nicky? Siya ‘yong trip ni Veilar? Nice! Kaya naman pala!
"Magselos ka, ah." Nginisihan naman ni Nicky si Atrhon bago naglakad.
"Ba't naman ako magseselos kung swerte ako sa kasama ko?" Usal naman nitong partner ko.
"Edi wow!"
"Sipon mong dilaw."
Natawa naman ako nang bahagya sa sagutan no’ng dalawa samantalang tahimik na tahimik naman kami nitong si Veilar.
"Sa shortcut na tayo dumaan." Ani Atrhon
"Ge. Ayoko rin namang makita ‘yong pagmumukha no’ng mga hunghang." Si Nicky.
First time kong makakadaan sa shortcut. Ang alam ko lang kasing daan, e ‘yong papuntang Sonerya.
Imbes na sa cafeteria, sa gymnasium kami dumaan. Akalain mo nga namang dito lang pala ang shortcut. Nagdire-diretso lang kami hanggang sa makarating kami sa dulo nito at bumungad sa amin ang isang sobrang liit na pintuan. Hindi magkakasya si Chubano rito. HAHA!
Binuksan naman ni Nicky ang pintuan at isang mahaba at masikip na hallway naman ang bumati sa amin. Bumitiw muna kami sa kanila at nag-isang linya lang kami para magkasya. Para kaming nasa isang madilim na tunnel na nagsisilbing hideout sa mga kalaban.
"Ang sukal nga lang ng daan." Bihira ko lang marinig si Veilar na magsalita. Hindi naman siya mukhang nahihiya dahil matagal na rin naman silang magkakakilala.
Kung saan-saan kami nagpaliku-liko hanggang sa huminto kami sa harap ng isa na namang maliit na pintuan. Kas’yang-kasya si Ralshé rito. This time, si Veilar naman ang nagbukas at doon na lamang ako namangha nang bumungad sa amin ang isang dambuhalang Spectra chandelier na hudyat na nakarating na kami paroroonan namin.
"Welcome to the Imperial Lobby." Nagawi ang paningin ko kay Atrhon. "Eto pala ‘yong continuation ng naudlot na Bellona tour ni Bebeilar. HAHA!"
Hindi na nag-abala pa si Veilar na lingunin ang bully niya.
First time ko lang makarating dito. Akala ko naikot ko na ang Imperial Hall sa sobrang dami ng nilakad ko, ‘yon pala hindi. May mas malaki pa pala sa Imperial Hall na inaakala kong pinakamalaking lugar dito sa Bellona at iyon ay ang Imperial Lobby.
"Bakit kaya kulang-kulang ‘yong nasa map?" Tanong ko sa kawalan.
"Sus. 'Wag kang magpapaniwala sa loko-lokong map na iyon. Hindi naman totoo iyon." Sagot ni Nicky
"Bacon." Tawag ko sa kanya dahilan para magulat siya.
"Ako?" Tinuro niya ang sarili habang namimilog ang mga mata.
"Yup. You are bacon."
Natawa naman ito. "Oo, alam kong masarap ako pero bakit naman Bacon?"
"Because you are Bacon. Hindi mo ba alam na Bacon ang nickname ni Nicky?" Ngumiti ako sa kanya na para bang natatawa ako sa joke niya.
"Hmm... Okay. And kung Bacon ang tawag mo sa akin, pwede bang Gina na lang ang itawag ko sa'yo?"
"NO."
"Why?"
"I don't want Gina."
"Why?"
"Coz I am Lisa."
"Okay, sabi mo, e. Edi, HI LISA!"
"Good."
"‘yon oh! Ang gagandang dilag!" Bungad ni Yunabin na nakasuot ng full skirt gown. Si Leon ang partner niya.
"Oh? Walang partner si EQ?" Aniko
"Wala kasi ‘yong bebe niyang si Einah." Tugon ni Leon
"Nuka, ikaw nga pinilit mo lang ‘yang si Yuna, e. Takot ka kasing mawalan ng partner. Sabihin nila pangit ka kaya walang gustong makipagpartner sa'yo. HAHAHAHA!" Tatawa-tawa namang usal ni EQ.
Sasagot pa sana siya nang may isang babae ang lumapit kay Veilar.
Wait. If I am not mistaken, siya ‘yong isa sa mga alalay ni Soup. ‘yong may mataas na ponytail.
"What's the matter, Lian?" Tamad niyang tanong.
"Hindi makakapunta si Einah."
Those four words made my companions' jaw drop.
"B-bakit? A-anong nangyari sa kanya?" Kung dati'y kinukutya niya pa ito, ngayon nama'y halos hindi na mapakali ang dapat na kapartner ni Einah.
"Kagabi pa siya nilalagnat kaya naisipan namin siyang dalhin sa clinic. Tapos no’ng dinala namin siya, may nadetect na kakaibang lason sa katawan niya. Tunatagal ito ng tatlong araw at kapag hindi pa ito naagapan, sabi ng doctor mamamatay siya." Mahaba nitong kwento.
" E kumusta na siya ngayon?" Bakas sa mukha ni Yuna ang sobrang pag-aalala.
"Fortunately, stable na ang lagay niya pero hindi pa siya pinapayagan ng doctor na lumabas ng clinic. Pinagpapahinga pa siya nito." Sagot niya.
"E-e s-sino naman daw ang may gawa?" Pati si Leon ay hindi na rin mapakali.
Nagulat naman ako nang dumako sa akin ang paningin niya at maya-maya pa'y tinuro na.
"Siya. Siya ang may kagagawan."
Muling napunta sa akin ang atensyon ng lahat.
"T-teka, paano mo naman nasabi na ako ang may kagagawan? May pruweba ka ba?" Pinanlakhan ko siya ng mata para matakot siya.
"Wala kaming ibang kilala na gagawa noon sa kanya kundi ikaw lang. Saka nilagnat lang naman siya noong gabing pagkatapos niyong mag-away."
"Pero teka, kung ‘yan lang naman ang patunay mo, hindi ‘yan sapat para ituro akong salarin. Hinding-hindi ko magagawang lasunin ang kahit na sino, kaaway ko man siya o hindi." Depensa ko.
"Tama siya." Sabat ni Atrhon. "Hindi sapat na pruweba ang pag-aaway nila para masabi mong siya na ang lumason kay Einah. Hindi natin alam kung sa grupo niyo, isa pala roon ang espiya."
Hindi na nakapagsalita pa si Lian kaya iniwan na namin siya.
Umupo na kami sa steel chairs na nakapalibot sa isang table. Sakto sa anim ang mga upuan ngunit sa amin, nasobrahan kami ng isa. Wala nga kasi si Einah.
"Gutom na ako." Napatingin ako kay EQ
"Para naman tayong nasa prom." Sambit ko.
"Ganito talaga ang Election." Singit ni Yuna. "Tapos mamaya, papaakyatin isa-isa ‘yong mga kandidata na para bang nasa pageant tapos ipapakilala ng admin. Ta's bibigyan tayo isa-isa ng papel tapos iboboto natin kung sino ‘yong gusto natin para sa posisyon ng Empress."
So para palang auction?
"May idea na ba kayo kung sinu-sino sila?" Sunod kong tanong.
"Actually wala. Ni hindi nga sila nangangampanya e. Kaya paano namin sila makikilala." Uminom ng kaunting tubig si Yuna bago tumingin sa harapan.
Hindi na ako sumagot at pinanood na lamang ang nagsasayawang mga ilaw.
Maya-maya pa'y umakyat na ang emcee. Matangkad ito at malaki ang katawan ngunit pumipilantik ang mga kamay.
"Good evening ladies and gentlemen! So, tonight we will be having our Election for the next Bellona's Empress!" Sabi ko na Barbie, e.
"Now, may I call on our one and only Head Empress for the opening remarks!"
Nagpalakpakan ang lahat kasabay noon ang pag-akyat sa stage ng isang babaeng nasa 60's na ang edad. Nakapula siyang vintage dress at nakabun ang buhok. May suot din siyang salamin. So, siya na pala ang sinasabi nilang si HE Miongwa.
"Good evening to all of you, I am Lee Miongwa, the Head Empress of this Empire. I am glad to see you happy and gorgeous tonight. First of all, I just want to thank the organizers of this event and for this very wonderful theme. This is the first election that has this kind of theme. Secondly, I want to tell you that this Election is not a joke. Your decisions should be serious. No extra curricular activities are allowed. You need to be mature enough. Also, the next Empress is based on your decisions so you need to obey whoever the elected one is. You need to obey all her commands or else, you will be dead. You need to choose wisely. All of us have freewill, so it is up to you, if you will choose the best one or the worst one. Never be impolite to her because that is against our rules and she has the third highest rank in this Empire. That is all." Inilapag na niya ang mike at inalalayan na siya ng ibang officers sa pagbaba.
"Very well said, HE Miongwa. And now, we will now be going to the most awaited part of this election. The introduction to the candidates. May I call on our first candidate, Ms. Xiara Monte Riada."
Lumabas ang isang babaeng nakared revealing evening gown. Malapit na niyang ipakita ang kaluluwa niya.
"A 19 year old Psychology student with a vital statistics of 35-26-34. She got a Moral Achievement in her former school and has the highest grades in her class." Pagpapakilala nito.
Para sa akin, okay lang naman siya pero titingin pa ako sa iba.
Marami pang pinakilalang kandidata ngunit isa pa lang ang bet ko sa kanila at siya ay si Xiara. Ngunit ang kinagulat ko maging ang aking mga kasama ay ang huling kandidatang pinakilala.
Paano siya diyan napunta? Akala ko ba nasa clinic siya?