Chapter 9
Kaibigan o Kaaway
|ANDRASTE|
KANINA pa ako hindi mapakali at iniisip ang sinabi ni Lady Tenshi. Magtatanong dapat ako kaso pakiramdam ko ay kawalang galang ang gagawin ko. Masyado nang makapal ang mukha ko kung ginawa ko pa yun. Kasi nataasan ko siya ng boses nung una.
Hayys.
Nakakahiya talaga. Pero medyo napanatag naman ako kasi sinabi niya namang hindi niya buburahin ang ala-ala ko tungkol sa nakaraan ko at nalalaman ko sa organisasyon nila.
Ang totoo niyan, gusto niya akong maging isa sa mga demon slayers. Isang karangalan sa akin ang bigyan nang pagkakataon na magsilbi at makatulong sa bayan, pero tinanggihan ko siya. Nakakahiya man pero hindi ko naman kayang magsinungaling sa kanya. Kahit gusto ko siyang pagbigyan ay wala akong sapat na lakas at kakayahan para maging isang slayer. Baka makasagabal lang ako kung sakaling nasa laban sila. Pero kung magbago man daw ang desisyon ko, huwag akong mahiyang bumalik. Pero bakit niya nga ba ako gustong maging isang slayer? Nabanggit ko naman sa kanya na hindi ako nagtataglay ng kulay dilaw na liwanag na taglay ng mga slayers simula noong sila ay ipinanganak dahil nakatadhana na 'yon.
Nagtataka lang ako, hayys.
"Why are you always sighing, huh? Andraste? Is something bothering you?" Tila nakasilip si Carmine sa pagmumukha ko habang naglalakad na kami sa may mahabang pasilyo muli. Napabuntong hininga na naman ako dahil sa sinabi niya.
"Oo nga, may sinabi ba si Lady Tenshi sa 'yo na sobrang ikinababahala mo?" Napatingin naman sa akin si Crimson na naglalakad sa harapan namin. Sinundo nila ako muli sa kwarto nung tapos na kami mag-usap ni Lady Tenshi.
"Ang mabuti pa, dalhin ka na lang namin sa most relaxing place dito. Para makapag-unwind ka. Okay?" Bigla na lang akong hinila ni Carmine kaya nabitawan ko ang saklay ko sa kanan na dahilan nang kawalan ko ng balanse kaya napaluhod ako at nakakapit sa kaliwang saklay ko.
"Omy! I'm so sorry Andraste! What am I going to do?" Nagpapanic na si Carmine at hindi alam ang gagawin habang tinitingnan akong hirap sa pagtayo gamit ang kaliwang saklay ko.
"You should help her stand up, idiot." Tinulungan naman ako ni Crimson na tumayo nang ayos at binigay sa akin ang nabitawan kong saklay.
"What did you say? Hindi ba ikaw ang idiot dito?" Nanggagalaiting sagot ni Carmine sa lalaking kasama namin.
Eto na naman sila,
"Alam mo kasi Carmi myloves--"
"Anong Carmi mylabs? Nakakadiri ka!" Nakalimutan ata nilang nasa pagitan nila ako. Hayys.
"Why bother just now? Matagal na kitang tinatawag ng ganyan diba? Pero you're always ignoring it." Ngisi ni Crimson kay Carmine.
"O baka naman, you started to develop your feelings for me?" Mas lumawak ang ngisi sa labi ni Crimson at sinamahan pa nang pagtaas baba nang kanyang kilay na mas lalong nagpainis kay Carmine.
"Ooooh! You're blushing. Hahahahaha. I made the great Carmine blush." Sa sobrang gigil ni Carmine ay hinabol niya si Crimson na mabilis namang tumakbo palayo. At dahil sa ginawa nila, muntikan na naman akong matumba. Mabuti na lang at naibigay na ni Crimson itong saklay ko kanina.
Sinundan ko pa nang tingin 'yong dalawa pero nasa malayo na sila at naghahabulan pa din. Napabuntong hininga na naman ako.
Biglang humangin nang malakas kaya humawi ang buhok ko paharap sa mukha ko. Halos makain ko na ang buhok ko sa sobrang lakas ng hampas ng hangin. Nang mai-ayos ko ang aking buhok ay doon ko lang din napagtantong wala na ako sa loob ng mansion. Puro kulay green na halaman na ang mga nakikita ko at iba't ibang kulay ng mga bulaklak. May tatlong puno ng mangga sa hindi kalayuan at may mauusbong itong dahon na sumasabay sa kalmado nang hampas ng hangin. Maging ang mga pananim na halaman ay sumasabay sa saliw ng hangin na tipong nagsasayawan.
Napangiti ako sa nakikita ko ngayon. Ito kaya ang nabanggit nung dalawa na relaxing place? Kung ito nga, mabuti at naidala na nila ako dito bago pa nila ako iwan. Medyo natawa na lang ako sa aking isip nang maalala ang pagtatalo lagi nilang dalawa. Maingay man, na-eenjoy ko naman ang kasama sila. Biglang sumagi sa isip ko si Haylal.
Kamusta na kaya siya? Suspended kasi siya sa school dahil may halos patayin daw siyang estudyante kahit hindi naman totoo. Naawa tuloy ako sa kanya. Imbes na pumapasok siya para may matutunan ay pinagdudusahan niya ang kasalanang hindi niya naman ginawa.
Napaangat ako nang tingin at nakita ko ang maaliwalas na kalangitan. May kaunting ulap ngunit kalmado. Napakasarap pagmasdan. Sa hindi kalayuan ay may nakita akong bench sa harap ko. Unti unti akong lumapit doon upang maupo muna habang hinihintay na balikan ako nung dalawa.
"b***h, get off me." Mabilis ang naging pagtayo ko ulit nung maramdamang may malambot at may nagsalita. Sinipat ko ang bench at doon ko lang napagtanto na may tao pa lang nakahiga dito. Hindi ko kasi napansing may tao pala. Nakatingin siya sa akin. Masamang tingin.
"Sorry po," nag-bow ako bilang paghingi ng tawad sa kanya at para iwasan na din ang kanyang katakot takot na tingin. Ayoko pa sana mag-angat ng tingin pero gusto kong makita kung okay na ang reaksyon niya. At mali ako nang naging desisyon, dapat pala ay hindi na lang ako tumingin muli dahil nasalubong ko pa din ang masamang tingin niya.
"H-hindi ko po sinasadya. Sorry po," napa-tsk siya kaya mas lalo akong kinabahan. Napapikit ako nang mariin sa sobrang kaba. May narinig akong kaluskos, iniisip kung ano ang ginagawa ng lalaking nakahiga sa bench. Dahil sa pagtataka ay napamulat na ako ng mata, doon ko nakitang wala na pala siya sa bench. Napatuwid ako ng tayo at luminga linga upang hanapin siya. Nakita ko siyang naglalakad na palayo habang nakapamulsang naglalakad. Na-guilty tuloy ako, kasi imbes na mag-stay siya at matulog ay napilitan pa siyang umalis dahil sa katangahan ko. Nabalik ang tingin ko sa bench saka muling bumuntong hininga. Natigilan ako nang may mapansing kumikinang sa ibabaw ng bench. Nakita ko ang isang kwintas na may pendant na hugis bilog, kulay ginto at mukhang mamahalin. Marahil ay pag-mamay-ari nung lalaki ito. Kailangan ko itong maibalik sa kanya.
"Excuse po?" Pagtawag ko sa atensyon niya dahil hindi pa naman siya nakakalayo. Ang kaso ay hindi siya lumingon.
Nag-umpisa akong maglakad upang sundan siya at ibigay sa kanya ang kwintas na nahulog niya. Sa kabutihang palad ay naabutan ko siya dahil mabagal lang siyang naglalakad.
"Excuse me," muli kong pagtawag. Bago ko pa mahawakan ang kanyang siko ay lumingon na ito na kasabay nang biglang hampas niya sa kanyang braso kaya tinamaan ako sa may bandang balikat na nagpa-aray sa akin at nawalan din ako ng balanse kaya halos bumagsak ako sa lupa pero naramdaman kong may sumalo sa akin kaya hindi ako tuluyang bumagsak.
"Gago ka ah. Bakit ka nananakit ng babae?" Ang husky na boses na ito. Hindi ako pwedeng magkamali.
Mabilis ang naging pag-angat ng tingin ko at dun ko napatunayan ang akala ko. Iniisip ko lang siya kanina kung okay ba siya, pero ngayon nandito na siya sa harapan ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil mabuti ang kanyang lagay. Ngunit hindi nakaligtas sa akin ang mga galos at pasa sa kanyang mukha. Nakipag away ba siya?
Hinayaan niya muna akong makatayo ng ayos bago niya ako bitiwan. Nilapitan niya ang lalaking nasa harapan namin na masama pa din ang tingin. Bigla niya itong tinulak kaya napaatras ito pero hindi nagrereact o lumalaban.
"Bakit hindi ka lumaban? Ako ang harapin mo, hindi 'yong babae ang pinapatulan mo. Ano? Ha?" Maangas at naghahamon na sabi ni Haylal.
"Wala ka pala e. Tss." Tinalikuran niya ang lalaki saka ako hinarap. Yung kaninang nakakunot noo niyang itsura nung kaharap yung lalaki ay biglang napalitan ng isang masayang mukha. Napakalawak ng kanyang mga ngiti na tila wala lang sa kanya ang nangyari. Parang biglang ibang tao na ang kaharap ko ngayon.
"Tete," okay na sana e. Pero bakit biglang ganun? Hayys. Naglakad siya palapit sa akin pero bago pa siya tuluyang makalapit ay bigla na lang siyang hinila paharap nung lalaki kanina at saka sinalubong ng isang malakas na suntok sa kaliwang pisngi si Haylal. Natulala ako sa nangyari at hindi kaagad nakapagreact. Sinundan ko ng tingin si Haylal at bumagsak ito sa lupa. May bitak ang kanyang labi at may dugo na ito. Nadagdagan pa ang kanyang sugat sa mukha na lalong nagpaalala sa akin. Pinunasan niya ito ng likuran ng kanyang palad at saka sinipat ang dugo na dumikit rito. Hinayaan niya ang dugong nagmantsa sa kanyang kamao saka tiningnan ang lalaki.
"Lumalaban ka, gusto ko 'yan." Ngumisi si Haylal bago tuluyang tumayo. Pero bago pa siya sumugod ay nahawakan ko na siya sa kanyang braso kaya natigilan siya.
Napatingin ako sa lalaking nasa harapan namin at mas lalong nag-igting ang sama ng tingin niya. Hindi sa akin kundi kay Haylal. May nasesense akong gusto niyang manakit o pumatay ng tao sa mga oras na ito. Sobrang dilim ng kanyang mga mata na tipong kapag tiningnan ka ay pwede ka ng mamatay.
"Bitiwan mo ako Tete, tuturuan ko lang ng leksyon ang demonyong 'to." Marahan niyang tinanggal ang kamay ko.
"Huwag mo na siyang patulan. Magkakasakitan lang kayo."
"Magkakasakitan ba ang sabi mo? E sinimulan na ako ng hayop na 'to. Makaganti man lang ako ng isang sapak," naiiritang tugon niya sa akin.
"Demon, you say?" Tumawa ang lalaki ng mahina.
"Huh?" Napalingon kami pareho ni Haylal sa lalaki pero si Haylal lang ang nagreact. Iba na ang aura nung lalaki. Ang dilaw na liwanag na inilalabas niya ay unti unting tumitingkad.
"Hahahahahahahahaha," alam mo yung tawang hindi masaya pero nakakatakot. Para siyang nasisiraan ng bait sa paraan ng pagtawa niya. Bigla niyang hinawi pataas ang may kahabaan na buhok na nakaharang sa kanyang mga mata gamit ang mga daliri kaya mas lalong na-emphasize ang mata niyang nakakapaso kung tumingin. Ngunit makikita mong walang buhay ang mga ito. Napakalungkot ng kanyang mga mata. Nakatingin siya sa amin na parang gusto niya kaming patayin na dalawa. Nanunuot sa buto ang takot na nararamdaman ko.
"Don't make me laugh. You're the demon here, idiot."
"Anong sabi mo?!" Sumugod na si Haylal at hindi ko na napigilan pa. Para akong naestatwa ng panandalian sa nangyari.
"Wag mo akong igaya sa tulad mong gago ka!" Nakaisa si Haylal sa pagsuntok sa lalaki na hindi naman ininda ng huli. Bagkus ay tuwang tuwa pa ang mukha nito. Parang ibang iba siya sa nakita ko kanina. Parang ibang tao ang nasaksihan ko ngayon. Hindi ko man siya kilala at ngayon ko lang siya nakita ay wala akong nararamdamang masamang aura na bumabalot sa kanya.
"You know what? I wanna destroy you, right here, right now. Because demons make me sick. I want to s*******r all your keen, including.." tumigil siya panandalian.
"..YOU!" Kasabay nang pagsabi niya sa salitang yun ay bigla na lang itong naglabas ng espada mula sa kanyang kanang pulsuhan. Iyong parang kay Carmine. Iwinasiwas niya ito gamit ang kanyang kaliwang kamay kay Haylal na kung hindi mabilis na nakaiwas ay baka nahiwa na siya sa dalawa ng malapad na talim ng espada.
Nanlaki ang mga mata ko nung makitang may mantsa ng dugo ang talim ng espada niya kaya mabilis ang naging paglingon ko kay Haylal. Nakatayo pa ito ng ayos mula sa pag-atras niya sa pag-atake nung lalaki sa kanya. Pero nakikita ko na ang damit niya ay may hiwa na pahalang. May mantsa na din ng dugo ang kanyang damit. Unti unting dumadami ang dugo sa kanyang damit na puti kaya doon ko napagtanto na malalim ang kanyang sugat.
"'Yon lang ang kaya mo? Wala ka pala e. Ang hina--" napaubo bigla si Haylal na kasabay ng pagbuga niya ng dugo at napaluhod sa kanyang kaliwang tuhod. Nakapikit ang isang mata at makikitang iniinda niya ang sakit na kanyang nararamdaman.
Narinig ko ang kaluskos ng mga yabag ng lalaki kaya nilingon ko ito at papalapit na siya kay Haylal. Anong gagawin ko?
Napalinga linga pa ako para makita kung may ibang tao ba ditong pwedeng hingan ng tulong. Ngunit sa kasamaang palad ay wala. Kami lang tatlo ang nandirito ngayon. Dalawang demon slayer na nagpapatayan at isang ordinayong taong pilay na walang magawa kundi ang tumayo at tingnan lamang sila.
Anong gagawin ko?
Lord, anong gagawin ko?
Natataranta na ang isip ko. Wala na akong maisip na paraan sa sobrang pag-aalala at kaba ko. Napako ang tingin ko sa lalaki nang huminto na ito sa mismong harapan ni Haylal na hanggang ngayon ay hindi pa din tumatayo. Nakahawak sa tiyan niyang nahiwa ng espada. Inia-angat ng lalaki ang espada na hawak niya at nakaamba na ito upang mahiwa sa dalawa si Haylal.
"So it's true that this demon slaying swords where to destroy demons like you. Such an amazing swords smiths." Ngumisi ang lalaki. Gusto kong magsalita, gusto kong sumigaw pero walang lumalabas sa bibig kong boses.
"Your done, demon."
Nang igalaw ng lalaki ang kamay niya upang mahiwa si Haylal ay doon na ako naiyak ng tuluyan at sumigaw sa abot ng makakaya ko.
"TAMA NA!" Ang luha sa mga mata ko ay hindi na nakapagpigil pa sa pag-agos. Nanlalabo ang aking mga mata kaya wala akong makita. Sa panghihina ng tuhod ko ay wala na akong nagawa nang bumagsak ako sa lupa.