CHAPTER 99 KEN’S POINT OF VIEW Hindi alam ni Kate na uuwi ako. Alam kong masama ang loob niya dahil sa kahit ibinaba na niya ang kanyang pride ay hindi ko agad siya pinatawad. Gusto kong matutunan niya ang lesson ng kanyang ginawa. Na kung uulit pa, hindi ko siya ganoon kadaling patawarin. Isa pang iniisip ko ay ang pagpapa-raid ko sa aming mga illegal na negosyo. Nagsisimula pa lang ako sa aking bagong lihim na negosyo at kailangan ko ng isang pekeng CEO. Isang CEO na alam kung mahusay sa pagpapatakbo ng negosyo. Balang araw, ang negosyong ito ang siyang makatutulong sa akin kung sakaling itakwil ako ni Daddy. Lahat ng ipon ko, dito ko isinusugal. Pagpasok ko pa lang sa sala ng aking penthouse ay nakakita na ako agad ng sapatos ng lalaki at mga basyo ng bote ng alak at mga upos ng sig

