CHAPTER 74 Hanggang sa nakita ko ang isang pamilyar na mukha. Si Dale. Nang binuhat niya ako, pinagbigyan ko na ang sarili kong magpahinga. Naghari ang kadiliman! Mahabang-mahabang kadiliman. Nakabibinging katahimikan. Ang dati’y magulo kong mundo ay naging payapa. Naging blangko na ang isip. Basta bigla ko na lang munang binitiwan ang lahat. Ipinaubaya ko kay Dale ang buhay ko kahit hindi ko pa siya kilala. Hindi ko na inisip kung anong ginagawa niya roon sa ganoong oras. Wala na rin naman akong lakas pa para labanan ang paggupo ng kahinaan sa bumibigay ko na ring katawan. Hanggang sa nahalinhinan ng nakakasilaw na liwanag ang paligid. Buhay ako. Humihinga ako. Ilang sandali pa’y dumilat ang aking mga mata. Isang pigura ng lalaki ang nakita kong nakatingin sa akin. Hind

