CHAPTER 101 KEN’S POINT OF VIEW Hindi ko akalaing madadala ako sa isang babaeng inakala ko’y hindi pasok sa aking standard. Inaamin ko, nalibugan ako sa ganda ng kanyang katawan, sa kinis ng kanyang kutis, sa kanyang kagandahan. Nanuyo ang aking lalamunan. Agad kong itinungga ang alak na hawak ko at sinaid ko iyon. Nakaramdam ako ng init. Hindi literal na init kundi ang init ng katawan dala ng mapanuksong kabuuan ng babaeng sa tingin ko ay nasa labinwalong taong gulang lang. Pinatanda lang pala siya kanina ng kanyang makapal na make-up. Niluwangan ako ang aking necktie at habang titig na titig ako sa kanya ay dahan-dahan kong tinatanggal ang butones ng suot kong white longsleeves. Nang nahubad ko na ang aking damit ay nakita kong nadala rin ang babae lalo pa’t kita na niya ang maumbok, m

