CHAPTER 31 Naging masaya ang sumunod naming mga araw. Hindi na niya ako pinauwi nang araw na iyon. Masaya kaming nagsasalo sa pagkain. Nanonood ng movie habang nakaunan siya sa aking kandungan. Nagluluto ako ng aming miryenda at sabay kaming kumakain. Hindi na rin niya ako pinayagan pang umuwi kaya madalas ang p********k na matagal na panahong hindi namin nagagawa. Natutulog akong yakap niya ako. Ramdam kong para niya akong gustong protektahan na sa tuwing magigising siya at matatanggal ang pagkakayakap niya sa akin ay hihilain niya akong muli. Kukumutan, yayakapin nang mahigpit at hinahalikan sa aking batok. Nang mga sandaling iyon, buo ang aking kaligayahan na para bang ibinigay na ng Diyos ang aking mga dasal. Ito ang matagal ko nang hinangad. Ang aking tanging kahilingan. Kahit pa hin

