Chapter 12

2301 Words
Caleb "Bro ang saya saya mo ah!" tinapik ako ni Stephen. "Naka jackpot ka ba?" dagdag pa niya. Napailing nalang ako. "Caleb pinapapunta ka ni Dean sa office niya" si Benedict kaya napatayo ako.. "Bakit raw?" tanong ko. "Hindi sinabi eh!" aniya. "Sige. Salamat bro!" saad ko at lumabas ng lab. Kumatok ako bago pumasok. "O, please sit down Caleb!" nakangiting bati nito. "Bakit po Ma'am?" tanong ko. "Your Prof. De Jesus talked to me regarding your performance Caleb. I'm jubilant to let you know that the university of Japan is offering you to become an exchange student for two months!" Napangiti ako. Kahit kailan I never expect something like this in my life. "So ang tanong gusto mo ba? You could talk to your parents about this also sa January pa naman magaganap." aniya. Napawi ang ngiti ko. Si Sally? "Thank you, Ma'am! Mukhang kailangan ko pa ata e discuss ito sa kanila." sabi ko. "I see. I hope you'll take this offer since this opportunity is once in a lifetime." She smiled "Thank you, Ma'am!" ulit ko. "Sige. I'll not hold you long." tumango ako at lumabas ng office niya. Nagkaabutan pa kami ni Prof. De Jesus ganun din ang gusto niyang mangyari. They want me to take the offer. "Tahimik mo na ngayon bro, kanina halos mapunit na yang labi mo sa kakangiti." si Stephen ulit. "Binasted ka na?" tanong niya. "Ano? Mali yang iniisip mo." sabi ko. "May girlfriend na yan bro. Baka nag LQ!" sabat ni Benedict. Papunta palang kami ng cafeteria ng harangin kami ni Caren. "Caleb" tawag niya sa pansin ko pero tinapunan ko lang siya ng tingin. "Pwede ba kaming sumabay mag lunch sa inyo?" nakangiti niyang tanong. "Kayong bahala!" sabi ko. Nagsulputan na naman yung mga babae na nagbibigay sa akin ng chocolates. "Caleb, panghuli nato sana tanggapin mo" saad nung babaeng naka uniform ng dietetics. "Salamat sa mga binigay niyo pero may girlfriend ako at alam ko naman na alam niyo yun... Kainin niyo nalang yan kesa ibigay niyo sa akin!" magalang kung sabi at nilagpasan sila. Nauna akong dumating sa loob ng caf. Tumabi pa ng upo sa akin si Caren. Napangiwi ako dahil nung high school pa kami iniiwasan ko natalaga siyang tabihan. "Nga pala guys, I forgot to introduce my friends si Jessica at Lorna" hindi na ako tumingin at nilabas ang phone ko. Tinext ko si Sally kung nag lunch na siya baka kasi puro naman dessert inuna. Pinalitan pa niya ang contact name niya na Queen dahil na cocorny han siya sa Love na kinontact name ko sa kanya. Queen: Opo. May gulay pa nga akong inorder kaya wag na worry! Napangiti ako pero hindi na ako nagreply. "Caleb gusto mo?" lalagyan na sana ako ng manok ni Caren ng pigilan ko agad siya. "Salamat Ren pero madami pa naman akong ulam." sabi ko. Napatingin pa sa amin sila kaya umiwas na ako. "Juice leb, gusto mo?" si Caren ulit. "Caren, I'm fine. May tubig naman ako tsaka hindi ako mahilig sa juice." saad ko. Mabilis kong tinapos ang pagkain ko. "Una na ako sa inyo kita nalang tayo sa room" sabi ko ng matapos kumain at tumalikod sa kanila. Gusto ko ng tahimik na lugar pero tiyak na maraming tao sa gym ngayon. Sa parking lot ako dumiretso at pumasok ako sa loob ng kotse ko. Tinawagan ko ang phone ni Sally at sinagot niya ito agad. "Miss mo na ako agad?" bungad niya sa akin. Natawa ako. "Hindi ah. May tatanong lang naman ako!" nakangisi kong sabi kahit hindi niya nakikita. "Ano?" medyo irita niyang sabi. Napahagalpak na ako sa tawa. Natigil lang ako ng pinatay niya ang linya. Damnn! Tinawagan ko siya ulit pero hindi niya sinagot. Umulit pa ako at makailang rings lang sinagot din niya. "Sall, I was just kidding!" mahinahon kong sabi. "Caleb. Umalis sina Sally naiwan niya phone niya pero babalik din sila kaagad" aniya. Ha? Nino? "Bonita ikaw ba 'to?" tanong ko. "Oo leb. Pero sasabihin ko din agad sa kanya pagkabalik nila" aniya. "Sino kasama niya?" madiin kong tanong. "Si Gio tsaka-----" "Okay Bon. Pakisabi nalang." putol ko sa kanya at pinatay ang linya. Huminga ako ng malalim. Dammit Sall. We have talked about this already! Sally "Sall tumawag si Caleb" bungad niya sa akin at kinuha ko ang phone kong naka charge. Namatay kasi yung linya dahil lowbat na pala ako. Naka 25% palang iyon. "O" wika ko. "Anong sabi?" tanong ko. "Tinanong lang niya kung sino kasama mo tapos sabi niya sabihin ko lang sayo na tumawag siya" sagot niya. Napalabi ako. Malamang nagseselos na naman yun kay Gio. Hindi pa nga nakakalahati yung bars ko. Magpapaliwanag nalang ako. Lumabas kami sa office ng council at bumalik sa room. Pumasok din agad ang teacher namin at pinag quiz kami. Buti napaturo ko ito kay Caleb kagabi. Nag-antay ako sa labas ng gate at isang linggo na ang lumipas andun parin yung babae sa na sopistikada. Tumawid siya at nagulat nalang ako ng ngumiti siya sa akin. "Hi, I'm Isabelle. Do you know Caleb Villegas from here?" yung accent niya parang laking abroad talaga. "Sorry mam, but may I ask who you are?" "I'm her mother, you are?" tinaas niya ang kamay niya kaya inabot ko yung akin. "Sally, Mam" sabi ko. Nanlamig ang kamay ko at mukhang napansin niya iyon. "So hija, do you know Caleb Villegas? From Senior high?" tanong niyang muli. Kaya pala kakaiba ang nararamdaman ko sa kanya. Yung mata niya kamukhang kamukha ni Caleb maging ang ilong kaya hindi mapagkakailang mama niya ito. "I'm sorry Mam, But I'm a senior high student but I do not know your son." I said and she faintly smiled at me. "I see. Thanks Hija, you're a beautiful young lady. I better go" tumalikod siya sa akin.. Umuwi na ang mama ni Caleb pero noong huli kaming nag-usap tungkol sa pamilya niya ang sabi niya sa akin ayaw na niyang makita ang mama niya kahit wala siyang galit dito. Tumigil ang kotse ni Caleb sa harap ko at agad akong pumasok.. "You're with Gio and you left your phone" matalim niyang sabi. "Sorry Caleb, pero wag na muna diyan ang pag-usapan natin na lowbat yung phone ko nung tumatawag ka tapos pinasama ako sa kanila para bumili ng wrappers." "So anong dapat muna nating pag-usapan?" masungit niyang tanong. "Yung mama mo kinausap ako kanina bago ka dumating." saad ko. Tinigil niya ang kotse sa gilid ng daan. "What? What did she talked to you? How did you know that she's my mom?" sunod sunod niyang sabi. "One week na ang lumipas simula ng mapansin ko siyang nakaabang palagi sa school. Pero ngayon lumapit na talaga siya sa gate at nagkataon ako lang ang nandoon. Tinanong niya ako kung may kakilala akong Caleb Villegas from Senior high sabi ko senior high ako pero wala akong kilala na Caleb." paliwanag ko. "Tapos sinabi pala niya sa akin na mama mo daw siya. Napansin ko din iyon sa mukha niya. Pareho kayo ng mata at ilong leb. Mukhang miss na miss ka na ng mama mo" dagdag ko pa. "Sa bahay na natin to pag-usapan" malamig niyang sinabi at pinaandar ulit ang makina. Hindi umimik si Caleb hanggang sa dumating kami sa bahay hindi ko naman siya masisisi. Nag iba kami ng landas dahil magbibihis pa ako at ganun rin siya. Pumasok agad ako sa kwarto niya at nilingon niya ako. "What do you think I'll do with my mom?" Napangiti ako. "Kausapin mo siya leb" lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "She missed you at alam ko ganun ka rin. Matagal na kayong hindi nagkita diba? 7 years?" inangat ko ang ulo ko para makita siya. "But I don't feel like to talk to her even to steal a glance on her. Kinalimutan ko na si mama" aniya. "Bad ka alam mo yun. Kausapin mo ang mama mo. Kasi sa totoo lang pride mo lang yang tumatama sayo." sabi ko. "Kahit ngayon lang. Bigyan mo ng chance. Swerte ka nga may mama ka pa!" dagdag ko. Sa kwarto na ni Caleb ako matutulog ngayon. Alam ko kasing babagabagin siya. Sinusuklay ko ang buhok niya. "Pero babalikan natin yung pag-iwan mo sa phone mo" aniya. Sinimangutan ko siya. "Sinabi ko na diba na lowbat ako tsaka sumama lang akong bumili ng wrappers" sabi ko. "Fine!" He yawned "Tulog ka na" sabi ko habang nag ya-yawn ulit siya. Ang hirap kasing labanan ng antok. "Ikaw na ang matulog. I'll be alright Sall!" sabi niya at hinalikan ako sa labi. Medyo mabigat na din ang talukap ko kaya nagpatinaod na ako sa antok ko. Nauna pa akong nagising kay Caleb malamang matagal nakatulog ito. "Caleb, wake up!" sabi ko at tinapik na siya, gumising naman siya agad. "Malalate kana!" sabi ko na kinabangon niya. Naka uniform na ako at ready na. "Wag mo na akong ihahatid mas lalo kang malalate." Saad ko at hinalikan siya sa noo. Tumango siya. "Bye.. Love you!" sigaw ko sa labas ng cr. Sumigaw siya pabalik pero diko maintindihan dahil nag totoothbrush na ata siya. Naabutan ko sina Bonita at Ceddy sa gate may inaabot si Ceddy sa kanya pero di niya tinatanggap. "Hoy ano yan!" sigaw ko na kinagulat nila. Hawak ni Ceddy ang isang white rose. Natigilan silang dalawa at napatingin sa akin. "Uyy ligawan stage na sila" tukso ko. "Mauna ka na Sall pwede." nakangiting sabi sa akin ni Ceddy. "Okay" nakangiti kong paalam sa kanila. Tahimik silang pumasok sa classroom pero mukhang tinanggap na rin ni Bonita ang bulaklak. "Anong level niyo?" tanong ko "Shhh. Mamaya na" sagot niya tumango tango naman ako. Nang mag lunch time tinext ko si Caleb kasi wala akong natanggap mula sa kanya pero hanggang ngayon wala pa siyang reply. 2 hours na ang lumipas. Baka busy sila sa Lab nila. Wala kaming p.e kaya tinext ko ulit si Caleb kung may klase pa siya. Nag reply na siya sa akin na Oo at nag sorry dahil wala siyang load kanina. Tinawagan ko agad si Manong fred dahil nangungulit si Caleb na susunduin ako kahit may pasok. Paglabas ko ng gate wala na doon ang mama ni Caleb. Paano niya kaya kakausapin yung mama niya? Dumating ako sa bahay at tumawag si Dad regarding sa celebration ng company at bukas na daw dadating ang gown ko. Nakapaghapunan na ako at wala paring Caleb na dumadating. Andito lang ako sa kwarto niya nakatambay. Wala naman si Dad ngayon bukas pa ang uwi dahil nag overnight sila sa batangas. Bumukas ang pintuan at pumasok si Caleb tumayo ako agad at nilapitan siya. Hinalikan niya ako sa pisngi at napansin kong may kakaiba sa kanya. "Anong nangyari?" tanong ko sa kanya. "Nag-usap na kami" aniya. "Mabuti" nakangiti kong sabi. "Anong pinag-usapan niyo?" Interesado kong tanong "She wants me to come with her in Alaska" Yan ang hindi mabuti... "Why?" hindi ko maitago ang lungkot ko. "Baby let's not talk about this yet. I said no to her. I'm exhausted as of now wala pa akong tulog na tama." aniya at naghubad. Pinahid ko ang luha na tumakas sa mata ko. Yes he needs to rest pagod na nga siya sa school tapos meron pa 'to. It's been two weeks and up until now hindi niya binuksan ang topic na yun. He said no but why do I feel not satisfied. I felt like I don't have security and I hate this feeling. "Ang lungkot mo ah!" bungad ni Gio. I faintly smiled at him. "Kailan daw ang dealine ng research?" tanong ko. "Wag mo ng problemahin yun na print na at pinasa ang first chapter" sagot niya... "Kayo ba ni Caleb?" tanong niya. Tumango ako sa kanya bilang sagot. "Kailan pa?" mahina na niyang tanong.. "2 years na" sabi ko. "Tagal na pala. Are you happy with him?" "Oo naman. Grabe ka!" natatawa kong sagot sa kanya. Dumating sina Kelly at Jason. Ang tahimik ni Gio kahit nagtatawanan kami pero hindi napapansin nila Jason at Kelly iyon. Si Manong fred na ang sumundo sa akin ng hapon pero hindi ako sumakay dahil libre daw ni Jason ang dinner namin tonight wala kasi siya sa pasko kaya hindi na siya kasali sa pagpapalitan namin ng gift. "Oyy Ceddy subuan mo nga si Bonita" nakangising sabi ni Kelly. "May kamay ako kelly" pinalakihan pa niya ng mata si Kelly. Tumawa kami. "Kailan ang kasal?" tanong ni Jason na tumatawa. "Next year bro" nakangising sabi ni Ceddy. "Uyy baka magkatotoo" sabat ko at tumawa rin. Nag movie pa kami pagkatapos ng dinner. Pinauna ko na silang pumasok at nakita ko sa malayuan si Caleb. Pinaliit ko ang mata ko. Kasama niya ang mama niya. Wala siyang sinasabi tungkol rito. Binigay sa akin ang popcorn's at sinulyapan ko ulit sila pero wala na pumasok ako sa loob ng sinehan.. Nalulungkot ako. Bakit ganun? Wala namang nililihim dati si Caleb sa akin ah. Bakit ngayon pa? May tinatago ba siya sa akin? Kasi mas lalo akong hindi mapapanatag nito eh. Baka bigla niyang kuhanin si Caleb at pumunta sa Alaska. Malungkot akong hinatid nila sa bahay. Ang plastik na ng ngiti ko. Wala akong kabuhay buhay. Wala pa si Caleb dahil patay pa ang ilaw ng kwarto niya. Humiga agad ako sa kama matapos kong matanggal ang sapatos ko. Caleb naman eh. Natatakot ako ha. Napaiyak nalang ako sa halo halong emosyon na nararamdaman ko.. Kung ano ano na ang tumatakbo sa utak ko. Narinig ko ang pagsara ng pintuan. Nandito na siya pero wala akong balak harapin siya ngayon dahil naiinis na ako sa kanya. Tumayo ako at nilocked ang pinto ko sigurado kasi akong papasok yun dahil hindi ako pumunta sa kanya. Dammit Caleb! I freaking hate you right now. Huhuhuhu.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD