Chapter 22 Halos hindi ako makahinga sa bilis ng t***k ng aking puso. Ang daming scenario na pumasok sa'king isip. Paano kung napagtanto ni Saturn na si Kath pa rin talaga ang mahal niya? Paano kung sabihin niya na ayaw na niya sa'kin? Sunod-sunod ang naging pagtulo ng aking luha. Hindi ko na mapigilan ang paghikbi. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa aking lagnat o dahil kinimkim ko ang sakit at ngayon lang ito sumabog. "Chloe," Nadinig ko ang pagpapanic sa kanyang boses. "Calm down. I'm on my way." Biglang nagbago ang tono ng kanyang boses. It was calm and soothing, like a breeze in spring. Napahikbi ako nang hindi sinasadya. Sa sobrang pag-iyak ay tuloy-tuloy ang aking paghikbi. "Don't cry, Chloe. Please." Saturn said gently. "I'll be there." Saturn kept whispering sweet and soothi

