Chapter 13

2032 Words

Chapter 13 "Pumunta ka na! Please! Please! Please!" sabi ni Rick habang magkadaop ang mga palad at nakanguso pa! Hindi ko tuloy alam kung ilan taon na ba talaga siya! Ilang beses na rin akong tumanggi pero ayaw niya pa ring magpaawat. "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na ayoko? Ano ba kasing gagawin ko roon? Family gathering 'yon tapos makikiepal ako? 'Wag na, 'no!"  Gusto niya akong isama sa kanila kasi may party raw kasama ang family niya. Kanina pa niya ako kinukumbinsi pero hindi pa rin niya ako mapapayag. Pinagtitinginan na nga kami sa hallway kasi ang kulit niya! Sarap itapon! "Naman, Chloe, e!" Nagdabog siya na parang bata. "Minsan na nga lang magyaya tapos ganyan ka pa! Ang KJ!" Tumungo siya. Suminghot-singhot pa siya tapos taas-baba ang balikat niya. Hala! Umiiyak ba siya?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD