Chapter 11 Natulala ako sa aking kinatatayuan. Seryosong-seryoso ang kanyang mukha. Hinihintay kong sabihin niyang biro lamang ang kanyang sinabi ngunit wala akong nadinig mula sa kanya. Hindi ko alam ang aking sasabihin. Nagstuck sa'king isipan ang kanyang sinabi. Mayamaya ay naramdaman ko na lang na may bumatok sa akin. Masama ko siyang tiningnan at hinampas ko ng full force ang balikat niya. Madaming nagsasabi sa akin na ang bigat daw ng kamay ko. 'Yon bang feeling ko ang hina lang ng hampas ko pero ang totoo ay malakas pala na hindi ko man lang namamalayan. "Aray! Ano ba?!" reklamo niya habang hinihimas-himas ang balikat niya. "Bakit ka ba kasi nangbabatok?!" bulyaw ko sa kanya. "Kanina ka pa kasi nakatulala riyan, e!" Masama ang tingin niya sa'kin. "Ano ba'ng nangyayari sa'yo? A

