Third Person Point of View Napatingin si Alejandra sa bandang upuan na trono ni Urdu. Nakita niya na nakapalupot roon ang ginintuang sinulid at nakaturok din dito ang gintong karayom. Ang gintong karayom at sinulid na hinahanap nila ay nasa impyerno. Nasa may trono ng hari ng impyerno! Napansin ni Urdu iyon kaya lumapit siya kay Alejandra. Binuksan niya ang hawlang iyon at lumapit sa dalaga. Napaawang naman ng labi si Alejandra. Hanggang ngayon sa tuwing nakikita niya ang lalaki ay malakas na tumitibok ang puso niya. Gustong gusto niya pa rin ito sa kabila ng nalaman niya. Nalungkot siya ng maramdaman ang init at nagbabagang presensyang nakapalibot sa katawan ng lalaki. “Ilabas mo ang pakpak ko,” ani ni Urdu sa kanya. Napalayo naman si Alejandra kay Urdu dahil may kutob siyang kukuh

