Third Person Point of View “Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Aciera sa lalaking nakasilip sa practice room ng gusali. Nagulat ito sa boses ni Aciera at muntik nang tumaob sa biglaang pagkabalisa. Naabutan nila itong may sinisilip sa pintuan noong makaakyat sila sa palapag na pupuntahan. Agad na tumayo ng diretso si Khalid at tumingin kay Aciera. “Hinahanap ko kasi ang banyo,” palusot nito habang hawak – hawak ang may sinding sigarilyo sa kanang kamay. Umuusok pa ito ng makapal. “Naligaw ako rito at napansin kong may mga nagsasanay sa silid na ito kaya naman ako ay nakiusyoso.” Alam ni Aciera na nagsisinungaling lamang ito. “Tao,” ani ni Aciera. “Masama ang nagsisinungaling. Alam mo naman na hindi ka dapat nandito at mahigpit na ipinagbabawal sa mga empleyado

