XXXXII

1906 Words
Third person Point of View “Ito ba ay nagkataon lamang o hindi?” namamanghang tanong ni Olang kay David. Alam ni David na matalino ang kanyang kasamang si Olang mas malakas man sa labanan si Estich ay mas matalino naman sa taktika ito. “Ano sa tingin mo?” tanong ni David dito. “Hmmm,” ani ni Olang at nag isip mabuti. “Maaaring oo ngunit pwede ring maaring hindi.” Pumasok naman si Estich na may dalang mga kape sa tray. “Magkape muna kayo,” sabi ni Estich at dinertso ang tray sa lamesa. Kumuha naman ng isa si Estich sa tatlong tasa. Naalala ni David ang paborito nilang kape ni Alejandra. Hanggang ngayon ay okupado pa rin ang isipan niya kung nasaan na ba ang dalaga. “Hmp,” sabi ni Estich habang hinhinpan ang usok ng mainit na kape sa kanang kamay. “Sino iyan? Ikaw ba iyan master? Sino nagpinta sa iyo niyan?” “See?” sabi ni Olang. “Sobrang kamukha ng ginoong David ang hari noon.” “You mean hindi si master to?” tanong ni Estich at maiging pinagmasdan ang pinta ng lalaking may suot na korona at maharlikang damit. “Hindi,” sagot naman ni Olang dito. “Iyan ang itsura ng unang hari.” Namangha naman si Estich at kinuha ang pinta saka idinikit malapit sa mukha ni David at sinuri silang dalawa. “Wow,” ani ni Estich. “Ang galing! Hindi lang kayo magkapangalan master, magkamukha rin kayo! Pero sino itong katabing babae ng unang hari? Ang ganda.” “Ang reyna ng kanyang kaharian. Ang asawa ng unang hari, si reyna Seiyah,” sagot naman ni Olang dito. Napatango tango naman si Estich habang pinagmamamsdan ang nakangiting babae sa pinta. Habang kumirot naman ang puso ni David noong marinig ang pangalan na ito. “Ang ganda niya talaga,” sabi ni Estich habang namamangha sa ganda nito. “Pero hindi ba ay iniwan niya ang unang hari?” Tumango naman si Olang. “Tama,” sagot ni Olang dito. “Walang makapgsabi ng dahilan kung bakit iniwan ng reyna Seiyah si haring David noong makipagdigma ito ganoong alam ng lahat kung gaano kamahal ng reyna ang hari. Marami ang istorya na dahilan ang kumakalat ngayon sa kasalukuyan. Ang sabi nila ay ipinagpalit ni reyna Seiyah ang kanyang asawa sa hari ng kanilang kalaban dahil alam nilang matatalo na ito.” “Naniniwala akong hindi iyon ang dahilan kung bakit lumisan ang reyna sa kaharian,” ani ni David sa kanila. “Matatalo?” tanong ni Estich. “Hindi ba halos lahat ng laban ng unang hari ay naipanalo niya. Wala ba siyang tiwala sa kanyang asawa?” “Hindi ko rin alam,” ani ni Olang. “Inaalam ko pa lamang kung anong dahilan. Isa pang dahilan daw kung bakit bigla na lamang umalis ang reyna ay dahil nawala na ang lahat ng pagmamahal nito sa asawa at napuno ng inggit at selos. Sinabi nila na alam ng reyna na may ibang gusto ang hari.” Napadiin si David ng hawak sa kanyang lamesa. “Gusto?” tanong ni Estich. “Normal naman sa hari ang maraming asawa hindi ba?” “Isa lamang ang asawa ng haring David noon,” sabi ni Olang. “Si reyna Seiyah ngunit sabi nila ay nagkagusto ang unang hari  sa ipinadala sa kanya mula sa itaas upang tulungan siya sa digmaan. Ang anghel na lagi niyang kasama sa pakikidigma. Si Alejandra.” Napatawa naman si Estich sa sinabi nito. “Imbento ka na ha!” sabi ni Estich at napatigil sa pagtawa. “Bakit nakasama naman ang pangalan ni binibining Alejandra sa kwento. Ikaw talaga Olang. Hindi magandang biro iyan lalo na at nawawala pa si binibining Alejandra.” “Nagsasabi ako ng totoo,” sabi ni Olang sa dalaga. “Nabasa ko talaga ito sa libro. Kung ayaw mo maniwala ay ipapabasa ko sa iyo.” “Seryoso ka ba?” tanong ni Estich na hindi makapaniwala. Tinaas naman ni Olangg ang kanyang kilay. “Galing ah! May kapangalan rin pala si binibining Alejandra.” “Ano sa tingin mo, master? Bakit iniwan ni reynang Seiyah si haring David?” tanong ni Olang kay David na nakaupo lamang habang madiin na hawak ang libro. “SIgurado akong may hinuha ka master dahil paborito mong basahin ang kapanahunan nila.” Napaluwag naman ang pagkakahawak si David sa libro at napahinga ng malalim. Tuna yang sinabi ni Olang na nagkagusto siya kay Alejandra. Si Alejandra talaga ang gusto niya noong siya pa lamang ang unang hari. “Mabuting reyna si Seiyah,” ani ni David. “Ano mang kasamaan ay hindi babahid sa kanyang puso. Walang sino man ang nakaalam kung bakit umalis ang reyna sa kanilang kaharian.” Matapos ay napayuko si David. Matapos ang ilang daang tao ay nabanggit niyang muli ang pangalan ng kanyang reyna. Si Seiyah. Kumikirot ang puso niya para dito. “Grabe naman yung hari na iyon!” madiin na sabi ni Estich dito. “Paanong nagkagusto pa siya sa iba gayong nagpakasal na siya. Nagawa niya pang ipagpalit ang reyna sa ganda ng reyna na iyon. Gaya rin ng sabi mo master mabuti ang reyna pero  pinagpalit pa rin? Sa anghel niya pa talaga ipinagpalit. Kahit ano talagang gawin mo ay hindi mo maikekeep ang isang lalaki unless gusto niyang magpakeep sa iyo.” “Ganoon naman siguro kapag hindi mo mahal ang pinakasalan mo,” ani ni Olang. “Ha?” naguguluhang tanong ni Estich dito. “Arrange marriage lang naman si haring David at reyna Seiyah,” sabi ni Olang. “Ang mga magulang nila ang nagudyok upang mag isang dibdib ang dalawa. Yun nga lang yung reyna ay may gusto na talaga sa hari.” “Wow!” hindi makapaniwalang sabi ni ni Estich. “Sabagay ganoon naman talaga madalas. Dati pa lang talaga ay sikat na ang bagay na iyon. Almost most of the people don’t marry the love of their life pero kahit na hindi ba? Nakakalungkot pa rin ang sitwasyon ni reyna Seiyah. Isipin mo na lamang ang nararamdaman niya sa tuwing nakikita niya na nakatingin sa iba ang kanyang asawa. Baka nga totoo na nilisan niya ang kaharian dahil sa kataksilan ng kanyang asawa.” “Pagtataksil na ba iyon?” tanong ni Olang. “Nagkagusto lamang sa iba ang hari. Hindi niya naman mahal talaga si Seiyah ngunit kinalaingan niya lang ito pakasalanan. Saka hindi naman madidiktahan ang puso.” “Kahit na! Bakit niya kasi pinaksalan si reyna Seiyah?” naiinis na tanong ni Estich. “Alam niya naman masasaktan niya lang ito.” “Ganoon nga ang patakaran sa kanila na kailangan nilang sundin,” pagpapaliwanag ni Olang sa dalaga. “Huwag tayong magjudge. Hindi naman natin alam ang buong kwento.” Napasimangot naman si Estich. “Pero hahanapin ko talaga ang tunay na libro na naglalaman ng buhay nila,” sabi ni Olang. “Curious talaga ako kung ano talagang totoong nangyari. Baka naman master alam mo kung saan meron.” Malungkot si David sa kanyang mga narinig. Tila biglang nadaganan ng malaking bato ang kanyang dibdib at nagkaroon siya ng pasanin sa kanyang likuran. Tunay na umalis ang reyna dahil noong makabalik siya sa kaharian ay ibinalita sa kanya ng tagapaglingkod nito ang masamag balita na tinatanggalan na nito ng bisa ang kanilang kasal at aalis na siya ng palasyo. Hindi niya alam kung anong dahilan. Hindi niya alam kung anong nararamdaman ni Seiyah. Ang huling pag uusap nila ay noong umalis siya upang makipagdigma. Hanggang ngayon ay misteryo pa rin sa kanya ang nangyaring ito at kung bakit ginawa ni Seiyah ito. Kilala niya ang dalaga kaya nagtataka siya na sa isang ihip lang ng hangin ay nagiba ang isip nito. Hanggang ngayon ay hinahanap niya sa mga libro kung saan nagpunta ang reyna ngunit walang talaan kung saan nagpunta ito. Ang istorya lamang na nlisan nito ag kaharian ay ang tanging nakasulat sa libro. Aabot na nga ata ng milyon na libro ang nababasa ni David ngunit wala pa rin siyang makuhang sagot. “Master?” tawag ni Olang kay David dahil tila saglitang lumipat sa ibang dimension ang isipan nito. Napaangat naman ng tingin si David at napabalik sa reyalid. “Kung may mahanap mo ay ibahagi mo sa akin,” ani ni David dito. “Nais ko rin matapos ang istorya.” Nais malaman ni David kung saan nagpunta si Seiyah matapos siyang iwan nito. Hindi siya galit. Ang katotohanan ay nag – aalala siya para dito. Lubos siyang nasaktan noong ibalita sa kanya ng tagapaglingkod ng reyna na umalis ito dahil ipinauubaya na siya ng reyna kay Alejandra. Hindi niya alam na napansin ng reyna na ang ibang gusto niya ay si  Alejandra. Pilit niya itong itinago ngunit halata na pala. Sa libro niya na lamang nalaman ang  lungkot ng reyna sa tuwing magkasama sila ni Alejandra. Sa tuwing magkikita kasi sila ay nakangiti ito sa kanya. Kung sana lamang ay sa mata siya nagbase ay baka hindi siya napeke ng ngiti nito. Kahit wala na silang koneksyon noon  ay nais niya pa ring malaman sa kung ito napakamay. Gusto niyang yakapin ito at humingi ng tawad. Ito ang isa sa mga kahilingan niya sa pagtatapos ng kanilang misyon. “Hindi ba sinabi na nga na iniwan ng reyna ang hari dahil may iba itong gusto,” sabi ni Estich. “Base sa pananaliksik ko ay hindi pa sapat ang mga ebidensya upang patunayan ito,” sabi ni Olang. “Grabe best in research ka talaga,” sabi ni Estich at napatawa. Tinapik niya pa sa likod ang kagrupo. “Balitaan mo rin ako ha! Curious na rin ako eh.” Pinagmasdan ni David ang larawan. “Pwede bang bigyan mo ako ng kopya ng larawan ng reynang Seiyah,” sabi ni David kay Olang. “Wow,” sabi ni Estich. “Mukhang may bagong type si master ha. Ang ganda ba naman ni reyna Seiyah pero huwag mo sabihin sa amin na ipagpapalit mo si binbining Alejandra para sa reyna na sa larawan mo lamang nakilala. Huwag ganoon master. Huwag mong gayahin si haring David.” Tinakpan naman ni Olang ang bibig ni Estich. Napatingin naman si Dvaid sa kanila. “Pasensya ka na, master,” ani ni Olang habang hinahatak palabas si Estich palabas. “Alam mo naman ito hindi mapigilan ang dila. Huwag kang mag – alala ipagpriprint kita ng maraming copy ng picture ni Seiyah. Kahit ikeep mo na rin yang pinta na iyan.” At tuluyan na silang nakalabas ng kwarto saka lang binitiwan ni Olang si Estich. “Anong problema mo?” tanong ni Estich habang inaayos ang sarili dahil nagulo sa pagkawag niya habang hawak hawak siya ni Olang. “Ilimit mo iyang madaldal mong bibig,” sabi ni Olang. “Akala ko ba malakas makaramdam ang mga babae bat hindi mo nakita na malungkot si master noong makita si Seiyah.” “Ha?” naguguluhang tanong ni Estich. “Bakit naman malulungkot si master kay Seiyah?” “Di ba nga halos magkamukha sila ng haring David. Pwedeng reincarnation siya ng hari.” Gustong matawa ni Estich sa sinabi ni OLang. “Alam mo, sumobra na ang talino. Magbawas bawas ka ng utak.” Sabi ni estich at pumasok na muli sa silid. Napakamot naman ng ulo si Olang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD