XXIX

1604 Words
Third Person Point of View Napatingin si Alejandra sa kanyang relo noong tumunog ito. Na sa may tabi niya ngayon si David na nagbabasa ng libro. Na sa may hintayan sila ngayon ng pampublikong sasakyan na bus. Bukod sa mga mabibigat na misyon nila ay meron rin silang mga misyon na magagaan at dapat nilang gampanan. Iyon ay ang mapanatili ang kabutihan sa lugar kung nasaan sila. Nakalagay ang lugar kung saan mangyayari ang krimen. Isang holdapan ang mangyayari at maaring mabaril ang biktima kung hindi nila maaagapan ito. Napatingin siya sa padating na bus. Hindi masyadong siksikan ang loob nito. Noong huminto sa harap nila ang bus ay tumayo na si David upang pumasok rin sa loob. Pagdating nila sa loob ay maluwag pa ang espadyo at marami pang bakanteng upuan. Doon sa likuran nila na piling umupo. “May balak ba kayong kumandidatong presidente sa susunod na eleksyon?” Napatingin si Alejandra sa maliit na telebisyon na nakasabit sag awing harapan ng bus noong marinig ang malakas na tunog nito at kahit na nasa likuran silang bahagi ay rinig na rinig niya pa rin ng kay linaw ang mga sinasabi sa balita. Napatawa naman ang babaeng nakaupo sa harap ng repoter at nagpaypay. “Sa ngayon ay pinag – iisipan ko pa,” sagot ng babae dito. “Ngunit marami ang umaasa sa inyo,” sabi naman ng reporter. “Siguradong mananalo kayo sa susunod na eleksyon sa dami ng inyong taga suporta.” Mas lalong napatawa ang babae sa sinabi ng reporter sa kanya. “Talaga ba?” ani ng babae ngunit pansin ni Alejandra na umaarte lamang ito. “Labis labis niyo namang pinasasaya ang aking puso sa mga sinasabi niyo. Talamak na ang kasamaan sa mundo at syempre bilang isang bise president ay nais kong makatulong sa mga tao. Sa ngayon talaga ay hindi pa ako sigurado, ngunit kung marami ang naniniwala sa akin bakit hindi?” “Kung uupo kayong presidente ay ano ang unang una niyong gagawin?” tanong reporter dito. Mas lalo namang napapaypay ang babae sa tanong ng reporter sa kanya. “Marami kaming plano sa mundong ito,” ani ng babae dito. “At ipapakita namin iyon sa gawa.” Pumalkpak naman ang mga taong nanonood rin na nasa loob ng telebisyon. “Iba ka talaga, vice president Lila Fanning,” ani ng reporter na kay saya saya rin tulad ng mga tao sa loob ng telebisyon. “Isang karangalan para sa akin ang mainterview kayo ngayon.”   “Hay sana ay tumakbong presidente si Ms. Fanning,” napatingin naman si Alejandra sa matandang nakaupo sa harapang upuan nila. “Paniguradong mananalo siya. Sayang naman ang kanyang kasikatan kung hindi niya iyon gagamitin. Iboboto ko rin ang babaeng iyan. Napakaganda!” “Wala pang asawa si Ms. Fanning,” ani naman ng katabi nitong matandang lalaki. “Paniguradong maraming nanliligaw diyan. Ay tignan mo nga eh parang isang anghel na pinadala sa lupa.” Napatawa naman ng kaonti si David sa kanyang narinig habang nagbabasa ng libro. “Nako po!” ani ng isang ale na may dalang bayong at nasa gilidan ng upuan kung nasaan nakaupo ang mag – asawang matanda. “Huwag kayong palilinlang sa magandang mukha niyan! Ay may balita ako sa babaeng iyan na sa likod ng magandang mukha at may kademonyohang ugali. Bali – balita pa nga na ang manliligaw ng babaeng iyan ay sunod sunod na nawawala!” “Aba manahimik ka nga diyan!” galit na sabi ng matandang babae sa ale. “Siguro ay anti fanning ka kaya kung manira ka sa kanya ay wagas. Pag inggit pikit! At kung totoo ang sinasabi mo ay sana nabalita na sa telebisyon pero hanggang ngayon ay puro magandang balita ang naririnig ko sa kanya. Itikom mo na lang iyang bibig mo iha!” “Ano ka ba,” saway naman ng matandang lalaki sa kasama niyang matandang babae. “Ay hindi ako nagsisinungaling!” ani naman ng ale na ang mukha ay hindi maipinta. Naiinis siya sa paninigaw at tono ng pagsagot sa kanya ng matanda. “Totoo ang sinasabi ko! Siguro sa dami ng pera niyang babaeng iyan ay binayran niya lamang ang mga saksi at bmga mediya. Wala namang imposible sa mundong ito. Ah basta ako hindi ko iboboto ang mangkukulam na iyan!” “Aba’y hindi ka talaga tatahimik diyan tsismosa?” ani ng matandang babae dito. “Siguro ay nanonood ka pa ng mga pambantang palabas kaya kung ano ano ang naiisip mo. Isa pa ay hindi ko hinihingi ang opinyon mo! Mga tsimosa talaga ay maninira ng tao!” Matalim naman na tinignan ng ale ang matandang babae. “Aba ay bastos ka ah!” ani ng matandang babae dito. “Kay’ sama mong tumingin! Dukutin ko iyang mga mata mo!” “Ano ka ba,” ani ng matandang lalaki. “Tama na nga iyan. Huwag ka ng makipag – away, mahal ko. Sasakit lang ang batok mo.” “Aba ito kasi ay sinisiraan si fanning!” sigaw ng matanda. “Puro chismis lang naman at walang ebidensya.” “Hindi ko na kailangan ng ebidensya! Wala akong dapat patunayan sa inyo!” sigaw naman ng ale pabalik. “Kung ayaw niyo maniwala edi wag’! Kung ganoon kayo katanga ay iboto niyo iang bruha na iyan na magpapahirap sa atin! Bahala kayo diyan!” “Anong sabi mo?!” hindi makapaniwalang tanong ng matanda dito ngunit hindi na siya pinansin ng ale at tumayo na sa upuan upang bumaba sa paghinto ng umaandar na bus. Noong makababa ang ale ay napahawak naman ang kamay ng matanda sa kanyang batok. “Mga tao talaga ay wala ng respeto sa atin,” ani ng matanda sa kanyang asawa. “Tignan mo nga kung paano ako sinagot sagot ng walang hiyang babaeng iyon.” “Huwag mo na iyon isipin,” ani naman ng matandang lalaki na kanyang asawa. “Ikaw naman kasi ay ang hilig mong makipag – away at kung sino sino na lang ay kinagagalit mo para kay Fanning.” Binalingan naman ni Alejandra ang telebisyon muli upang panoorin si Fanning ngunit patalastas na. Na sa mundo sila ng tao ngunit wala silang masyadon pakielam sa kanilang mga palabas dahil masyadong nakatuon ang kanilang atensyon sa kanilang misyon. Pagkahinto ng bus sa susunod na estasyon ay bumaba na sila ni David. Tinignan naman ni Alejandra ang lalaking palingon lingon sa paligid. Ito na ang tinutukoy na manghoholdap mamaya maya pa. Nakita niya ang isang babaeng nakapalda na hanggang tuhod at may hawak hawak na bag. Nagcecellphone ito habang naglalakd patungo sa upuan ng hantayan ng bus. Napatitig ang lalaking holdaper dito mula ulo hanggang paa. Sa isang tingin pa lamang ng holdaper ay alam na niyang marami siyang makukuha dito. Nagoobserba naman si Alejandra sa mga susunod na mangyayari. Nakikita niya ang baril sa gilid ng lalaki. May dalawang balang laman ito. Malamang na ito ang gagamitin mamaya ng lalaki sa kanyang panghoholdap. Mga ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na nag kasunod na bus. Gaya kanina ay maluwag lang rin ang bus. Sumakaya ang babae roon ay sumunod rin ang lalaki. Pinigilan siya ni Alejandra sa pagsakay. “Hi, anong pangalan mo?” tanong ni Alejandra at sinusubukan na palakarin ang oras upang hindi makasakay ng bus ang lalaking holdaper. Napakunot naman ang mukha ng lalaki ngunit agad na napangit ito ng makita si Alejandra. Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. Binitawan naman ni Alejandra ang lalaki sa pagkakahawak nito sa braso at nginitian ito. Pwede silang kumausap ng mga tao ngunit hindi sila pwedeng makielam sa mga buhay nito. Katulad na lamang ng sitwasyon nila ngayon kung saan hindi niya pwedeng sabihin na huwag na itong mangholdap o huwag niyang ilalabas ang baril. Bawal niya rin kuhanin ang baril nito o kontrolin. Matatawag na pangingielam iyon at may nakapatang na parusa sa kanila kapag ginawa nila iyon. Napakagat naman ng labi ang lalaki. “Ako si Jack,” sabi ng lalaki at itinaas ang kanyang kamay. Sa isip isip nito ay may gusto sa kanya ang dalaga at nakajackpot siya. “Hoy, hindi ka pa ba sasakay?” Napatingin sila Alejandra sa lalaking na sa may bintana. Ito ang nagtanong kay Jack. Nakasumbrero ito at hindi tanaw ang kalahati ng mukha dahil madilim na sa parting ito. “Sumakay ka na dahil nagmamadali ako,” ani ng lalaki sa boses na nag – uutos. Napatingin naman si Jack kay Alejandra at parang may kung anong naisip ito. Sumakay ito ng bus na ikinagulat ni Alejandra. “Jack!” tawag niya dito ngunit hindi siya pinansin. Sasakay rin sana siya ng bus ngunit pinigilan na sya ni David. “Wala na tayong magagawa roon,“ ani ni David sa dalaga. “Ngunit lumabas sa relo ko na kailangan mapigilan ang pagsakay niya sa bus,” bulong ni Alejandra sa kanya. Nakatapat lang kasi sa kanila ang bus at hindi pwedneg marinig ng mga taong ito ang kanilang pakay. “Ngunit nakasakay na siya,” sabi ni David na nakatingin sa lalaking nakasumbrero na nakangiti sa kanila. “Bigo mula tayo,” malungkot na sabi ni Alejandra dito.” “Hindi naman palagi tayong mananalo,” ani ni David sa dalaga at malalim na napahinga. Kakaiba ang ngiti ng lalaking ito na ipinagtaka ni David. Isang ngisi na puno ng kasakiman at kasamaan. Pilit tinawnaw ni David ang mga mata nito ngunit hindi niya na maabutan dahil umandar na ang bus paalis. Malalim rin na napahinga si Alejandra habang pinagmamasdan ang bus na papalayo.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD