II

1006 Words
Alejandra Point of View Tumingin sa akin kay Helena matapos ay tumingin sa demonyo. Tila hinahamon talaga kami ng demonyong kaharap namin. “Huwag kayong palilinlang sa demonyong ito. Ang mga lumalabas sa bibig niya ay puro katusuhan at kasakiman na hindi dapat tularan!” sabi ni Helena. “Sabi ni Heneral mag-ingat daw kami sa mga katulad niyo. Mag-ingat daw kami sa Heaven Warriors. Biruin mo hindi ko akalain na nagbibiro lang pala ang heneral kasi nakakatawa talaga mga wala naman kayong kwenta," panghahamak nito sa amin. "Pero kayo nga ba yung mga anghel na pinadala sa lupa? O mga taong nagfefeling tagapagligtas lamang?" “Wala tayong makukuha na impormasyon sa demonyong ito tapusin niyo na siya.” Utos sa amin ni Helena at lumabas na ng kwarto. Lumapit naman dito si Filomena na ngumunguya pa ng bubble gang sa bibig. Paborito talaga nitong ngumuya ng bubble gum sa hindi namin malamang dahilan. Mukhang gustong gusto nito ang mga matatamis na gawa ng tao. Ibinuka nito ang kamay nito sa harap ng demonyo at mula roon ay may tumubong bulaklak na kulay ginto at kita mo pa ang pulbura na nakaaligid sa bulaklak. Napakaganda ng bulalak kung iyong tititigan ngunit kung gaano kaganda ito ay siya namang napakamapanganib. Gumamela kung tawagin ang bulaklak na ito. “Magdasal ka na pagka’t nalalapit na ang kamatayan mo. Ay hindi na pala. Ganito pala dapat. Magdasal ka na dahil ngayon rin at dito rin ay mamamatay ka na,” sabi ni Filomena. “You think that trashy flower can kill me?' tanong ng demonyo na abot langit ang ngiti. Nakita ko na biglang nawala sa mood si Filomena ngunit agad ring ngumiti ng matamis sa demonyo. “Let me show you how will this trashy flower kill you!” nakangiting sabi ni Filomena at tinapal nito sa noo ng demonyo ang gumamela. Biglang dumami ang bulaklak na tila nanganganak. Binalot nito ang katawan ng demonyo na tila isang kadena. "AHHHHH!!!" sigaw ng demonyo habang pinupuksa ng celestial energy na galing sa bulaklak ang katawna nito. "Take this away, you b***h!!!" Ilang minuto na rin ang lumipas ay saka naging abo ang demonyo. No ressurection. “Masyadong mayabang ang demonyo na iyan. Kebaba naman ng ranggo sa impyerno,” sabi ni Clark at umismid. “Clark, kahit gaano pa siya kalakas ay wala siyang karapatang magyabang. Ang pagyaya ang ay isang kasalanan.” Mula sa isang tabi ay sabat ni Devila na kanina pa tahimik sa sulok. Si Delevin. The angel of good words. Pinakapakalat niya ang tama at kabutihan. Kapag lumalaban siya ay boses lamang ang kanyang gamit. She killed with words. That is how powerful she is. “Alam ko,” sabi ni Clark kay Devila. Tinignan naman ni Devila si Clark. Ang mga titig ni Delevin. Alam ko ang ibig sabihin ng iyon. Napahawak ako sa aking dibdib. Kumakabog ang dibdib kom “Pinapaalalahan lamang kita,” sabi ni Delevin habang nakangiti ng kaonti kay Clark. "Hindi na kasi nagiging angkop ang pananalita mo. Mukhang naaapektuhan ka na ng mga tao. Pinoprotektahan lamang kita." “Alam ko ang aking ginagawa,” sabi ni Clark na mataim na nakatingin kay Delevin. "Walang perpektong anghel tulad ng mga tao. Isa pa hindi ako ang dapat mong protektahan kundi ang mga mortal." Mukhang hindi maganda ang koneksyon ng dalawang ito. Palagi kasing mailap si Clark kay Delevin. Ayaw siguro ng binata na pinangungunahan siya. “Alam ko,” sabi ni Devila at ngumiti kay Clark sabay lakad palabas ng kwarto. “Ano bang problema niyong dalawa,” tanong ni Cassiel kay Clark. "Kapag lumagpas ang linya niyo ay kayo ang susunod na itatapon sa impyerno. “Tumahimik ka!” sabi ni Clark sabay alis ng kwarto. “Huwag na tayong makielam pa sa kanila,” sabi ni Filomena sa amin. "Baka mas lumala lamang kung makikisawsaw tayo." “Mabuti pa nga,” sabi naman ni Cassiel sa kanya. "Ayoko ring madamay sa kanilang problema." “Kailangan nating magfocus sa ating misyon” sabi ni Filomena. " Hindi natin alam kung kailan lalabas ang pulang buwan." “Mukhang palipat lipat ang lagusan nila,” sabi ko sa kanila. "Malamang ay napakarami na ring demonyo sa lupa ngunit hihintayin natin ang utos ng heneral" Masyadong tuso ang mga demonyo. Ang tanging pinagtataka ko lamang ay kung ano ang hinihintay nila. Hindi pa nagpapakita ang senyales ng pulang buwan ngunut kahit na ganon ay hindi kami dapat makampante dahil ano mang oras at araw ay pwedeng lumitaw ito. Lubos talaga ang kasakiman na sa lawak ng impyerno ay nais pa talagang maghari nila dito sa lupa. Hindi pa ba sapat ang lote nila sa ilalim? Akala ko ba ay walang hanggan ang nagbabagang impyerno sa ilalim ng lupa. Tulad ng tao ay wala rin palang hangganan ang kagustuhan ng mga demonyo. Palaki ng palaki. Natatakot ako para sa kanya. Kamusta na kaya siya. Mula ng maparusahan ako ay hindi siya nagpakita pang muli. Sana ay huwag siyang tumulad sa mga isinumpa. Lumabas na ako ng kwarto at umakyat ako sa pinakatuktok ng aming gusali. Ito ang pinakamataas na gusali sa buong mundo na umaabot na sa ulap. Huminga ako ng malalim at ibinuka ang aking malaking papak. Napakaganda ng itim na pakpak na ito. Mas makinang pa sa kahit anong ginto at mas makintab pa sa perlas. Ayokong dumating sa punto na kailangang kalabanin din kita kaya sana ay huwag kang umakyat sa lupa at huwag mo silang tularan. Isipin mo na isa ka pa ring anghel na nanggaling sa kalangitan. Pakiusap. Huwag kang sumunod kay Urdu. Pagkatapos ng misyong ito ay pangakong hihilingin ko na ilipat ako sa lupa upang magkita muli tayo. Kaya pipilitin ko na hindi mamatay sa labanang ito ng sa gayon ay muli tayong magkita at muli kitang masilayan. Ngunit sa haba ng panahon ay ganon pa rin kaya ang nararamdaman mo sa akin Liviar? O baka napuno na rin ng ganid at kasamaan ang puso mo? Galit ka ba sa akin pagka't tinanggal ko ang kakayahan mong lumipad? Alam ko na gustong gusto mo na rin lumipad tulad namin ng iba. Napahawak ako sa dibdi ko at napaluha. The most torturing wound is pain in the heart.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD