XVII

1072 Words
Third Person Point of View                 Mula sa lamesa ay kinuha ni Patricia ang bote ng wine saka sinalinanan ang kanyang hawak- hawak na wine glass. Na sa harap siya ngayon ng kanyang kakambal na si Helena.                 “Sa tingin mo ba ay mahuhuli nila ang mga heneral na naroon sa lugar na iyon?” tanong ni Patricia sa kapatid at buong nilagok ang laman ng kanyang wine glass.                 “Buong supremo ang ipinadala ko  sa bahay na iyon kaya imposibleng wala silang maiuwi maski isa sa mga heneral na nagkukuta roon.”                 “Ngunit nasabi mo ba na higit sa isa ang heneral na naroon?” tanong ni Patricia na nag – aalala sa mga anghel.                 “Dapat ay alam nila iyon,” ani ni Helena sa kapatid. “Ipapadala ko ba sila lahat kung iisang heneral lamang ang naroon. Hindi ako magsasayang ng hukbong lakas para lang sa isang heneral na kaya namang patumbahin ng isang grupo ng supremo.”                 “Tama ka,” ani ni Patricia. “Ngunit paano kung ang lahat ng royal ay naroon? Hindi imposible iyon.”                 “Imposibleng magsama sama ang lahat ng royal sa iisang lugar,” ani Helena at tumingin sa labas ng kanyang malaking bintanaa sa kanilang opisina.                 Tinignan nito ang madilim na kalangitan.                 “Ano pa nga at bukas o sa susunod na araw ay malapit ng sumilip ang pulang buwan,” dagdag ni Helena. “Kailangannating magmadaling lipulin sila.”                 “Sa ngayon ay malabong malipol natin silang lahat,” sagot naman ni Patricia. “Wala sa kamay natin ang ginintuang sinulid at karayom. Hanggang hindi natin nakukuha iyon ay balewala lamang ang ating mga ginagawa ngayon.”                 “Kaya nga natin ipinadala ang buong supremo dahil nagmamadali na tayo, Patricia.” sabi ni Helena. Hanggang ngayon ay wala pa rin itong emosyon sa mukha.                 “Ngunit paano kung mga supremo naman ang maipit sa lugar na iyon?” tanong ni Patricia sa kapatid. Alam nitong magagaling ang mga supremo ngunit hindi niya maipagkakaila na magagaling rin ang mga royal ng impyerno.                 “Madali lamang silang palitan,” ani ni Helena na ikinagulat ni Patricia. “Nakahilera ang iba nating mga mandirigmang mga anghel. Ano mang oras at araw ay pwede silang pumalit sa mga malalagas na miyembro ng supremo.”                 “Helena!” madiin na tawag ni Patricia sa kapatid. “Hindi ka pa rin nagbabago. Ang akala ko pa naman ay natuto ka na sa pagkakamali mo.”                 Tinignan naman ni Helena si Patricia. Kakambal niya ito ngunit hindi sila magkamukha.                 “Matagal na akong natuto, Patricia.,” ani ni Helena. “Kung maiipit sila roon at mabibigo sa kan ilang misyon ay isa lang ang ibig sabihin nito. Hindi sila karapat – dapat sa kanilang pwesto.”                 “Nagsaling muli si Patricia sa kanyang baso ng wine. Pinuno niya ito at nilagok ang kalahati.                 “Nagkakamali ka,” ano ni Patricia at ibinaling ang tingin sa kakambal. “Kung maipit sila roon ay isa lang ang ibig sabihin nito. Nabigo ka bilang heneral nila at binigo mo sila. Sa iyo nanggaling ang utos na iyon kaya ano man ang kalabasan ng kanilang misyon ay konektado sa iyo.”                 Mariing tinignan ni Helena si Patricia habang pinag – iisipan ang mga sinabi ng kakambal niya sa kanya.                 Muling nilagok ni Patricia ang alak sa kanyang baso at pagkatapos ay ibinaba niya ito sa mesa na na sa harap niya lamang.                 “Lagi kitang pinapaalalahan,” ani ni Patricia. “Kung nasusunog na ang isang gusali at na sa pinakamataas na palapag ka ay hindi ka dapat tatalon sa bintana dahil lamang wala ka ng daanan. Kahit na ang pinakamalakas na mandirigma ay natatalo rin.”                 “Patricia,” tawag ni Helena at umupo sa upuan na na sa tabi niya lamang. “Ako ang may hawak sa mga supremo, ikaw ang may mga hawak sa mga taong nagtratrabaho sa atin. Kilala ko ang mga supremo higit sa pagkakakilala mo sa kanila. Ang mabuti pa ay ibaling mo na lang ang atensyon mo sa mga hinahawakan mong hukbo. Maiigi mo silang pagsanayin ng sa ganoon ay hindi sila natatalo agad ng mga demonyo. Baka magulat ka na lamang na trinatraydor ka na pala ng isa sa kanila. Huwag mong alalahanin ang mga supremo, ipaubaya mo na sila sa mga kamay ko pagka’t ako naman talaga ang may hawak sa kanila. Bakit hindi mo gayahin ang iba pang mga heneral na nakafocus sa kanilang mga hukbo.”                 “Nag – aalala lamang ako sa kanila, Helena,” ani ni Patricia. “At maging sa iyo. Alam kong pinag – iisipan mong mabuti ang mga bagay – bagay ngunit kilala rin kita ng higit sa lahat, Helena. Ayokong muli ang nangyari dati sa iyo.”                 Napa – iwas naman ng tingin si Helena.                 “Ayokong pag – usapan ang bagay na iyon,” ani ni Helena sa kapatid. “Matagal na iyon at hindi na dapat inuungkat.”                 Tinignan naman mabuti ni Patricia ang kapatid. Nakikita niya pa rin sa mga mata nito ang kalungkutan kahit mahirap basahin ang emosyon ng kapatid. Maging siya ay nalulumbay sa tuwng nakikita niya ito.                 Simula ng mangyari ang insidenteng iyon ay hindi na niya nabakas pa ang ngiti sa labi ng kapatid kaya lubha siyang nababahala nab aka dumating ang panahon na lumagpas na sa limit niya ang kanyang kapatid.                 Iyon rin ang ikinatatakot niya na baka makalaban ng mga supremo ngayon ang mga heneral na nakalaban nila dati. Alam niya kung gaano katuso at kalakas ang mga ito kaya lubha siyang nag – aalala dahil hindi malabong malagasan ng miyembro ang supremo kung sila ang mga makakalaban ng mga ito.                 “Kung ganoon ay lalabas na rin ako upang asikasuhin ang aking mga miyembro,” ani ni Patricia at tumalikod na saka lumabas ng pinto.                 Napabagsak naman ng balikat si Helena noong makalabas ang kapatid. Hinawakan niya ang kanyang noo upang hilutn ang kanyang sintido.                 Inisip niya ang kanyang mga supremo kung ano na ang mga nangyayari dito. Alam niyang malupit siyang mamahala pero may tiwala siya sa mga ito. Nagtitiwala siya mga kakayahan ng kanyang  mga miyembro.                 Iniisip niya rin ang sitwasyon nila ngayon. Marami na ang nababalita sa mga dyaryo at telebisyon. Hindi siya maaaring maupo na lamang dahil nagkalat na ang mga demonyo sa mundo ng mga tao kaya kailangan na niyang pagalawin ang kanyang mga hinawakan na hukbo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD