Third Person Point of View “Sigurado ka ba na hindi napapadaan si Nica rito kahit minsan?” tanong muli ni Filomena sa babaeng na sa lobby desk. Napag – alamanan niya na hindi na nagtratrabaho roon si Nica simula pa noong nakaraang linggo. Wala na siyang ibang alam o clue kung saan niya hahanapin ito kundi rito lamang. Sinubukan niyang itrack ang records nito sa kompanya ngunit walang lumabalabas na kahit ano. Alam niyang nasabotahe na ito ni Nica at maingat ang mga galaw nito. Hindi ito papahuli ng basta – basta lamang. Malalim naman na napahinga ang babae sa tanong ni Filomena. Kanina pa siya tinatanong ng dalaga at paulit – ulit ito. Lagi itong pumupunta sa kanila at si Nica palagi ang hinahanap. Nakukulitan na siya rito dahil paulit ulit na lamang

