XXVII

1319 Words
Third Person Point of View  Habang sa kabilang banda naman ay pinagmamasdan ni Lilith ang kaniyang aguhilya. Napupuno ng inis ang kanyang isipan sa tuwing naaalala kung paanong nasira ito ng tamaan siya ng kamao ng kalabn niyang anghel. “Ang ibig niyong sabihin ay pinadala ng Helena na iyon ang lahat ng kanyang supremo para lang mahuli kayo?” tanong ng babaeng nakasuot ng  borimphiman na damit ngunit  ang ibang bahagi nito ay gawa sa bakal na naging baluti na rin niya sa pakikipaglaban. Ang buhok nito ay nakaipit ng buo sa likod na napapaligran ng mga diyamanteng  mas malinaw pa sa sapa. May hawak itong pamaypay sa kanang kamay habang nagbibigay ng matatalim na tingin sa mga kasama. “Narinig mo naman siguro ang buong salaysay ko ng maayos,” ani ni Hadiyaah dito. “Hindi ko na dapat ulitin pa sa iyo.” Napatingin naman si Lilith at Asmodeuz sa kanila. Alam nitong nagkakaroon na naman ng initan sa pagitan ng dalawa. “Kay’ lakas ng loob mong sabihin sa akin iyan,” madiin na sabi ni Anais. Ang babaeng ay hawak ng pamaypay. Hindi niya nagustuhan ang pananalita ng babae sa kanya.                 Noon pa man ay hindi na sila nagkakasundong dalawa.                 “Ano ngayon?” tanong ni Hadiyaah na nanghahamon. Hanggang ngayon ay hindi pa humihanon ang galit niya kaya naghahanap siya ng away sa mga oras na ito at wala siyang pakielam kahit royal pa ito. “Sa tingin mo ba ay nakatataas ka na sa amin dahil malalpit ka kay Urdu?”                 Napatawa ng malakas si Hadiyaah, isang tawa na hindi napupuno ng kaligayah o katuwaan kundi puno ng sarkastiko at pagkainis.                 “Hindi!” madiin na sabi ni Hadiyaah. “Dahil sa lakas nalalaman iyan,”                 Ngayon ay napatawa naman si Anais sa sinabi ni Hadiyaah at ang tawa nito ay puno ng sarkastiko at pang – aasar.                 “Hinahamon mo ba ako talunan?” tanong ni Anais habang nakangiti kay Hadiyaah na malamig ang emosyon sa mukha. “Mas nauna ako sa iyo sa posisyon ito. Alam ko ang lahat ng tungkol sa iyo Hadiyaah at nasaksihan ko ang napakaganda mong pagbagsak sa kamay ng inyong kalaban. MJarami ka pang kakaining apoy bago mo ako matalo kaya umalis ka na dito sa lungga ko, lapastangan!”                 Agad na kinuha ni Hadiyaah ang sandata at itinulak sa pader si Anais habang ang talim ay nakatutok sa leeg nito.                 “Hindi ikaw ang magdedesisyon kung aalis ako dito o hindi,” madiin na sabi ni Hadiyaah habang puno ng galit ang mga mata.                 Inilatag naman ni Anais ang kanyang pamaypay at tinara paitaas ang sandatang nakatutok sa kanyang leeg saka malakas na sinapa si Hadiyaah upang magkaroon ng espasyo sa pagitan nila.                 “Tara na Calirop,” aya ni Asmodeuz sa dalaga dahil wala rin naman siyang balak magtagal sa kinaroroonan nila dahil marami pa siyang dapat gawin. “Pumunta na tayo sa karagatan upang isagawa ang ating tungkulin.”                 HInawakan naman ni Calirop sa braso si Asmodeuz.                 “Ngunit nakuha nila sa akin ang aking trdente, Asmodeuz,”  ani ni Calirop sa lalaki.                 Napatingin naman si Asmodeuz kay Calirop.                 “Sigurado akong isasaoli nila iyon sa inyong kaharian dahil may dala dalang signos ang tridenteng iyon kaya tatambangan natin ang mga ito sa karagatan,” ani ni Asmodeuz ay nagsimula ng maglakad paalis.                 Si Hadiyaah naman at si Anais at nagsusukatan pa rin ng tingin hanggang ngayon. Hanggang sa biglaang napahinto si Hadiyaah at napatulala. NAkaramdam siya ng malakas na pwersa sa kanyang ulo at bigla niyang naalala ang nakaraan.                 Napangiti si Anais nang makita si Hadiyaah na nagawa niyang pabalikin ang isipan nito sa nakaraan.                 “Damhin mo muli ang sakit, lapastangan,” ani ni Anais habang nakangiti.  Tumingin siya kay Lilith na nakangiti rin habang pinagmamasdan si Hadiyaah. “Hanggang ngayon pala ay hindi pa siya dalubhasa sa pagharang ng kapangyarihang ito,” ani ni Lilith at mas lalong napangiti. “Kaya nga tuturuan natin siya hanggang sa magsawa na siya sa sakit,” ani ni Anais. Ito ang pinakaayaw niya sa lahat. Ang kinukwesytiyon ang kakayahan niya ng iba. Kumpara kay Hadiyaah ay di hamak na mas magaling at mas beterano siya dito. Napatingin siya kay Lilith na nagbago ng anyo. Nagmukha itong normal na tao habang nakasuot ng pormal na putiing bestida. “Aalis ka na agad?” tanong ni Anais. “Sayang naman at hindi mo makikita ang paghihirap ng babaeng ito habang bumabalik sa kanyang nakaraan.” Inilagay naman ni Hadiyaah ang kanyang aguhilya sa kanyang buhok. “Alam mo namang may trabaho pa ako,” ani ni Lilith habang nakakalokong nakangiti. “Okay, children.” Lumambing bigla ang boses nito saka kumindat kay Anais at tumalikod na upang lisanin ang lugar. Si Hadiyaah naman ay bumalik sa kanyang nakaraan. Ang nakaraang nakatago sa pinakaila ilaliman ng kanyang puso na patuloy na sinasaksak ito sa bawat araw na lumilipas “Nasaan ang prinsesa?” Napabaling si Hadiyaah sa kanyang minamahal noong tanungin siya nito. Hindi maganda ang pakiramdam niya sa tanong nito.                                 “Na sa may dulong palasyo siya,” ani ni Hadiyaah sa lalaki. “Ano mang oras ay mahuhuli na rin siya ng kalaban. Kuhanin natin ang pagkakataon na iyon upang sagipin ang mga tao at tumakas dito.”                                 Napatingin naman sa kanya ang lalaki sa sinabi niya.                                 “Sinasabi mo bang aabandunahin mo ang prinsesa upang ilgtas ang iyong sarili?” tanong ni Valsen sa kanya.                                 Hindi naman makapaniwala si Hadiyaah sa narinig mula sa bibig ng kaniyang minamahal.                                 “Ano ang ibig mong sabihin? Ano klaseng pag – iisip iyan, Valsen?” hindi makapaniwalang tanong ni Hadiyaah dito. “Hindi pang sarili ko lamang ang iniisip ko! Hindi ba nakita ang napakaraming taong mamamatay kapag iniwan mo ang posisyon mo dito? Isuko na natin ang prinsesa at doon ay makakaligtas ang marami!”                                 “Iyon ang ang utos sa atin, Hadiyaah!”ani ni Valsen sa kanya. “Responsibilidad nating protektahan ang prinsesa ng ating kaharian!”                                 “Sinasabi mo ba na abandunahin ang mga taong ito na siyang dapat prinoprotektahan ng kaharian para lamang sa prinsesa?!” tanong ni Hadiyaah na naiiyak na. Iba ang nais niya sa nais na mangyari ni Valsen. “Iiwan mo kami at hahayaan mo kaming mamamatay dito?”                                 Niyakap naman bigla siya ng kanyang lalaking minamahal at sa mga oras na iyon ay tila isang mahikang napuno siya ng lakas.                                 “Babalikan ko kayo,” ani ni Valsen sa kanila. “Dadalhin ko lamang sa ligtas na lugar ang prinsesa at muli ko kayong babalikan dito.”                                 Tila kumalma naman si Hadiyaah sa sinabi nito. Bago lumabas na ng lona si Valsen ay napatingin ito kay Erapel na nakatingin rin sa lalaki.                                 “Babalikan ko kayo, Erapel,” ani ni Valsen dito at niyakap rin ito.                                 Napaiwas naman ng tingin si Erapel dito ngunit binalik niya rin ang tingin sa kanila                                 May binulong ang babae ito sa kanyang minamahal na hindi na niya narinig pa dahil mahina lamang. Bumitaw si Valsen sa pagkakayakp niya kay Erapel at tumingin kay Hadiyaah. Malungkot ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.                                 May takot ang dalaga na baka may masamang mangyari kay Valsen at wala siya roon at natatakot rin siya na hindi sila balikan ni Valsen sa digmaan lalo na at ang prinsesa ang pinag uusapan nila. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na paborito ng prinsesa ang heneral at base sa mga nakikitang tingin ni Hadiyaah sa mga tingin na tinatapon ng prinsesa sa kanyang minamahal ay interesado ang prinsesa dito.                                 Lumapit si Hadiyaah kay Valsen at mahigpit na niyakap muli ito.                                 “Mag – iingat ka, mahal ko,” ani nito sa binata.                                 Hinalikan naman siya ng binata sa ulo at matapos ay nagpaalam na at tuluyang nilisan ang lugar kasama ng kaibigan nito na si Algo na siyang kanang kamay rin ng heneral.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD