XXXIV

1969 Words
Third Person Point of View Pinagmasdan nila Filomena ang malaking espasyo sa loob ng malaking kompanya. Kung titignan at isa lamang itong pang – karaniwang kompanya gaya ng mga madalas na nakikita ng mga tao. May mga malalaking upuan para sa mga bisitang nais magpahinga, Sa gitna ay matatagpuan ang lobby desk ng kompanya. Maraming mga tao ang palakad lakad sa ibabang bahagi ng kompanya na pawang mga nakasuot ng pormal na attire. Isang babaeng tagalinis ang napadaan sa harapan nila at pagkatapos ay napatigil ito sa pagmomop ng makinis na tiles sa sahig. “Bago kayo dito,” ani ng babaeng nakasuot ng puting tshirt at itim na slacks. Maging ang paa nito ay nakasuot ng itim na flat shoes. Malawak ang ngiti nito kila Filomena. “Anong sadya niyo.” Bahagyang nagtaka si Filomena pagka’t ang isang tulad nitong tagalinis sa kompanya ay dapat naglilinis lamang at hindi nagtatanong sa mga bisita ngunit hindi niya pinahalata dito ang kanyang pagtataka. Pinakita naman ni Krit ang identification card niya sa tagalinis. Isang pagkakakilanlan na may karapatan sila na magembestiga sa isang kahina – hinalang kaso. “Kaso?” tanong ng babae. Binasa naman ni Filomena ang identification card na nakasabit sa kaliwang bahagi ng puting tshirt nito – ‘Nica’. “Marami na kaming natatanggap na reklamo na maraming nawawalang  empleyado ng kompanya dito,” sagot naman ni Chloe dito. “Base rin sa mga record ay pumasok sila dito at hindi na namataang lumabas.” Tumalim ang mata ni Nica sa narinig. Kilala na niya ang mga nasa harap niya. Mga taong tauhan ito ng Heaven Warriors base na rin sa identification card na pinakita ng isa sa kanila. Hindi niya lamang alam kung may anghel itong kasama ngunit kinukutuban na siya sa babaeng may hawak na gumamela na medyo pakulot ang mahabang buhok na lagpas sa balikat. Iba rin ang mga tingin nito sa kanya kaya naman umarte si Nica na parang isang dukhang walang alam. “Nako!” sabi ni Nica sa kanila. “Kalokohan! Sigurado akong naninira lamang ng pangalan ang mga nagpakalat ng kasinungalingang iyan!” Nais niyang paglaruan ang mga kaharap niya ngayon. “Hindi ito kalokohan dahil nagimbestiga na kami at tama ang mga nirereport nila sa amin,” ani naman ni Krit sa babae.  Panay ang pag aayos ni Krit sa kanyang buhok dahil magandang babae ang kaharap nila ngayon. Singkit ito na napakaputi. Isama mo pa ang maikling buhok nito na hindi lalagpas ng leeg. Dagdag atraksyon rin ng babae ang maliit na nunal sa kaliwang mata. Agad naman na napansin ni Nica ang ginagawang pagpapapogi sa kanya ng binata. Hindi lang si Nica ang nakapansin nito ngunit maging si Khloe. Mas lalo pang umarte si Nica na parang mahinhng babae na hindi makabasag pinggan upang akitin pa ang lalaking na sa may harap niya. Alam niyang magagamit niya ito na magiging malaking advantage para sa kanya. “Krit!” madiin na sita dito ng kasamahan na si Khloe. Napatigil naman si Krit at dumiretso ng tayo. Naningkit ang  mga mata ni Nica kay Khloe. Ito ang pinakaayaw niya sa lahat. Ang mga babaeng pakielamera. Hindi naman kumibo si Filomena dahil kahit na sa misyon siya ay iniisip niya pa rin si Louie. Kahit anong gawin niya ay para itong linta sa kanyang utak na hindi niya maalis alis sa isipan. Hindi nito napansin ang kakaiba sa babaneg na sa harap nila ngayon dahil okupado ang kanyang isipan. Napahawak naman si Nica sa kanyang baba na tila nag – iisip ngunit pagpapanggap niya lamang iyon. “Oo nga noh,” ani nito sa mga kaharap. “Ako nga rin ay natatakot sa mga nangyayari dito sa kompanya. Natatakot lang talaga akong magsalita.” “Talaga?” tanong ni Krit dito. “Gaya ng ? Huwag kang matakot Ms. Nica. Ako ang bahala sa iyo. Sabihin mo lamang ang mga nalalaman mo.” Napangiti sa isipan si Nica sa sinabi ng binata. “Nako, huwag na pala,” sabi ni Nica na bahagyang nagpapakipot. “Baka matanggal pa ako sa kompanya namin.” Hinawakan naman sa kamay ni Krit ang babae. ‘Tao’ bulong ni Nica sa kanyang isipan. “Ang lahat ng sasabihin mo ay konpidensyal,” sabi ni Krit dito habang walang kaalam alam kung anong klaseng nilalang ang natitipuhan niya. Bumaling si Krit kay Filomena na nakatitig lang kay Nica ngunit iba ang na sa isip. “Master, mukhang may alam ang binibining ito.” Bumalik naman si Filomena sa kanyang pag-iisip. “Ano ang nalalaman mo?” tanong nito kay Nica. “Talagang nagtataka ako sa pinakaboss ng kompanya namin,” pagsisimula ni Nica. “Pati ang presensya nito ay kakaiba talaga. Sa tuwi ngang narito siya ay kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit. Pagkatapos ay madami siya palaging kausap na mga bato batong mga katawan na mga lalaki. Palagi siyang nagiimbitida ng mga empleyado sa kanyang opisina sa pinakatuktok ng gusali. Ngunit hindi ko na alam kung ano ang mga nangyari matapos niyang imbitahan ang mga ito.” “Ang CEO ng kompanya,” sabi ni krit at bnitawan na ang kamay ni Nica. Bumaling muli ito kay Filomena. “Hindi imposible para dito ang gawin ang mga bagay bagay, master.” “Wala pa tayong sapat na ebidensya, Krit,” sabi naman ni Khloe. “Hindi natin pwedeng pagbasehan lamang ang mga sinasabi niya.” Batid sa boses ni Khloe ang pagkamaldita pagkat hindi niya gusto si Nica. Iba ang kutob niya dito. Batid rin ni Nica na naiinis sa kanya ang babaeng na sa may gilid. Kaya palihim niyang inirapan ito ngunit hindi ito nakaligtas sa mga mata ni Khloe. “Hindi natin mapagkakatiwalaan ang babaeng ito,” diretsong sabi ni Khloe. “Isa siyang hudas na nagpapanggap na mabuti ngunit sa likod ng isang agila ay nagtatago ang isang paniki.” “Ano ang pinagsasabi mo?” tanong ni Nica na umarteng nasaktan sa sinabi ni Khloe. “Gusto ko lamang makatulong sa inyo ngunit hindi ko inakalang isang panghahamak lamang ang aking matatanggp! Mabuti pa nga aydapat hindi na ako nagtanong pa.” “Ano ka ba Khloe?” hindi makapaniwalang ani naman ni Krit dito. “Hindi ka dapat umaastang ganiyan. Wala namang sinabing masama si Nica at gusto niya lamang makatulong.” Hindi makapaniwalang tumingin si Khloe kay Krit. “Alam mo wala ka talagang alam!” madiin na sabi ni Khloe kay Krit at bumaling kay Filomena. “Mabuti pa ay libutin na natin ang kompanya, master.” Palihim naman na napairap paibaba si Nica dahil kay Khloe. Masydo itong pakielamera at pakiramdam niya ay masisira ang paglalaro niya dahil dito. “Master,” tawag ni Krit. “Mabuti pa siguro ay pauwiin niyo na muna si Khloe dahil makakaabala ang ugali niya sa ating pag iimbestiga.” “Teka, anong mali sa akin?” hindi makapaniwalang tanong ni Khloe at hindi niya maatim na sinasabi ni Krit ito. “Ikaw na lamang ang umuwi dahil wala ka namang alam at baka mapahamak pa kami dahil sa iyo.” “Huwag na kayong magtalo,” ani ni Filomena. “Salamat sa mg impormasyon mo Ms. Nica. Makakatulong ito sa amin ngunit may kailangan pa kaming gawin. Mauna na kami sa iyo.” “Samahan ko na kayo,” sabi ni Nica. “Tagalinis ako dito. Baka mas makatulong pa ako sa inyo.” “Tama!” natutuwang sabi  ni Krit. “Magandang ideya iyon hindi ba master?” “Hindi naman natin kailangan ng kasama,” sabi ni Khloe dito. Hindi niya gustong isama pa ang tagalinis na ito. “Isa pa ay may mga trabaho pa siyang dapat gawin at hindi naman nating gustong abalahin siya hindi ba, Ms. Nica?” “Nako hindi,” sabi ni Nica sa kanila. “Patapos na rin naman ako sa aking ginagawa. Pwede ko ba kayong samahan?” “Hindi na bale,” sabi ni Filomena. “Tama ag sinabi ni Khloe. Ayaw ka naming abalahin pa, Ms. Nica kaya mauna na kami. Tara na.” Napakakamot naman si Krit ng ulo habang naglalakad. “Bakit hindi niyo siya isinama, master?” tanong ni Krit kay Filomena. “Malaki an maitutulong nito sa atin. “Pwede huwag mo ng ipilit, Krit?” ani ni Khloe dito. “Sinabi na nga ni Master na hindi natin siya isasama. Huwag kang makulit. Ang sabihin mo nagagandahan ka sa babaeng iyon kaya gusto mo siya isama. Panigurado naman na kung lalaki iyon ay hindi ka ganyan.” “Tama si Khloe, Krit,” sabi ni Filomena sa kanyang kagrupo. “Hindi natin mapagkakatiwalaan ang mga sinasabi nila. Maaring kasinungalingan lamang ito. Huwag ka rin basta bastang nahuhulog sa kanila. Maaring ang mukha ni Nica ay mukha ng ating mga kaaway na demonyo.” “Sus, imposible iyon!” sabi ni Krit. “Ang ganda kaya ni Nica parang anghel, yung demonyo may sungay. Imposibleng maging demonyo ang ganoon kaganda.” “Wala ka talagang alam!” naiinis na sabi ni Khloe dito. Si Nica naman ay tinitignan sila habang lumalakad patungong elevator. Isang guwardiya naman ang lumapit sa grupo nila Filomena. “Pasensya na,” ani ng guwardiya dito. “Ngunit may emergency na nangyari sa kompanya. Ipinagutos sa aming palabasin muna ang mga bisita. Bumalik na lang uli kayo sa susunod araw.” “Anong emergency?” tanong ni Filomena. “Pasensya na maam pero hindi namin pwedeng sabihin,” sabi ng guawardiya sa kanila. Walang nagawa naman ang grupo nila Filomena kundi ang lumabas sa kompanya. “Bumalik na lang uli tayo bukas,” ani ni Filomena sa kanila. “Magkape muna tayo sa coffee shop na nasa kabilang kalsada.”   Naglakad na sila patungo sa tawiran at tumigil sa gilid habang naghihintay na magbigay ng signal ang traffic light na umilaw ng berde ang tao dito. “Alam mo dapat hindi ka basta nagtitiwala,” sabi ni Khloe kay Krit. “Hindi ko gusto ang Nica na iyon.” Hindi naman sumagot si Krit dito dahil nakasuot siya ng headset at sinesearch ang pangalan ni Nica sa f******k. Napairap naman si Khloe noong mapansin ang ginagawa ni Krit at tumingin na lamang sa traffic light. Tinanaw ni Filomena ang coffeshop na flower shop rin kung saan niya binili ang kanyang hawak na mga gumamela. Maya maya pa ay umilaw na ang traffic light na tao at humangin ng malakas. Nabitawan ni Filomena at nilipad ito ng hangin. Sumabit ito sa poste na ilang hakbang lamang ang layo sa kanya. Lumakad siya upang kunin iyon. Habang si Khloe naman ay humakbang na patawid. Napatanggal si Krit ng headset noong mapansin na green lights na at pwede na tumawid. Isang humahagibis na truck ang nawalan ng preno at dire diretsong tinahak ang direksyon ni Khloe. “KHLOEE!!!” sigaw ni Krit dito habang ang kamay ay nakataas at tila inaabot ang dalaga. Nagulat si Khloe at hindi agad nakagalaw sa kanyang kinatatayuan noong mapansin ang truck na dirediretsong patungo sa kanya at wala man lang itong busina. Napatingin naman si Filomena dahil sa sigaw ni Krit at nakita ng kanyang mga mata kung paano tumilapon si Khloe sa kalsada noong mabangga ng truck. Dumiretso ang truck sa isang puno at nabangga habang si Khloe naman ay bumagsak sa malaking kalsada habang ang kanyang ulo ay nabagok sa lakas ng kanyang pagkakabagsak. Wala na siyang marinig at sa bilis ng pangyayari ay tila namanhid ang kanyang buong katawan. Napako ang kanyang tingin sa isang direksyon. Ngayon ay nakatingin siya  sa malaking glass window ng kompanya. Doon ay naaninag niya ang babaeng nakatayo at diretsong nakatingin sa kanya. Si Nica ang babaeng iyon. Umangat ang labi ni Nica ng bahagya at matapos ay tumalikod na sa dalaga.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD