Third Person Point of View Inilabas ni Aciera ang pakete ng sigarilyo na ibinigay sa kanya ni Khalid kanina. Umakyat siya ngayon sa rooftop upang sumagap ng sariwang hangin habang si Cassiel naman ay bumaba na. Isa rin sa inaakyat niya dito ay ang kagustuhan niyang pagmasdan ang kabuuan ng siyudad na kinatatayuan ng kanilang gusali. Sa pinakataas kasi ay tanaw na tanaw nila ang buong siyudad sa taas ng kanilang gusali. Ang gusali nila ang pinakamataas na gusali sa lugar na iyon at maging sa buong mundo. Marami kasing sangay ang kanilang trabaho. Hindi lang sila na tagasupil ng demonyo ang sangay nito kundi may iba pa dahil hindi lang naman demonyo ang problema rito sa mundo, marami pa na iba. Iyon nga lang ay hindi na alam ni Aciera ang mga pagkakakilanlan ng ibang sangay dahil

