~ Episode 02 ~
Nagsimula na nga ang bakasyon, lahat busy kasi May sarili sariling bakasyon ako taong bahay lang hahaha, pero kahit bakasyon madalas pa rin kami mag ka kasama, madalas kami tumambay sa bahay nila JC, solid kaming mag kaibigan sayang lang talaga nawala si Archie, ano ba ako nga pala dahilan kong bakit siya umiiwas, madalas din namin mapag usapan si Archie dahil nga humiwalay siya sa pag kaka ibigan namin, and dami pa naman naming plano sa bakasyon, pero dahil doon hindi na natuloy, gusto naman kumpleto kami. mag swi swimming sana kami kaso wala eh, Hauz nakaka guilthy
Alam ko naman na ako ang dahilan kong bakit tumiwalag sa amin si Archie, dahil sinabihan ko siya na lumayo nalang at kalimutan ang nangyari, kaya naman lagi ako naguguilty kapag napag uusapan namin si Archie, Siyaka nakakahiya naman kong malaman nila na ako ang dahilan kong bakit tumiwalag si Archie, kaya nag decide ako na kausapin si Archie. Nag message ako sa kaniya sa f*******: para makausap siya, gusto ko sana siya puntahan in personal para kausapin kaso ako nalang din ang nahiya. Hay, diko alam kong paano ko kakausapin si Archie kong paano ko siya memessage, nakokonsensiya na din kasi ako sa nangyayari eh. Nag chat nalang ako kay Archie...
~ Chat Box ~
Me: Archie? (Napakarami kong chat sa kaniya pero di niya ako pinapansin, kaya naman ini uli ulit ko para ma pansin niya hanggang sa nag seen na siya sa mga message ko )
Archie: Bakit?
Me: Sorry na pre, nakokonsensiya ako kasi umiiwas ka sa tropa natin.
Archie: Diba? Ikaw naman nag sabi na umiiwas ako, eh lagi naman kayo nag ka kasama, kaya umiiwas ako.
Me: Nakokonsensiya kasi ako.
Archie: Edi diba ito naman Yong gusto mo? Umiiwas nako, hayaan niyo na ko, akala mo ba, ganun lang din kadali na iwasan kayo, ikaw!
Me: Alam ko naman yun eh, kaya ito nag so sory ako sayo, di na ako pinapatulog ng konsensiya ko.
Madalas ka din namin pag usapan, nag ta taka sila kong bakit ka umiiwas.
Archie: Oo, Tapos lagi din nag chat chat sakin sila JC, diko nalang pinapansin para sayo.
Me: Bakit naman, eh iba sila sa akin, ako lang naman ang dapat mong iwasan.
Archie: Mag kaibigan tayo, kaya mahirap yon, mag tataka sila bakit ikaw diko kinakausap tapos sila kinakausap ko.
Me: Pero sorry ahh, sorry sa nagawa ko.
Archie: Yaan mo nalang, ikaw na din ang nag sabi na umiwas ako diba, ito na iniiwasan na kita.
Me: Oo, kaya nga ako nag kaka ganito eh... Kaya sorry na.
Archie: anong gusto mong gawin ko.
Me: Pansinin mo nalang sila, since di naman, tayo mag classmate di nila mapapansin yun.
Archie: Hauz
Me: O kaya naman, gawin ulit natin Yong dati kalimutan nalang... Pero nag papansinin pa din, please sorry na.
Archie: So, paano yung sinabe mo? Kalimutan nalang? Ganun ba kadali yun?
Me: Please, Sorry na kasi.
Archie: Ohhh, Sige... Basta Friends, kailangan mo bumawi sakin madami kana utang! Ah hahaha
Me: ano naman? Ayuko na nun.
Archie: Oh diba, ikaw nag sabi na lumayo ako, Siyaka parang dimo naman ginusto yun. Atsiyaka nag bibigay ka minsan ng motibo
Me: Ikaw naman kasi, Yong mga soot mo.
Archie: Eh, Malay ko ba, eh parehas naman tayong lalaki.
Me: Ah, sige na nga, ganun naman talaga eh hahahaha, basta ayoko na ok. By the way tropa mo na pala sila, Prince
Archie: Oo, sinasali nila ako sa varsity, kulang sila sa player.
Me: Goodluck! Ok na tayo ah.
Archie: Oo basta bawi ka sakin ah.
Me: Paano naman ako makakabawi?
Archie: Inuman, basta Chat kita, kapag sa pasukan, para celebration ng grade 12 hehehe.
Me: Sige, Ikaw ang bahala.
Archie: Sige sige, Alis muna ako, May laro kami eh.
Me: Sige, Ingat...
" Yun na nga, naging ok na kami ni Archie, lagi na kami nag kaka usap, nakakausap narin niya yung mga kaibigan namin, sina jc, Anna at jess... Sa wakas naging ok na din ako, kahit papaano hindi ko na naiisip yun. Subra kasi ako nakokonsiya eh hahaa, inuman nalang daw para naman makabawi ako hehehe... Kaunting araw nalang pasukan na at grade 12 nako, yes gra graduate nako! Ilang days nalang, malapit na, Iba na ang mga Classmate ko, pero sina Anna at Jess, mag classmate parin, si JC at Archie mag ka hiwalay din ng section. Kinakabahan ako kasi diko naman mga kakilala Yong mga magiging classmate ko, for sure introduce yourself na naman yan, kailangan ko na mag ready sa sasabihin ko.
Yes! Today is our first day of school! Kinakabahan ako at excited! Bagong classmate, bagong kaibigan, pero mas solid pa din ang pag ka kaibigan namin, sa totoo nga mag kasabay kami ngayon pumasok, kulang nga lang kami ng isa, at syempre alam niyo na kung sino, edi si Archie, sure ako na kasama niya sila prince.
Sabay sabay kaming pumasok ng school at habang nag lalakad kami nakita namin si Archie, oo kasabay niya sila prince, lumapit naman sa amin si Archie.
Archie: Oy, kamusta kayo!
Me/jc/jess/Anna: Ok naman kami!
Anna: ikaw kaya ang dapat namin tanungin niyan!?
Jc: Kamusta ka? Solid mga kaibigan mo! Daming fans .
Archie: Bakit solid din naman si John oh, tignan mo nga ohh, daming Naka tingin sa kaniya, hehehe
Me: Loko ka! Mga bata pa yan!
Archie: eh bakit, naman crush ka nila eh..
Jc: Teka! Sagutin mo muna pre yung tanong namin, kamusta ka!
"Ako kinakabahan, kasi diba? Ako naman dahilan kong bakit siya umiiwas"
Archie: Ok naman, ganoon pa din! Hehehe...
Anna: Sus, bakit mo kami iniwasan dati!
Archie: Dati yun, naging busy lang, sinasali kasi nila ako varsity, eh sayang naman kung di ako sasali.
Jess: Sus, lagi naman tayo nag kikita sa daanan pero bat dimo kami pinapansin...
Archie: Basta! Hahaha, atlease ok na, medyo nag tampo lang ako...
" Ako itong tahimik sa paligid "
Jc: Kanino naman, atsiyaka ano naman ikatampo mo?
Archie: Ok na yun, wag na natin pag usapan. Atsiyaka thank you kayo kay John kasi dahil sa kaniya naging ok nako.
Anna: nakakatampo ka
Archie: Sorry na.
∆∆ sila prince, oyyy! Tara na pre daan tayo kay coach
Archie: Oh, sige na, pinapadaan kasi kami ni coach sa office niya. Sige bye.
Anna: Hauz, yaan nalang natin siya, mukhang masaya naman siya sa ginagawa niya.
Me: Oonga, BY the way, ready naba kayo pumasok sa mga rooms niyo.
Jc: Excited na nga ako eh.
Me: Buti pa sila Anna at Jess mag classmate! Well sana all hahaha.
Anna: So, Goodluck!
" Nag si pasukan na kami sa mga room namin, kinabahan ako kasi ibang mukha na ang makikita ko, kinakabahan din ako sa mga subjects, at teachers hahaha.
Pag pasok ko ng room halos lahat ng mga bago kong classmate Nakatingin sa akin malalate na kasi ako, lahat tahimik, mayroon mang nag uusap kaso subrang hina lang siguro dahil, mga bago palang at hindi pa mag ka kikilala. Halos ng upuan wala na, naubosan na ako ng vacant seat sa unahan, mas gusto ko kasi sa unahan kasi mas na iintindihan ko ang tinuturo, kaso wala na puno sa bandang unahan, pero sa Gitnang part May iisang vacant kaya doon nalang ako naupo kaysa naman mapunta pa ako sa dulo, may katabi ako medyo tahimik siya eh, ayuko namanng ma OP. Hehehe kaya tinanong ko yung katabi ko kong ano ang pangalan, sabi ko,
Me: Hi! Kamusta ka? Ano pangalan mo? " Ewan ko pero parang di niya ako naririnig hehehe. Kaya medyo nilakasan ko ang boses ko.
Me: Oy!! Ano pre pangalan mo!
Jericho: Ay hi! Hehehe sorry, akala ko hindi Moko kinakausap, ako nga pala si Jericho...
Me: Hello pre, kamusta ako nga pala si John!
Jericho: Ok naman ako nice to meet you.
"Nag tataka ako bakit parang kinikilig yung mga tao. Yun pala andiyan na si Prince, yes oo classmate ko siya, nagulat ako kasi classmate ko siya my ghad ang gwapo niya kaso diko kailangan ipahalata mahirap na, hahaha. Si Prince nasa Likod ko lang sila, kaya naman medyo kinakabahan ako lalo na pag mag papakilala medyo nahihiya ako.
Isa isa na nga nag pakilala, kita ko ang lahat na kinakabahan, nag simula na ang pag papakilala, nag simula sa dulo...
"Teacher: Everyone please introduce your self, your name, age and your ambition, nag start na yung malapit na si Prince, kita ko sa mukha niya na medyo kinakabahan din siya, Nag pakilala na siya, "Hello everyone, nice to meet you, Im Prince 19 years old and my ambition is to be an artist". Habang nag sasalita si Prince, lahat ng mga babae kong classmate kinikilig, ikaw ba naman gwapo niya at ang hot pa, kinikilig ako pero hindi ko pinapahalata. Kaunti nalang malapit na ako, ramdam ko na ang mabilis na t***k ng puso ko hahaha.
"Hi! My name is John, you can call me JJ, I'm happy to meet you, I'm 19 years old and my ambition are Police Officer. " Nakikita ko na kinikilig din ang mga classmate ko, lalo na yung gay naming classmate, alam niyo na gwapo kaso ang hindi nila alam tabinge rin pala ako hahaha....
Next na nag pakilala yung katabi ko kausap ko kanina, "Hi! Everyone, my name is Jericho I'm 19 years old, and my ambition is to be lawyer.
" Hindi naman ka gwapohan si Jericho pero ma itsura naman siya at Siyaka hindi nakaka sawa ang mukha niya, kahit titigan mo siya hindi nakakaumay.
"Natapos na ang pag papakilala, wala kami masiyado ginawa kasi pero introduce lang,
Recess time, nagulat ako kasi lumapit sa akin si Prince at kina musta ako,
" Prince: Hi ako nga pala si Prince, ikaw ba ang trip ni Archie
" Ito akong nauutal at na shock sa pag lapit niya "
Me: Yo, oo ako yung tropa ni Archie.
Prince: Ah, oo nakwe kwento ka sa amin ni Archie.
"Nag tataka ako kung ano ang mga kinukwento ni Archie sa kanila"
Me: Ah, hihihi
Prince: Anyway, nice to meet you.
Me: Nice to meet you too...
" Tinawag na si Prince nila Archie, tinawag din ako ni Archie "
Archie: Prince! Tara canteen, oy! Jericho tara Recess...
Me: Ah Sige lang. Sabay sabay kami nila Anna ehg.
"Pero ang totoo, kataka taka bakit walang Anna na na punta, so ayun na nga wala naman napunta na Anna, Jc at jess, ilang minuto na ang Naka lipas wala pa din sila, maya maya lang pumunta sa akin si Jericho at niyaya akong pumunta ng canteen, gutom na din ako, kaya nag decide ako na sumabay sa kaniya, nakita ko sila sa canteen sila Anna, JC at Jess, tinanong ko sila kong bakit hindi nila ako pinuntahan yun pala kasi nakita nila na kausap ko si prince, nag seselos daw sila baka daw tumulad ako kay Archie na kinalimutan kami, di naman niyaya lang nila ako mag canteen kaso di ako sumama kasi akala ko naman pupuntahan nio ako atsiyaka diba ok na naman tayo nila Archie?
Sabi naman ni Anna Ok nga pero lagi naman siya wala, di na siya nasama sa atin, ang sabi ko naman yaan niyo na busy siya sa sport niya eh...
Pinakilala ko na din sa kanila si Jericho.
Me,: Ay guys si Jericho nga pala classmate ko,
Jc: Hello pre, kamusta.
Jericho: hello, ok naman po ako kayo ba?
Anna: Alam mo parang familiar ka?
Jericho: hahaha, baka nakikita niyo po ako dati, ngayon lang po tayo nag ka usap.
Jess: Oonga, parang familiar ka, parang nakita na kita sa malapitan...
Jericho: Impossible po yun ngayon ko lang po talaga kayo nakausap
Me: Oonga, baka makita niyo sya sa campus kaya ganun....
Anna: Siguro.
Jc: Oy sabay sabay tayo Uwi mamaya ahh,
Anna: Sige Sige
Me: Sabay nalang natin si Jericho, para May new member naman sa group namin, sabi nga nila May nawawala pero May bagong dadating.
Jess: Share mo lang? Hahaha
Me: Edi wow
Jericho: Oh sige, wala din naman ako kasabay eh, sige sabay nako sa inyo.
MAYA MAYA LANG MATATAPOS NA YONG RECESS TIME, kaya naman nag si pasukan na kami ng room, kataka taka kasi hindi pa napasok si Prince sa namin, yung nag tanong na ang teacher namin May nag sabi na classmate namin na nag tratraning daw sure ako na mag kasama sila Archie, mag uuwian na, bumalik na din ng classroom si Prince... At niyaya ako na sumabay sa kanila, sabi ko hindi pwedi kasi May mga kasabay na ako,
Prince: Oy pre sabay tayo uwi, kasama natin sila Archie.
Me: meron narin akong mga kasabay eh.
Prince: Sige na pre, new classmate ohh, para naman makilala kita, minsanan lang naman eh... Atsiyaka nandoon naman si Archie...
Me: ayoko ko pre baka magalit sa akin mga tropa ko May usapan na kasi kami na mag sabay sabay, ayuko naman na mag tampo sila, sa susunod nalang pre.
Prince: Sige na sumama Kana, gusto lang naman kita maging kaibigan eh
" Ako itong hindi maka sagot iwan ko kung tatangi ako o hindi...
Maya maya biglang lumapit si Jericho...
Jericho: Oy John sabay sabay tayo diba tara na
Prince: Teka lang pre, mag kasabay na kami eh.
Jericho: Ah mag kasabay kasi kami May usapan na kami kanina pa.
Prince: Kami na pre mag kasabay eh, pasensiya na
Me: Teka lang ahh mag kasabay na kasi kami ng tropa ko ehhh, sa susunod nalang siguro prince. May next time pa naman eh ....
"Tumingin ng masama si prince kay Jericho, hindi naman nag pa talo si Jericho. Pero umalis nalang si Prince at walang nagawa.
Prince: Sige Pre, alis nako sa susunod nalang.
" Nakita ko na din na nandiyan si Archie nag try din siyang yayain ako, kaso di talaga pwedi eh kasi mag kasabay na kami, naintindihan niya naman kaagad yun, kasi dati naman kaming mag kasama, nanghingi din siya ng sorry kasi di siya nakakasabay sa amin.
Maya maya lang dumating Nadin ang tatlo, si JC, Jess at Anna.
Jc: John! jericho! Tara na...
Me: Oy JC, wait lang lalabas na kami, tara na Jericho diyan na sila sa labas
Jericho: Tara
" lumabas na kami at nag sabay sabay.
Anna: Tara daan muna tayo sa tambayan natin, sa Milktea shop tara tara....
Maya maya nakita namin sila Archie at prince na nasa daanan nag lalakad sa madilim na part... Ewan ko pero subrang dilim.
Jess: Tignan mo sila Archie, saan kaya sila pupunta eh diba hindi naman siya Naka tira diyan
Me: Baka May tambayan din sila, katulad natin ganun naman talaga diba, Siyaka first day kasi ng school... Kaya baka nag kayayaan din sila tumambay, niyaya nga din ako ni prince eh.
Kaso hindi ako sumama kasi naman May usapan na tayo
Anna: Nako John, ingat ingat ka hindi ko gusto yung galawan ni prince
Me: Mukha naman siyang mabait "Sino ba naman mag aakala doon, ang gwapo gwapo mala anghel ang mukha"
Jc: yaan niyo na, Hindi na naman mga bata yan alam na nila ang Ginagawa nila, yaan nalang natin sila May mga tamang pag iisip na yan.
Anna: Sabagay, so tara na pasok na tayo.
" Pumasok na kami ng loob, nag oorder na din kami ng mga orders namin"
Anna: So ano na ang Orders niyo?
Jc: Wintermelon sakin.
Jess: reg lang sakin yung chocolate flavor. Ito bayad ko ohh.
Me: Wintermelon nalang din sakin " Pag tingen ko sa wallet ko wala napala laman, Naka lumutan ko yata Yong pero ko sa bahay, diko na napansin "
Me: Teka nakalimutan ko pala ang pera ko.
Jericho: sige ako na bahala, Wintermelon nalang din sakin
Me: Sige, bayaran ko nalang sayo bukas hehehe,
Jericho: Sige Oks lang no worries .
Me: Hindi na, nakakahiya naman.
Jericho: edi ba tropa naman tayo hahahha libre mo nalang din ako sa susunod hehehe.
Me: sige na nga.
Anna: Akin na wag na pabebeb lilibre na lahat lahat eh. Marami rin kaming napag usapan isa na dun kung saan ang bawat isa nag bakasyon, Si Anna daw nag bakasyon sa Quezon Province, napakaganda daw nga ilog at dagat doon, si Jess naman nag swimming lang daw sila sa Splash Island ng Laguna, si JC naman nag Boracay sila, habang si Jericho naman nag Isabela sila well mapapa sana all ka nalang talaga, kwento pa nga ni Jericho na May crush siya doon na cute na girl hehehe, well sana all talaga, kasi ako taong bahay lang, nag swimming naman kami kaso di katulad ng dati, busy na kasi magulang ko eh. Pero oks lang na gets ko naman yun, busy sila sa Trabaho para sa kinabukasan naming mag ka kapatid.
Naka uwi na kaming lahat, pag ka dating ko ng bahay, nag open kaagad ako ng messanger kasi gusto sila kamustahin Gusto ko makita mga new post nila sa f*******:, nagulat ako kasi ni add ako ng Prince sa f*******: kaya naman ina accept ko kaagad hehehe, nag chat siya bigla na " Thank You sa pag accept "
~ Chat Box ~
Prince: Thank You sa pag accept!
Me: Welcome, ikaw paba.
Prince: Ayie bakit importante nako hehehe.
Me: hmmm, syempre kaibigan na kita eh...
Prince: Oy sabi mo ahh sabay ka na samin, Kailan ba?
Me: Hm... Diko alam eh, pero sige pag iisipan ko kong kailan, Ayumi naman kasi mag tampo yung tropa ko, sila nalang ang meron ako, joke lang...
Prince: Bakit nandito naman ako ahhh, hahahaha
Me: Edi wow hahaha
Prince: Basta mag sabay tayo ahh, sa Friday nalang kaya, para inom na din tayo hehehe.
Me: Pwedi din, pag uusapan ko muna
Prince: Ikaw naman parang hindi classmate, para makilala mo na din yung tropa namin hehehe...
Me: Basta I chat kita wala pa kasi kasigaraduhan, ayoko naman maging paasa.
" Maya maya lang biglang nag chat din si Archie "
Archie: Oy tara sabay kana sa amin... Minsanan lang naman eh... Tara na kasi diba sabi mo babawi ka gawin mo na Yong promise mo.
Me: luh? Nag promise ba ako hahaha, pero sige pero hindi ngayon, siguro pag naging close kona si prince hehehe... Ayuko naman ma OP no.
Archie: Parang hindi naman ako kasama, andito naman ako ahhh...
Me: Syempre iba pa din Yong nakaka usap ko sila.
Archie: Pero sige ahhh, pag ikaw paasa ...
" Maya maya nag Chat na naman yung walang profile at walang mga picture, nangangamusta, Tapus ang kulit Tina tas tas niya ako ng chat, kaya ni replyan ko nalang "
Person: Hello kamusta kapo...
Me: Ok naman,.pwedi ba mag pa kilala ka sino kaba? Kasi naguguluhan lang ako, para tayong nag lolokuhan lang dito, wala kabang pictures?
Person: Wala eh. Pero kilala mo na ako hehehe
Me: " Ako itong nauurat na, ka chat ko pa mga baby ko eh " sino ba kasi ito, mag pa kilala ka nga, ano bato babae o lalaki! O bakla!
Person: Basta kilala mo na ako, hmmm basta diko nalang sasabihin. Basta kilala mo ako at crush kita subra, aalagaan kita hehehe
Me: Bahala ka nga diyan! " Sa subrang Urat ko sa kaniya ni block ko siya, sino ba namang hindi mauurat sa ginawa niya...
"Maya maya lang biglang May nag add ulit sa akin, yun pala si Jericho " kaya ina accept ko kaagad, pag ka accept ko sa kaniya bigla niya kaagad ako ni chat "
Jericho: Oy, kamusta!
Me: Ok naman hahaha mag kasama lang tayo kanina eh hahahah.
Jericho: Syempre mag kaibigan tayo ehhh.... By the way diba May GC kayo? Pasali naman ako hehehehe pwedi ba ako doon?
Me: Hmm Oo naman bakit hindi eh tropa ka na namin...
" Pero ang totoo nag consult Mona ako sa GC "
" Friends Group Chat "
Me: Guys? Pwedi ko ba I add dito si Jericho?
Anna: Oo naman bakit hindi.
Jc: Sige I add muna...
" Delenelate ko kaagad yung chat namin tatlo, baka kasi isipin ni Jericho mali, kaya mas ok nayon"
Me: ---- John added Jericho to the group -----
Jericho: Hello guys kamusta kayo, nakauwi na lahat ng maayos.
Jc: Oo Naman, ikaw ba?
Jericho: Ok naman masaya hehehe.
Jess: sana all masaya lang ahhaha.
Jericho: Syempre May mga bago na akong kaibigan... Kayo.
Anna: ayiee! Anyway welcome to our family....
Jericho: Salamat sa Inyo guys!
Friday na last day at weekend na naman sabay sabay kaming mag kaibigan kapag napasok ng school lagi kami nag aantay sa tambayan namin...
Pag dating namin ng school nakita namin si
ila Prince at Archie Naka basketball shirt mukhang May Practice sila, grabe ang hot nila tignan lalo na si prince at si Archie parang ang bango bango niya, ang dami din mga badings at girls na nasa paligid at Naka tingin sa kanila Yong tipong gusto sila kainin ng buhay hahaha, so ayun na nga pumasok na ako ng classroom at nag start na din ang klase.
Recess time, sabay sabay kaming mag kaibigan na pumuntang canteen napadaan din kami ng court kasi mada daanan talaga ang court ng school namin kapag papunta kami ng canteen, doon ko nakita sila Archie at prince at mga kaibigan niya, pawisan na sila pero he looks hot ng subra kita mo yung basang basa nilang sando at bakat ang masasarap nilang pandesal, pag daanan namin bigla ako tinawag ni prince at lumapit sa akin .
Prince: Oy, Jericho! Classmate! Ano ginawa niyo sa classroom?
Me: Ah wala nag sulat lang kami ng mga gagawin at nag explain sa miss, pautal utal kong pag sasalita.
Prince: Peram ako ng Notebook mo oks lang ba? Para isulat ko na din.
Me: ahh sige lang...
" Maya maya lang hinila ako ni Anna, sabi ni Anna, tara na alis na tayo, mauubusan tayo ng oras! "
" Grabe nagulat ako amoy na amoy ko ang bango niya kahit siya ay pawisan na, nakakainis ito si Anna dinadama Kopa ang sariwang hangin eh, hinila ba naman ako, anyway kailangan lalaki, hahaba "
Kaya naman. Dumirecho na kami ng canteen.
Natapos na ang recess time, nag si balikan na din kami sa kaniya kaniya naming classroom, pumasok na din si prince sa room siguro dahil Tapus na ang practice nila... Natapos na ang ilang subject mag uuwian na wala na din kaming teacher hinihintay nalang namin na bumukas ang gate at tunog ang bell, maaga kasi lumabas ang teacher namin, yun lumapit sa akin si Prince at hinihiram ang notebook ko.
Prince: Pre pahiram na ako ng notebook mo.
Me: Ahh Ito oh, pakibalik nalang ah, mag babalik aral din kasi ako.
Prince: Sige sige, bukas ibalik ko din, ano sabay ka na saamin pag uwi, sabay sabay yata kami eh...
" Maya maya dumating nila sila Archie at niyaya na si prince na umuwi na, niyaya niya din ako na sumabay na pauwi kasi hindi niya na ako pinilit"
Bigla din lumapit sakin si Jericho, kataka taka nga para siyang galit, nag si uwian na kami...
" Lumipas ang isang Linggo "
" Kaumagahan, this is another day! Panibagong araw na naman, ilang araw na din ang nakalipas marami dami na rin akong nagiging close sa classroom at isa na doon si Prince, madalas niya akong kinakausap lagi niya din ako niyaya sa canteen pero dahil lagi kami mag kasabay mag kaibigan hindi ako makakasama sa kaniya, basta lagi ako niyaya nila Archie ... Ito na nga, tuesday ngayong araw, papasok na naman sa panahon ngayon hindi kami nag sabay sabay dahil nag chat si jess at Anna na mauuna sila kasi May gagawin pa sila sa classroom nila ng mas maaga, si JC naman baka daw ma late siya kasi birthday ng lolo niya, si Jericho nag chat sakin .
~ Chat Box ~
Jericho: John! Sabay tayo, busy yata sila sunduin kita sa inyo.
" Naisip ko na sabayan ko nalang sila Archie, at prince since busy ang ibang kaibigan, kaya nag decide ako na paumanhin nalang si Jericho, nag isip din ako ng ida dahilan kay Jericho para naman hindi nakakahiya sa kaniya "
Me: Jericho, Una ka nalang, hindi ako makakasabay May gagawin pa kami ng group mates ko eh.
Jericho: Ah ganun ba? Anong gagawin mo? Eh diba Yong research natin sa math next week pa deadline? Ano gagawin niyo? No offense hehehe.
Me: Eh ano kasi mas maganda magawa na namin ng maaga, para naman maayos yung research namin, at maganda ang pag kakagawa.
Jericho: Ah, sabagay, sige ikaw bahala, mauuna nalang ako, sakay nalang ako ng sidecar.
Me: Sige sige, ingat ka ahhh
" Nag Chat na din ako kay Archie na sasabay ako, para naman makabawi na din ako sa kaniya, lagi kasi nila ako niyaya kaso hindi ako nakakasama siguro ito na ang time para naman makasama sila hehehe
~ Chat box ~
Me: Archie sabay ako sa inyo pag pasok.
Archie: Oh sige! Daanan ka namin
" Maya maya dumating na din sila sa bahay, Naka varsity shirt sila grabe ang sexy nila tignan, sabay sabay kaming pumasok sa school medyo madami dami din kami napag usapan habang nag lalakad...
Archie: Oy mamaya, Jericho sabay ka na sa amin umuwi tambay muna tayo sulutin na natin to.
Me: Hmmm, sige paalam nalang ako sa tropa ko para di naman nakakahiya hehehe total di naman kami sabay sabay mag lakad pumasok ng school eh...
Prince: Oo sabay ka nalang samin doon tayo sa tambayan namin, safe doon, Siyaka inom na tayo since Friday na naman hehehe...
Me: Ay hindi kasi ako malakas uminom eh.
Prince: Oks lang yan, hahaha kasama mo naman kami hindi ka namin hahayaan doon " sabay akbay sa balikat ko at pa pisil pisil "
Hinatid na nila ako sa Classroom sila dumirecho ng court biglang lumapit sakin si Jericho.
Jericho: Akala ko ba May ginawa kayo? Eh bakit kasabay mo sila.
Me: Kasabay ko nga sila, diba si Prince yung ka groupo po kaya sabay sabay kami umuwi...
Jericho: Hauz sige na nga! Akala ko pa naman...
Me: luh bat galit, " pabiro kong salita " Siyaka nga pala hindi din ako makakasabay mamaya... Kasi May usapan kami na tatapusin na lahat eh... Para wala na din ako problemahin.
Jericho: Ikaw bahala, baka mag tampo sa iyo sila Anna ikaw din bahala ka.
Me: maiintindihan nila yun, Siyaka para hindi ma mag habol alam mo naman dito kapag malapit na matapos yung term Siyaka nila papamaddaliin...
Jericho: Sige ikaw bahala.
" NAG START NA KLASE, at ang daming binigay na kailangan i research Hauz...
Recess time"", nag paalam ako ng maayos sa mga kaibigan ko ayoko naman na mag selos sila dahil doon eh alam ko na selosa yan sila hahaha
Me: Guys hindi ako makakasabay mamaya ahh!
Jc: Bakit naman?
Me: sasabay ako kay Prince May gagawin kasi kaming projects, para matapos na din alam mo naman malapit na naman matapos yung term
Anna: Oonga kaya baka mauna na din kami ni jess later, maraming pinapagawa sa amin...
Jc: so Hindi na tayo tatambay?
Jericho: Yun na nga, Hauz sige gawin na muna natin yung mga schools works natin.
Me: Sige sige bawi nalang tayo kapag naging Oks na !
Anna: Sige sige "natapos na ang recess time.
" Bago matapos ang last subject pumasok na si Prince sa room, pag ka labas ng teacher sa room namin dumating na din mga tropa ni prince at si Archie, siguro nasa 5 o 6 sila basta medyo madami sila kaya medyo nahihiya ako, hindi na sana ako sasabay kasi ang dami nila ang macho pa nila hahaha, lalabas na sana ako ng classroom kasama si Jericho kaso bigla ako tinawag ni prince!
Prince: Jericho! Ano tatakas kapa tara na! " Nilapitan ako nila prince at Archie "
Archie: Ano, tara na! San ka punta...
Me: Ah iihi sana ako eh hehehe, nahihiya na kasi ako.
Prince: Ah sige ihi ka muna hintayin ka namin dito.
Me: Sige sige, balik din kaagad ako " Pumunta kaaga ako ng CR kahit hindi naman talaga ako naiihi, nag iisip ba ako kong sasama ako o hindi, kasi nakakahiya sa kanila Siyaka mamaya diko mapigilan sarili ko grabe ang hot nilang lahat, nakakatakam so ayun na nga diko alam kong ano na ang plano ang gagawin ko. Nagulat ako nasa tabi ko pala si Jericho Umiihi, bigla siya nag salita.
Jericho: Sure ka talaga diyan, saan pala kayo gagawa ng projects niyo?
Me: Kila Prince yata, mag over night din yata sila Archie.
Jericho: Mag Ingat ka ahh, mamaya mapano ka diyan.
Me: Ako paba mapapano, kayang kaya Ko to, no worries... " Biglang pumasok si Archie sa CR "
Archie: Oy ano na? Tagal mo diyan ah.
Me: Ito na....
Jericho: Oy, pre alagaan mo tropa mo ah.
Archie: Oo naman, no worries, hindi ko hahayaan yan.