Chapter 2 : The First Bite

1604 Words
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Yung pilak na kutsilyo, kumikislap sa ilaw ng buwan. "Isa pang marka. Para alam ng lahat... na sa akin ka na," ulit ni Victor. Ang boses niya ay sobrang baba. Hindi siya nagmamakaawa. Hindi siya nagtatanong. Utos lang. "A-Ano ka ba?" napaatras ako isang hakbang. "B-Baliw ka ba?" Tumigil siya. Tinitigan ako. Yung abo niyang mata, walang emosyon. Pero sa ilalim nun... may bagyo. "Baliw?" ngumisi siya. "Siguro. 300 years of being alone will make anyone crazy, Lia." 300 years? Napalunok ako. Totoo nga siya. Bampira talaga. "Pero ikaw," lumapit siya ulit. Amoy ko na hininga niya. Walang amoy. Parang wala siyang hininga. "Ikaw lang yung nagpapabilis ng t***k ng puso ko... kahit patay na ako." Hinawakan niya ang kamay ko. Yung may dalawang butas na. Dahan-dahan niya hinaplos. Malamig. Pero may kuryente. "Masakit ba?" bulong niya. Hindi niya ako tinitigan sa mata. Sa palad ko siya nakatitig. Parang... nagsisisi? "Hindi," sinungaling ko. Masakit. Pero masakit yung titig niya. Bigla niya binuksan ang kutsilyo. Pumiyok ako. "W-Wag!" Hindi siya tumigil. Dampi lang ng talim sa palad ko. Isang maliit na hiwa. Pumikit ako, naghintay ng sakit. Pero wala. Pagdilat ko, pinatakan niya dugo ko sa sahig. Pula. Makapal. Tapos... dinilaan niya. Nanlaki ang mata ko. "Ang tamis," bulong niya. Dinilaan pa niya daliri ko isa-isa. "Parang alak. Parang honey. Parang... yung dahilan para mabuhay ulit ako." Kinilabutan ako. Hindi sa takot. Sa kung anong nararamdaman ko. "Victor, tama na," pakiusap ko, boses ko na nanghihina na. "Victor?" tumaas kilay niya. First time ko siya tinawag sa pangalan. "Hindi 'Mr. Valerio'?" "Ikaw... ikaw yung may gusto sa akin," sabi ko, pilit lakas ng loob. "Hindi ba dapat ako mamili kung anong itatawag ko sa'yo?" Tumahimik siya. Tapos tumawa. Mababa. Parang kulog. "May tapang ka, Lia Monteverde. Kaya ko nagustuhan ang dugo mo." Bigla niyangq hinila bewang ko. Idinikit sa dibdib niya. Wala akong narinig na t***k ng puso. Wala. Pero mainit katawan ko. "Last chance," sabi niya sa tainga ko. Mainit hininga niya kahit malamig siya. "Kung aalis ka ngayon, hindi na kita hahabulin. Pero pag kinagat kita... wala nang atrasan. Akin ka forever." Forever. Yung salita na yun tumatak sa utak ko. Iniisip ko si Mama sa ospital. Iniisip ko utang namin. Iniisip ko yung lamig ng daliri niya. Iniisip ko... kung ano pakiramdam ng halik ng isang bampira. "Dapat matakot ako sa'yo," bulong ko. "Pero bakit... bakit gusto ko?" Tumigil ang mundo. Dahan-dahan niyang inangat ang baba ko. Tinitigan niya ako sa mata. Sa pagkakataon na yun, wala na yung CEO. Wala na yung halimaw. Lalaki lang. Nag-iisa. Gutom. Sa loob ng 300 years. "Because your blood called to me," sabi niya. "At ngayon... sasagot na ako." Bumaba bibig niya sa leeg ko. Hindi sa ugat. Sa may pulso lang. Malapit sa balikat. Naramdaman ko may matulis na bagay. Pangil niya. "Victor..." mahinang daing ko. Hindi ko alam kung pagtanggi yun o pag-anyaya. Bumaba ang pangil niya. Isang tusok. Sakit. Tapos... hindi na sakit. Para akong lumutang. Para akong nasa ulap. Mainit. Magaan. Yung pagod ko, yung takot ko, yung hirap ko... nawala lahat. "Shhh," bulong niya habang sumisipsip. "Ganyan. Wag kang matakot. Ako bahala sa'yo." Hinaplos niya buhok ko. Parang inaalo ako. Parang... minamahal. 30 seconds. Siguro. Pero para sa akin, isang oras. Bago pa ako mahimatay, inangat niya ang ulo niya. May dugo sa gilid ng labi niya. Pula. Kontra sa maputla niyang balat. Dinilaan niya ito at tinitigan ako. "Perfect," bulong niya. "Ikaw yung perfect para sa akin." Pinahiran niya ang dugo sa leeg ko gamit hinlalaki ang niya. Tapos dinampi labi niya dun. Isang halik. Malamig. "Now you're marked," sabi niya. "Sa mata ng mga kagaya ko... asawa na kita." Napaluhod ako. Nahihilo pero nakangiti. "Asawa?" mahinang tanong ko. "My blood bride," sagot niya. Hinaplos niya anv pisngi ko. "My Lia." Biglang bumukas ang pinto. "Mr. Valerio! May emergency sa board meeting--" Tumigil yung sekretarya niya nang nakita kami. Ako, nakaluhod. Siya, nakatayo sa likod ko, braso na nakayakap sa akin. Dugo sa labi niya. "Get out," malamig na utos ni Victor. Hindi siya lumingon. "But sir--" "OUT!" growl niya. Sumarado ang pinto. Tumingin ulit siya sa akin. Hinaplos niya ang leeg ko kung saan siya kumagat. Dalawang maliit na butas. Gumagaling na. "From now on," sabi niya, buhat niya ako parang prinsesa. "Dito ka na titira. 88th floor. Safe ka dito. Walang makakalapit sa'yo." "Si Mama..." mahina kong sabi. "Naayos ko na," sagot niya. "Best doctor. Private room. Lahat ng gamot niya sagot ko." Napatingin ako sa kanya. "Bakit mo ginagawa to?" Huminto siya sa harap ng bintana. City lights sa baba. "Dahil 300 years akong naghintay," bulong niya. "At sa wakas... nakita na rin kita." Hinilig niya ang ulo niya sa balikat ko. Inamoy ang buhok ko. "Sleep now, my bride. Tomorrow... I'll teach you what it means to be mine." Buhat niya ako na parang prinsesa. Pero prinsesa ng halimaw. "Victor, ibaba mo ko," mahinang sabi ko. Nahihiya ako kahit wala namang tao sa hallway. 88th floor lang sila. Siya lang may access. "Hindi," simpleng sagot niya. "Mahina ka pa. Baka matumba ka." "Malakas ako," pilit ako. "Nagtatrabaho ako 16 hours a day, no--" "At ngayon magpapahinga ka," putol niya. Tinitigan ko ang mata niya. "Inuutusan kita, Lia bilang asawa mo." Nanlaki mata ko. "Asawa? Hindi pa nga tayo kasal--" "Sa batas ng tao, hindi," ngumisi siya. "Pero sa batas ng mga kagaya ko... oo. Yung kagat ko, kasal na yun." Hinalikan niya ang noo ko. Malamig. Pero may pag-aalaga. Binuksan niya ang pinto ng kwarto. Mas malaki pa sa buong boarding house ko. Ang kama ay king size. Black sheets. At sa tabi ng kama, may IV stand. Pero imbis na gamot... may bag ng dugo. Nanigas ako. "Para sa'yo yan," sabi niya, dahan-dahan ako binaba sa kama. "Kung sakaling magutom ka. Dugo ko. Mas safe kaysa sa tao." "Uminom ng dugo?" nandidiri ako. "Hindi ako bampira, Victor!" "Not yet," bulong niya. Umupo siya sa gilid ng kama. Hinaplos buhok ko. "Pero unti-unti, magbabago katawan mo dahil sa kagat ko. Mas mabilis gumaling. Mas matalas ang pandinig. Mas... connected ka sa akin." "Connected?" kunot noo ko. Bigla siyang sumandal. Noo niya sa noo ko ulit. "Mararamdaman ko pag nasasaktan ka," bulong niya. "Mararamdaman ko pag natatakot ka. At mararamdaman mo rin ako." Para akong na-electrocute. Naramdaman ko siya. Galit. Gutom. At... lungkot. 300 years na lungkot. "Victor..." hawak ko mukha niya. Hindi ko alam bakit ko ginawa. "Ang tagal mo nag-iisa no?" Tumigil siya. Yung abo niyang mata, nagtubig. Pero hindi siya umiyak. Ang bampira ay hindi umiiyak. "Walang nagtanong sa akin nun," sabi niya. Boses niya ay basag. "300 years, Lia. Lahat takot sa akin. Lahat gusto lang ng pera ko. Ng power ko. Ikaw lang... ang nagtanong sakin kung masakit." Napalapit labi niya sa akin. Hindi sa leeg. Sa labi. Hindi halik. Dampi lang. Parang tanong. “Pwede ba?” Tumango ako. Konti lang. At dun, hinalikan niya ako. Malamig labi niya. Pero dahan-dahan. Marahan. Parang natatakot siyang durugin ako. Lasang... mint. At konting bakal. Dugo niya siguro. "Ang tamis mo pa rin," bulong niya paghiwalay ng labi namin. "Kahit hinaluan na ng dugo ko." Biglang umilaw CP ko sa bedside table. Text ulit. Unknown number. Pero hindi kay Victor. *"She's marked now. The Council will come for her. And for you, Victor. - A"* Nakita ni Victor. Nanigas ang panga niya. "Council?" tanong ko. "Matatandang bampira," sagot niya. Tumayo siya at lumayo. "Sila ang gumagawa ng rules. At isa sa rules... bawal kumagat ng tao nang walang pahintulot ng Council." "Bakit mo ko kinagat kung bawal?" Lumingon siya. Pula ang mga mata niya. Hindi na abo. "Dahil pag hindi kita minarkahan ngayong gabi," growl niya. "Patay ka na bukas. May ibang bampira na amoy ka rin. At mas mabangis sila sa akin." Lumapit siya ulit. Mabilis. Hinawakan mukha ko. "Pero ako ay mas mabangis, Lia," bulong niya. "Dahil ikaw yung pinili ko. At walang kukuha sa'yo sa akin. Kahit Council pa yan." May kumatok sa pinto. Malakas. "Mr. Valerio! Si Mr. Ashford nandito. Sabi niya emergency daw tungkol sa 'new asset' niyo." Napatingin si Victor sa akin. Tapos sa pinto. "Hide," utos niya sa akin. Tinulak niya ako sa ilalim ng kama. "Wag kang mag-iingay. Kahit anong marinig mo." "S-Sino si Ashford?" "Kalaban," simpleng sagot niya. Bago isara ang kortina ng kama. "At pag nalaman niyang kinagat kita... papatayin ka niya para kunin ang dugo mo." Dilim sa ilalim ng kama. Narinig ko ang yabag. Mabigat. Bumukas ang pinto. "Victor Valerio," boses ng lalaki. Mas malamig pa kay Victor. "Narinig ko may bago kang laruan. Tao pa." "Umalis ka, Ashford," boses ni Victor. Panganib. "Laruan mo lang siya, di ba?" tumawa si Ashford. "Bigay mo sa akin isang sipsip lang. 1 billion. Deal?" Nanlamig ako. Laruan? 1 billion? "Subukan mo," boses ni Victor. Growl na. "At uubusin kita." Biglang nagdilim ang lahat. Nag-brownout. Narinig ko ang tunog ng basag na salamin. Sigaw. Tunog ng suntok. Tapos katahimikan. "Victor?" mahinang tawag ko. Bumukas ang kurtina. Si Victor. May dugo sa labi. Pero hindi kanya. "Tapos na," sabi niya. Inabot kamay niya. "Tara. Umalis tayo dito. Hindi na safe rito sa Valerio Tower." "Paano si Mama?" "Kasama natin siya," sagot niya. Binubuhat ulit ako. "From now on... tayong tatlo na lang. Ako, ikaw, at si Mama." Bago lumabas, lumingon siya sa bintana. Sa dilim sa labas. "Let them come," bulong niya. "Let the whole Council come. Hindi ko ibibigay ang asawa ko." — End of Chapter 2 — Midnight comes fast. See you in Chapter 3, — NYX SOVICH
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD