SPECIAL CHAPTER 2 (2/2) Emily Sabay ulit kaming naghapunan lahat sa dining hall, ngayon ay kasama na si Luke. Maingay ang hapag habang nag-uusap at nagtatawanan kaming lahat tungkol sa sinabi ni Josie sa report niya kanina. I cracked up. Nakakatawa kasi ang facial expressions na ginagawa niya habang sinasalaysay ang nangyaring kaguluhan umano kaninang umaga sa news room. “Tapos imbes na tapos na ako sa medyo maliit kong kahihiyan ay pinatawag pa ako ni Miss Denaly sa library.” Agad na naibaling namin saglit ang tingin kay Miss Denaly na nakuha ang atensyon dahil sa pagkakabanggit sa pangalan niya. She just chewed on her food while looking at Josie who was too caught up with her story to be scared of the Head Maid for bringing her name up. “Habang sinasabihan niya ako sa mga li

