Emily Mula nang gabing iyon, naging iba na ang takbo ng mga pangyayari dito sa Viloria. Well, at least for me. Naging abala ang hari at ibang natitirang miyembro ng Ministro sa mga bagay tungkol sa mga pinamumunuan nila. I don’t know much about it, but one I know of, is the continual searchings for the thief who took the Immortal Flame. Sa una ring pagkakataon ay natuklasan ko na mayroon pala itong larawan sa library. Sa isang libro na aksidente kong nabuklat noong isang araw. Naglilinis ako noon sa library, mga hapon na iyon at palubog na ang araw. Tinantsa kong wala pa ring tao sa silid bago nagsimulang maglinis. I was trying to get some of the books in that caged shelf when I accidently bumped on a book beside it. Kinuha ko ito sa sahig, at gaya ng mga librong plano kong linisin a

