Emily “Fidel? Anong—“ “Si Josie sana ang nandito ngayon but for some reason, Lady Althea is holding them off in the middle habang nag-aaway sila ni pinunong Le Sandreas.” Bumaling si Fidel sa akin at kita ko ang pawis sa noo niya at ang kaba sa mga mata niya. He looked around while we ran towards the maze. Bigla siyang huminto sa lugar na sinabi kong hihintuan namin saglit ni Miss Denaly. I looked around and saw that no one was there besides us. “Josie told me everything. Ang plano niyo ng Head Maid pati na ang mga sinasabi mo tungkol kay Binibining De Luca. Emily,” malalim na bumuntong hininga si Fidel at biglang binitiwan ang palapulsuhan kong hawak niya. He wiped the sweat on his forehead and looked at me with such tensed expression. “Please tell me you’re telling the truth, be

