Emily “Emily----” Nanlaki ang mga mata ng Head Maid nang madatnan akong pawis na pawis ang mukha na nakahandusay sa sahig habang nakapulupot sa akin ang malahiganteng katawan ng lobong protektor ng Viloria. Max immediately growled in warning that made the Head Maid step back. Sa kabila ng panghihina, hinawakan ko ang mukha ng lobo. Dapat ay kanina pa siya umalis nang maramdaman niya na may paparating sa dapit na ito ng hardin. That’s what he always do. Pero ni hindi siya gumalaw sa pwesto niya ngayon. “M-Max, no. Umalis ka na.” Ngunit iniwas lang niya ang tingin sa akin. Defying my quick command. He then showed his fangs at the lady in front of us and protectively curled his tail in front of me. Wala akong nagawa. Hindi nakagalaw si Binibining Denaly. “E-emily. Kailangan mong pumasok

