Luke “Luke--“ “Accompany her and don’t leave her side.” Agad na yumukod si Benjamin sa akin at binalingan si Althea na dinadaluhan ng mga tagapagsilbi patungo sa kwarto niya para makapagbihis. “But, Luke--“ Agad akong tumalikod kay Althea at mabilis na naglakad palayo sa bulwagan ng kastilyo, not even letting her finish talking. Napapatingin din sa akin ang mga bisita sa kastilyo ngunit wala silang magawa sa biglaan kong pag-alis. I clenched my fists and gritted my teeth as burning fury rises inside me. Dammit! Hindi ko maiwaglit sa isipan ang pumunong sakit sa mga mata ni Emily habang yumuyukod sa harapan naming lahat. She was gripping on her skirt as if her life depended on it. Gusto kong manuntok nang makita ko ang takot at sakit sa basa niyang mukha dahil sa wine na natapon sa ul

