FAXTON POV INIS at galit ang nararamdaman ko dahil nandito rin si Priscilla sa party ng tiyahin ni Aliyah, at kasama niya si Colton Delgado. Hindi ko matandaan, o maalala na related rin pala siya sa kay Tita Cora. At kaya pala hindi niya sinasagot ang tawag ko dahil ko dahil magkasama sila ng putik na colton na ‘yan. “Nandito pala ang babaeng higad, Faxton. At ano niya si Tita Cora? Don’t tell me na sinusundan ka niya dahil patay na patay ang babaeng ‘yan sa ‘yo. At sino ‘yang boylet na kasama niya?” matigas na sambit ni Aliyah sa akin. “Nagtataka rin ako kung ba’t nandito si Priscilla. At ‘yang kasama niya’y klasmeys niya sa isang subject dahil estudyante ko silang dalawa. At anak ni Mr. Dreydon ‘yan, ang laging nagbibigay sa Saint Catherine. And maybe hindi natin alam kung relate

