Chapter 3: KUYA FAXTON

1932 Words
“O, ba’t natahimik kayong dalawa? Yakapin n’yo na ang isa’t isa dahil simula ngayon ay magkapatid na kayo. At dahil matanda ka, Faxton, kuya ang itatawag sa ‘yo ni Priscilla, at baby sister mo naman siya,” masayang sambit ni mommy dahilan upang umiling ako. Hindi ako makapaniwala sa nalaman kong ito na magiging step brother ko, o kuya ang crush na crush kong professor sa unibersidad. Pakiramdam ko’y babagsak ako, kaya agad akong humawak sa upuhan. “O, ano na? Ba’t hindi man lang kayo magkamayan na dalawa?” dagdag pa ni mommy sa amin. Narinig ko naman ang pagbuntong–hininga ni Sir Faxton, saka siya nagsalita. “Actually, I already know her, Tita Carmelle ‘cause she’s my student.” “Talaga, Hijo?” sabay sambit ni mommy at ni Papa Anton. “Yes, Tita Carmelle, and Papa. Kaya siguro’y nahihiya siya sa akin. At na–shock din naman ako kanina no’ng nakita ko siya dahil hindi ko rin naman alam na siya ang anak ninyo. Hindi rin kasi ako nagtatanong kay papa’t hindi sila nag–o–open sa akin dahil pareho kaming busy sa buhay,” mahinahon na pahayag niya, ngunit matiim siyang nakatingin sa akin. “Gano’n din naman ang anak ko dahil hindi ako nagkukuwento sa kanya. Pero dahil ngayon na alam n’yo na’y sana’y maging close kayong dalawa dahil magkakasama tayo sa isang bubong,” wika ni mommy, kaya naman tumingin ako kay Sir Faxton. “Hello, My li’l sister,” ngiti niya sa akin dahilan upang pangliitan ko siya ng mata. “Sa kuwarto po muna ako’t maliligo ako saglit,” walang ganang pagpapaalam ko. At iniwan ko na silang tatlo nang sundan ako ni Sir Faxton. “Can we talk?” mahinang aniya sa akin, subalit hindi ko siya pinakinggan. “Ms. Cruz, I want to talk to you bilang professor mo,” matigas na saad niya, kaya naman hinarap ko siya. “Ano pang gusto mong pag–usapan natin, Sir? O, gusto mo bang tawagin kitang kuya dahil magiging asawa na ng mommy ko ang papa mo, ha?” gagad ko. Sinisigurado kong hindi kami maririnig ni mommy at ni Papa Anton para hindi malaman na may namagitan na sa aming dalawa. “About what we found out now. At saka galit ka ba sa akin dahil gan’yan ang tono ng boses mo?” untag niya. “Hindi ako galit, Sir Faxton. Naiinis lang ako dahil sa nalaman ko, at hindi ko matatanggap na step—” “Step brother mo, gano’n ba?” agaw niya sa akin. “Oo, dahil alam mo naman kung bakit, ‘di ba? Ibinigay ko sarili ko sa ‘yo ‘cause I like you, tapos malalaman kong step brother kita? Pero okay lang dahil ayaw mo naman sa probinsyanang tulad ko,” gagad ko’t iniwan ko na siya. Pumasok na ‘ko sa loob ng kuwarto ko’t pinagsisipa ko ang upuhan. “Shéte!” sambit ko pa’t hindi ko na naman napigilan ang sarili kong hindi umiyak. “Open this door, Ms. Cruz,” narinig kong wika ni Sir Faxton. “Ayaw muna kitang kausapin, Sir Faxton. Kaya bumalik ka na ro’n dahil baka magtaka pa sila sa atin,” pagtataboy ko. "We’re not done talking yet, so I won’t go back there,” protesta niya. “Bahala ka kung ayaw mong umalis diyan,” asik ko. “Gusto ko lang malaman kung ba’t umiyak ka. Mugto ‘yang mata mo, so I know you’re crying,” segunda niya. “Wala kang paki kung umiyak ako, Sir Faxton,” muling gagad ko. Subalit pinihit niya ang pinto, at pumasok siya rito. Nakalimutan ko pala itong i–lock, kaya ang tanga ko! “Lumabas ka na,” maawtoridad na utos ko. “Gan’yan ka na agad porke nalaman mong magiging step brother mo ‘ko?” seryoso na sambit niya at dahan–dahan siyang lumapit sa akin. Umatras naman ako, hanggang na–corner niya ‘ko sa aking bookshelves na puno ng libro ni William Shakespeare at Victor Hugo. “Diyan ka lang, Sir Faxton,” gagad ko’t binato ko siya ng libro, ngunit nakaloloko siyang ngumisi, hanggang nakalapit siya sa akin. At tuluyan niya akong na–korner sa bookshelves, kaya nagsihulugan na ang ibang mga libro. “I saw your love letter again. I thought na nando'n ka pa sa party kanina ‘cause I was thinking of you. Bigla ka kasing nawala, tapos umulan pa. Iniisip ko na baka umuwi ka na, pero makikita lang pala kita rito. So hindi mo na ba ako crush dahil sa nalaman mo, ha?” mahinang aniya na lalong idinikit ang katawan sa akin. “O–Oo! Oo na hindi kita crush dahil kuya na kita ngayon, kaya lumabas ka na,” matigás na sabi ko. Iwas na iwas ako sa kanya dahil hindi ko kayang makipagsalubong ng tingin sa kanya. At pakiramdam ko’y hinihigop niya ‘ko. “Really na hindi mo na ‘ko crush? Pero kababasa ko lang sa love letter na inilagay mo sa pocket ko. At kahapon lang ay pinagsaluhan natin ang mainit na séx dahil inakit mo ‘ko, right? But what’s going on with you now, Ms. Cruz?” ngisi niya na hinawi ang buhok ko’t inilapit ang labi niya sa akin. “Ano ba, Sir Faxton!” asik ko na hindi pa rin tumitingin sa kanya. “Don’t move, Priscilla dahil baka magdikit ang labi nating dalawa. So I might lose control,” halos pabulong na wika niya sa tainga ko’t ramdam na ramdam ko ang ibinibuga niyang hangin. “Leave,” muling pagtataboy ko. Gusto ko siyang itulak, pero hindi ko naman magawa. “You want me to leave, but just yesterday you really wanted me to be with you, didn’t you?” untag niya’t hinaplos ang labi ko. “Shít!” sigaw ng isipan ko. “I know you want to taste my lips again, Ms. Cruz dahil pinagpapantasyahan mo ito. So this is your chance to claim me again’ cause we’re here in your room. And do whatever you want to do to me,” namamaos na ngisi niya na isa–isang tinanggal ang butones. “Stop, okay! Kung hindi ay sisigaw ako,” pagbabanta ko dahilan upang tumawa siya. “I know you’re just holding back, Ms. Cruz. But look at me, and my abs na isa sa mga pinagkakandarapahan mo, ‘cause you already saw this before,” ngisi na naman niya, kaya sa inis ko’y binigyan ko siya ng malakas na sampal. Subalit nagulat ako sa paghalik niya sa labi ko na kulang na lang ay magdugo ito. “Don’t fuckíng slap my face again ‘cause I might put you to bed. At hindi lang tatlo ang gagawin kong putók sa ‘yo!” gagad niya dahilan upang mapalunok ako’t iniwan niya na ‘ko. Ang lakas tuloy ng kabog ng dibdib ko, kaya napasandal ako. Sa totoo lang ay gusto ko na talagang halikan ang labi niya, peero totoo sinasabi niyang nagpipigil lang ako. Mabilis kong tinungo ang pinto at ni–lock ko ito. Humugot ako ng malalim na hininga at kumuha na ‘ko ng bathrobe ko nang mag–ring ang phone ko at si Cristina ang tumatawag, kaya sinagot ko agad ito. “Nasa’n ka ba?” agad na tanong nito. “Pasensya ka na dahil ‘di na ‘ko nakapagpaalam sa ‘yo na nauna na ‘ko. Bigla kasing sumama pakiramdam ko, kaya umalis na ‘ko. Tapos umulan pa, kaya pasensya ka na, Sissy,” hinging paumanhin ko. “Okay lang, pero pinag–alala mo ‘ko. Akala ko nga’y baka magkasama kayo ni Sir Faxton dahil nagmamadali siyang umalis kanina,” saad nito. “Um, hindi. Alam mo naman ang professor natin ‘yon, parang may mystery sa kanya,” komento ko. “Sinabi mo pa, Sissy. Pero ang guwapo niya kanina, ah. At laging nakatingin sa kanya mga kolehiyala, kaso may jowa na yata ‘yon, eh,” wika nito, kaya naman nagsalubong ang kilay ko. “Pa’no mo nasabi, Sissy? Nakita mo ba?” sunod–sunod na tanong ko. “Perspective ko lang. Nakita ko na kasi ‘yan no’ng first year college tayo na may kasama siyang babae, pero hindi professor. Two times ko na silang nakita dahil nakasabayan namin sila sa hotel ng pinsan ko. Ang sweet nga ni Sir Faxton sa babaeng ‘yon,” pahayag ni Cristina sa akin, kaya nanikip ang dibdib ko. “Gano’n ba? Um, sige na, Sissy at maliligo na ‘ko dahil nabasa ako ng ulan,” sambit ko’t pinatayán ko ito nang tawag. Pahangos kong inilapag ang phone ko’t tinungo ko na ang banyo. Nag–shower na ‘ko’t lumabas din agad. Nagbihis ako ng above the knee na fitted skirt dahil ito ang mga paborito kong isuot. ‘Kita pa ang cleavage ko, pero wala akong pakialam kung makita ito ni Sir Faxton. “Priscilla, Hija, matagal ka pa ba riyan?” narinig kong tanong ni mommy. “Lalabas na ho ako, Mom,” tugon ko. “Dalian mo’t magdi—dinner na tayo dahil nakahanda na ang lahat,” wika ni mommy sa akin. At narinig ko pa ang yabag nito. Sinipat ko muna hitsura ko sa salamin, saka na ‘ko lumabas. Tinungo ko na ang kusina at nakaupo na ang mga ito. “Umupo ka na sa tapat ni Kuya Faxton mo, Hija. At pagkatapos nito’y magkuwentuhan naman kayo nang makilala n’yo ang isa’t isa,” ngiti ni mommy sa amin. “Agree ako sa mommy ninyo. Hindi ‘yong magkakilala lang kayo sa campus,” komento naman ni Papa Anton. “You’re right, Papa. At hayaan n’yo—na ‘yon ang gagawin namin ni Priscilla,” ngiti ni Sir Faxton na malagkit na tingin ang ipinukol sa akin, kaya ibinaling ko na lang ang tingin ko sa plato. “Mabuti naman, Hijo. At since na estudyante mo pala ang anak ko’y bantayan mo siya dahil baka may umaaligid–aligid na sa kanya. Kuya ka na niya ngayon, kaya maging protective ka dapat, ha,” wika naman ni mommy, kaya napatingin ako kay Sir Faxton. “Huwag kayong mag–alala, Tita Carmelle. At ako na bahala kay Priscilla, at talagang walang aaligid na lalaki sa kanya sa campus,” matamis na ngiti ni Sir Faxton na sa akin naman nakatingin. “Okay, then kain na tayo dahil mga paborito ninyong pagkain ang inihanda namin ngayon ng papa n’yo,” wika ni mommy, kaya kumuha na ‘ko ng food at hindi sinasadyang magbanggahan ang aming mga kamay. “Um, ikaw na mauna, Sir,” tipid na sambit ko. “Bakit naman sir ang tawag mo sa kanya, Priscilla. Wala kayo sa campus, kaya Kuya Faxton ang itawag mo,” ani mommy sa akin. Lumunok muna ako. At tumingin kay Sir Faxton. “Ikaw na mauna, Kuya dahil matanda ka sa ‘kin,” saad ko’t hirap kong bigkasin ang salitang ‘KUYA’ “Ladies first, pero ako na lang maglalagay ng food mo,” ngiti na aniya na nilagyan ang plato ko. “Salamat, Ku–Kuya Faxton,” muling lunok ko. At sumubo na ‘ko. Alam kong panaka–naka siyang tumitingin sa akin, pero umiiwas ako. Hanggang maramdaman ko na may gumagapang sa binti ko patungo sa hita ko, kaya naman tinitingnan ko ito. At nanlaki ang dalawang mata ko dahil paa ito ni Sir Faxton.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD