“HINDI mo nga ako mahal, pero kung pasakitan mo ‘ko’y daig ko pa ang totoong asawa mo! At siguro’y hindi ka ganito kay Aliyah kung kayo ang nagkatuluyang dalawa,” gagad ko kay Kuya Faxton, dahilan upang ngumisi siya nang nakaloloko sa akin. Mahigpit niyang hinawakan ang aking baba at inilapit ang kanyang mukha sa akin. “Mabuti at alam mo ang bagay na ‘yan, Priscilla. At magiging prinsesa pa ang buhay sa akin ni Aliyah sakaling asawa ko siya, ‘cause I fuckíng love her. But you? Tsk! Magiging madilim ang buhay mo sa piling ko. Saka ginusto mo ‘to, ‘di ba? Kaya magtiis ka kung anong rules ko. Dahil isang pagkakamali mo lang ay hinding–hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa ‘yo,” gagad niya at binitawan ang baba ko. “Huwag mo na lang akong takutin, Kuya Faxton, kundi gawin mo na lang k

