“Aray!” sigaw ni Ma’am Dela Rosa, at hinablot ang buhok ko. “Walang hiya kang babae ka! Walang hiya ka!” asik pa nito, kaya sa inis ko’y itinulak ko ito. “Wala kang karapatang saktan ako, dahil sino ka ba!” gagad ko. “Wala kang respeto!” muling asik nito na kinalmot ang braso ko. “Ms. Dela Rosa!” awat ni Kuya Faxton na mabilis na lumapit sa amin. “Huwag mo nang patulan ang step sister ko. At umuwi ka na dahil, mabuti pa,” dagdag pa niya, subalit tumaas ang kilay nito. “Iyang step sister mo dapat ang siyang paalisin mo, dahil hindi maganda na nasa isang bubong kayo. At halatang–halata ko siya na may gusto siya sa ‘yo dahil malandi ang babaeng ‘yan,” segunda naman ni Ma’am Dela Rosa. “Tsk! Ang dumi–dumi ng isip mo, Ma’am Dela Rosa. May boyfriend ako, kaya huwag mo ‘kong itulad sa ‘

