“Nagpasasalamat ako sa ‘yo na pinahahalagahan mo ‘ko. Pero nahihiya pa rin ako dahil nagsinungaling ako sa ‘yo,” kiming wika ko kay Colton. Ginagap naman nito ang kamay ko. “I get you, Priscilla. At alam kong may rason ka kung bakit hindi mo agad sinabi sa akin ang totoo. Pero ‘wag kang mag–alala at walang makakaalam ng sekreto n’yo ng walang hiyang professor na ‘yon.” “Thank you sa ‘yo, Colton,” tipid na wika ko’t ikinulong ako sa braso nito. At hindi namin alintana ang mga matang matalim na nakatingin sa aming dalawa. Pagkalipas ng ilang minuto ay nag–lunch na kaming dalawa. Saglit kaming nagpahinga, at naghiwalay na kaming dalawa at tinungo na namin ang aming first subject, hanggang matapos kami. At akala ko na wala kaming last subject ay mayro’n pala dahil pumasok si Kuya Faxton

