“What! Magpapakasal kami ng babaeng ‘yan? No, Papa! And I can’t marry her dahil alam niyang hindi ko siya mahal!” gagad ni Kuya Faxton, kaya naman sinampal siya ni mommy. “Hindi mo mahal ang anak ko, pero ba’t mo siya ginalaw? Ba’t mo siya binuntis?” sunod–sunod na sambit ni mommy sa kanya. “Dahil siya ang may gusto na may mangyari sa amin, Mama! And don’t you get it, huh? Inakit ako ng anak ninyo, kaya nabuntis siya! Nabuntis siya dahil sa kalandihan niya!” asik niya, kaya ako binigyan ko rin siya ng malakas na sampal dahilan upang matigilan siya. “Oo—na malandi ako, Kuya Faxton! Malandi ako! Pero sa ‘yo lang ako lumandi at nagpagalaw. At alam mo ‘yan dahil buong–buo mo ‘kong nakuha,” galit na bulalas ko. “Tumigil na kayong dalawa dahil nandito kayo sa pamamahay ko!” sermon ni Pap

