“Sige, patayín mo ‘ko, Kuya Faxton at mamamatay rin itong pinagbubuntis ko!” nahihirapang sambit ko, kaya naman binitawan niya ang leeg ko. “See, takot ka rin naman palang mawalan ng anak. Pero ano kaya kung ako sasaksak sa sarili ko?” gagad ko pa sa kanya dahilan upang panliitan niya ako ng mata. “Halika na,” matigas na aniya at lumabas na siya. Sumunod ako sa kanya dala ang aking bag dahil inilagay ko rito ang phone ko, at tinungo na namin ang parking lot. Sumakay na kaming dalawa sa kotse at binuhay niya na ang makina. Wala kaming imikang dalawa sa loob, at nag–iisip din kasi ako ng sasabihin ko. Muling nag–ring ang phone ko, kaya kinuha ko agad ito at si Colton na naman ang tumatawag. “Yes, Colton,” sagot ko nang ‘di tumitingin kay Kuya Faxton. “How are you now? Nag–aalala ako

