PRISCILLA'S POV
“Iyan ang nababagay sa ‘yo, Priscilla. Pero hindi ka pa naman mamamatáy riyan,” ngisi ni Faxton sa akin, at iniwan ako. Kaya may naisip naman akong gawin.
“Help, Kuya Faxton! Help! at hindi ko alam lumangoy,” kumakampay na sambit ko’t kunyaring nahihirapan akong lumangoy. Ikinampay ko ang kamay at paa ko nang lumingon siya sa akin. “Lumapit ka, Faxton, lumapit ka,” bulong ng isipan ko.
Palubog na ‘ko nang marinig ko siyang magmura. At tumalon siya sa kinaroroonan ko.
“Priscilla! Priscilla,” sunod–sunod na sabi niya’t hinawakan niya ako. Umakto akong walang malay hanggang i–ahon niya ako sa swimming pool. At ipinahiga niya ako sa semento. “Wake up, Priscilla, wake up,” sambit pa niya’t ni–CPR ako.
Gustong–gusto kong tugunin ang halik niya, pero mahahalata naman niya ako. At tatlong beses din niya ‘kong binigyan ng first aid, hanggang kusa kong ibuga ang ininom kong tubig.
“Takot ka rin palang mamatay ako,” asik ko sa kanya, at bumangon ako.
“Huwag mong isiping ginawa ko ang bagay na ‘yon dahil concern ako, sa ‘yo. Kundi ginawa ko ‘yon dahil kami sasagot ng ataol mo sakaling matuluyan ka. At sa susunod na malulunod ka’y hahayaan ko nang lamunin ka ng pool na ‘yan,” matigas na wika niya’t iniwan ako. At bumalik siya sa puwesto niya at muli siyang uminom ng alak.
Ngumisi lang ako dahil naisahan ko siya. Ang mahalaga sa akin ay naglapat na naman ang aming mga labi.
Muli kong tinungo ang pool. And this time ay ipakikita ko sa kanya na marunong akong lumangoy. Lumusong ako sa tubig at nag–floating ako.
“Shít!” narinig kong sambit ni Kuya Faxton, at matiim lang akong tumingin sa kanya. Natikman ko na kung paano niya ‘ko sampalin, kaya pagpasesensyahan ko muna ‘yon. “Talagang ibang klaseng babae ka, Priscilla,” gagad niya, at ‘kitang–kita ko ang inis sa kanyang mukha.
“Talagang ibang–iba ako, Kuya Faxton dahil naisahan kita. At hindi mo pala ako kayang tiisin na hindi halikan,” nakalolokong ngisi ko sa kanya.
“At hindi naman ako nasarapan sa labi mo,” segunda niya, sabay punas sa bibig niya, kaya naman natawa ako.
“Hindi ka nasarapan, pero tatlong beses mo ‘kong ni–CPR? Tsk, sinong niloko mo, Kuya Faxton? At ikaw na rin mismo ang umamin na—hindi naaakit, pero katawan mo lang gusto ko, kaya gano'n na rin ‘yon. Paano, masarap talaga ako,” kindat ko sa kanya at nag–flying kiss pa ‘ko.
“Itigil mo na ang pag–gan’yan–gan’yan mo, Priscilla dahil hindi nakatutuwa, kundi ay nakapang–iinit ng ulo,” muling gagad niya.
“Ba’t kasi nakatingin ka sa akin, Kuya Faxton? Saka ba’t hindi aminin sa sarili mo that I am so very beautiful than to your fiancée,” sarkastiko na saad ko dahilan upang lapitan niya ako rito sa swimming pool. At mahigpit na hinawakan ang panga ko.
“Anong sabi mo?” gagad niya.
“Gusto mong ulitin ko sinabi ko, ha! Mas maganda pa ‘ko sa fiancée mo dahil maputi lang ‘yon! At mas gusto mo ang katawan ko, kaysa sa kanya,” mariin na wika ko, kaya naman lalo niyang hinigpitan ang pagkahahawak sa akin.
‘Wag mong idamay si Aliyah rito, Priscilla dahil nananahimik siya. And I wanna say it again and again—na kung hindi mo lang sinira ang kasal ko’y hindi mo na ‘ko makikita rito, kaso’y anak ka ng diablo,” diing sambit niya dahilan upang umiling ako.
“Okay lang na anak ng diablo dahil nagsarap ka naman,” ngisi ko sa kanya, kaya naman nagsalubong ang kilay niya.
“Ikaw lang nagsabing nagsarap ako. Pero ang layo mo sa babaeng gusto ko dahil paraúsan lang kita. At dahil wala si Aliyah rito’y ikaw ang nagpunan ng pangangailangan ko sa kama. In short ay reserba lang kita. Pero kung hindi na kailangan ay itatapon na,” asik niya na pinagmasdan ang kahubaran ko.
“Talaga bang ibinabasura? O, inuungulan,” sarkastiko na naman na sambit ko.
Tingnan ko lang kung hindi siya mainis sa akin. Ngunit pinanliitan niya ako ng mata. At umahon na siya sa tubig.
“Umalis ka ngayon din, at huwag mong hintaying maubos ang pasensya ko sa ‘yo. At alalahanin mong may samurai riyan sa tabi,” pagbabanta niya sa akin.
Kinabahan naman ako, kaya gaya niya’y umahon na rin ako.
Dinampot ko ang hinubad kong saplot ko at pumasok na ‘ko dahil mayro'n naman talagang samurai roon.
Narinig ko pa ang pagtawa niya. Pero alam kong galít na galít siya’t nagpipigil lang siya dahil buntis ako.
Masaya na ‘ko na tanggap niya ang baby ko. But I will never surrender na hindi kami maikasal. Kaya paghahandaan ko na ang bagay na ‘yon habang maaga pa.
Tinungo ko na lang ang kuwarto’t pumasok ako. At saka nagbanlaw na ‘ko.
Alas nuwebe na, kaya kailanganan ko na talagang magpahinga.
Kailangan ko rin kasing maghanda para fresh ulit ako bukas.
Ni–blower ko na ang buhok ko’t isang manipis na tela ang inilabas ko para isuot ito. At siyampre, para ma–atrack si Faxton. Pati pabango’y halos ipampaligo ko na.
Huminga muna ako ng malalim. Inaantok na rin ako nang makarinig ako ng kaluskos sa labas. At alam ko kung sino ‘yon, pero hindi ko ‘yon pinansin.
Papikit na ang dalawang mata ko nang pumasok si Kuya Faxton dito.
“Ba–Bakit, at pumasok ka rito, Kuya Faxton?” gagad ko.
"Ayaw mo bang pumasok ako rito, huh?" gagad niya.
"Oo, kaya lumabas ka na," maawtoridad na sambit ko.
"No," asik niya. At nagulat ako nang ilabas niya ang pamilyar na bagay sa akin, sabay posas sa dalawang kamay ko.