#WARNING “Hello, Colton,” ngiti ko’t agad na tinanggap ang kamay nito. Ngayon ko lang napagtanto na guwapo ito. Hindi ko kasi ito masyadong pinansin kanina nang magbanggahan kaming dalawa. “You’re so pretty. Do you have a boyfriend?” ngiti rin nito sa akin. “Um, wala akong boyfriend. At single na single ako,” tugon ko. “That’s good,” sambit nito na ‘di pa rin binibitawan ang kamay ko. “Ehem!” tikhim ni Kuya Faxton, kaya binitiwan na ni Colton ang kamay ko. “Introduce yourself to your classmates, Mr. Delgado,” dagdag pa niya. At tumayo naman si Colton. “Hello, Guys. I’m Colton Delgado, 20 years old. I am a business management student. At kaklase n’yo lang ako sa subject na ito dahil hindi ko ito pinasukan last year, kaya set in lang ako. By the way, you can call me Kuya Colton ku

