"The greatest glory in living lies not in never falling, but in rising every time we fall." -Nelson Mandela
KABANATA 10: NATURE TO SUCCESS.
4 months later...
"Ano ready naba ang lahat?" Tanong ni Jia ng maka rating sila sa Airport sakay ng puting Van na pag mamay ari mismo ni Joshua, mabuti nalang at nag kasya sila kasama ang mga bagahe na dala nila.
"Yes!" Sigaw nilang lahat saka bumaba ng Airport akala mo ay naka rating na sila sa destinasyon nila.
"Oh double check niyo kung wala na kayong na iwan, habang wala pa tayo sa loob make sure you don't forget anything important things" dagdag pa ni Chanun.
"Ok na, wala ng mawawala sakin" sagot ni Louise na siyang sinundan pa ng iba.
"Wait teka!" Biglang pigil ni Natasha sa pag pasok nila sa loob ng Airport. "Nalimutan ko ata yung puso ko— ay char nandito pala sa tabi ko" aniya na kina irap nilang lahat. Si Natasha naman ay agad na yumakap sa braso ni Travis na siyang nginitian siya ng pagka tamis tami.
"Way, wala na ang corny" pang babara sakaniya ni Jhanna habang nasa tabi niya si Drek na siyang may dala ng dagahe nilang dalawa.
"Way wala na may pa epal" balik ni Natasha, kahit kaylan talaga ay hindi sila nagka sundo, parang aso't pusa na may galit sa bawat isa. O baka naman ay mortal silang mag kaaway sa dati nilang buhay tapos ay naubusan ng pasensya si Tadhana kaya naman ay naging mag kaibigan sila sa panahon na ito.
"Shhh hoy manahimik kayo" suway sakanila ni Jia, sakanilang wala ay tanging si Jia at Louise lang ang naiwang walang kapareha, dahil na rin sa hirap ng buhay at sa responsibilidad nila.
Aalis sila ng bansa para mag bakasyon dahil sa matinding pinag daanan nila sa loob ng apat na bwan. Sa apat na bwan ay madaming nag bago. Pero sa lahat ng nangyari sa buhay nila sa loob ng apat na bwan isa lang ang pinaka memorable sakanila. Ang graduation day, kung saan masaya ang lahat, walang iniisip na problema at kung saan sabay sabay silang nag plano na umalis ng bansa para mag bakasyon.
Graduation day
Masayang pina nood nila Cristine, Louise at Joshua ang pag tatapos ng mga matalik nilang kaibigan na tinuring na nilang kapatid.
"I'm so proud of them" wika ni Cristine habang naka tingin kila Sachie, Jhanna, Loisa, Natasha at Jia na kapwang malalaki ang ngiti sa harapan ng madla habang naka soot ng toga kasama ang naka sabit nilang medalya, hindi lamang isa kundi hindi mabilang na medalya, dahil hindi lang naman sila simpleng nag tapos dahil isa sila sa mga honor students, hindi biro ang kolehiyo kaya naman ay isang malaking biyaya na kung maka sali ka sa honors student,kesa naman sa wala.
Nang matapos ang selebrasyon ay agad silang nag tipon tipon sa club na siyang pinag ta-trabahuhan ni Jia. Umalis na siya doon nung araw na mahuli siya ng mga kaibigan niya. Pero laking pasasalamat niya dahil tinulungan siya ng mga ito para mabayaran lahat ng utang na naiwan ng mga namayapa niyang magulang.
"Anong plano niyo pag tapos nito?" Pag bubukas ni Louise sa usapan.
"Good question!" Sabi ni Chanun at naka ngising tiningnan si Jia, Natasha. Loisa at Sachie.
"Trip to korea!" Sabay sabay nilang sigaw saka nag tawanan. Simula highschool ay nangarap na silang lahat na kapag tapos nilang mag aral ay pupunta sila ng Korea.
Katulad nga ng napag usapan ay tinupad nila ng magkakasama ang pangarap na binuo nilang lahat ng mag kakasama.
Nang lumapag ang eroplano sa Seoul international airport ay masayang nag yakap yakap ang mag kakaibigan habang impit na tumitili at tumatalon, naka ngiti naman silang pinanood nila Drek, Travis, Martin at Joshua mula sa likod kahit na hirap na hirap sila sa pag dadala ng mga bagahe. Ang bahage ni Jia ay dala ni Joshua habang ang bagahe naman ni Louise ay si Martin ang mag dala, dahil sila lang naman ang walang pares na kasama.
Pumunta muna sila sa hotel kung saan sila nag pareserba upang ilapag ang kani-kanilang gamit at para na din mag pahinga saglit, dahil hapon na sila dumating kaya naman napag pasyahan nilang bukas nalang simulan ang pag iikot.
Royalty ang nireserba nilang kwarto kung saan ay para lang silang nasa condominium dahil may mga kwarto din sa loob nito, sala, at sariling Cr.
Bago matapos ang araw ay sama sama at masaya silang pinag saluhan ang pagkain na inihain sakanila ng nasabing hotel restaurant, hindi mawawala ang tawanan, kwentuhan, maging ang pag aasaran nila Natasha at Jhanna na siyang sinusuway ni Chanun o kaya naman ni Jia.
KINABUKASAN. Hindi pa man tuluyang simisikat ang araw, mabilis na bumyahe ang mag kakaibigan papunta sa jeju island katulad ng napag usapan nila.
Nang maka rating ay agad na nag tampisaw ang ilan sa tubig habang si Jia ay mas piniling panoorin sila dahil na rin sa antok at pagod na nararamdaman niya.
"Ikaw na muna kase mag sabi"
"Bakit ako? Ikaw na"
"Si Joshua nalang, oo tama ikaw nalang ang mag sabi"
Napa tingin si Jia sa gilid niya ng marinig niya ang mahinang bulungan nila Travis, Drek, Martin at Joshua.
"Hoy! Ano bang kaylangan niyo at iniistorbo niyo ang pahinga ko" inis niyang tanong sa apat. Nahihiya naman silang lumapit kay Jia bahagya pang kinakamot at batok nila saka titikhim.
"A-Ah ano kase Jia... G-Ganto yon" utal na paunang sabi ni Martin.
"Ano ba ayusin niyo nga!" Inis na singhal sakanila ni Jia.
"Balak namin mag propose!" Sabay sabay nilang sabi na kina tigil ni Jia. Gulat siyang napa titig sa apat hanggang sa namalayan nalang niya ang pag tulo ng luha niya dahil sa kasiyahan na nararamdaman niya.
"Oy teka! Nakita niyo ba si Jia!?" Tanong ni Jhanna ng mapansin niyang biglang nawala si Jia sa dati nitong pwesto.
"Baka nasa kwarto niya, pagod daw siya at gusto niyang mag pahinga" sagot sakaniya ni Cristine. Sabay sabay silang umahon dahil katulad ni Jia ay nakaka ramdam na din sila ng pagod. Hindi nila alam ay nasa kabilang isla si Jia kasama ang mga lalaki habang nag aayos ng venue ng pag darausan ng proposal.
"Ito, tingnan niyo to" aniya sabay lahad ng picture ng gusto niyang ayos ng lugar. "Maganda diba?" Tanong niya na siyang sinang ayunan ng mga lalaki. "Rose para kay Tasha, at Cristine Tulips para kay Loisa at Sachie. Ok na tayo dito ah" aniya.
"How about sa mga bisita?" Tanong ni TJ habang may hawak na planner.
"Kayo na ang bahala don, call your family and close friends. Mas madami mas masaya diba"
"Right, and for the final touch..." sabi ni Joshua.
"The engagement ring!" Sabay sabay nilang sabi.
"Kalmahan niyo lang, meron pa tayong 2 days para sa preparation and call a friend para bumili ng ring sa atin. Tangkilikin ang sariling atin" natatawang sabi ni Jia.
LUMIPAS ang ilang oras at kanina pa nag hahanap sila Louise at Chanun kay Jia habang ang iba naman ay nag hahanap sa kani kanila nilang nobyo.
"Ano nakita niyo?" Tanong ni Jhanna ng mag kita silang muli sa restaurant na pina reserve nila.
"Hindi pa, I tried to call her phone pero out of reach siya" sagot naman ni Louise.
"Same, Hindi ko ma contact si Travis. Nako pag may ginawang kalokohan ang mga yan lagot si Jia saakin!" Sabi ni Tasha kaya hinampas siya ni Jhanna sa braso.
"Mag tigil ka! Ang dumi ng utak mo!" Singhal sakaniya ni Jhanna.
"Mas madumi ka, madumi din ang pagka tao mo pati na ang budhi mo!" Balik sakaniya ni Tasha.
"Pwede bang tumigil kayong dalawa?" Inis na suway sakanila ni Cristine.
"They here" sabat ni Chanun kaya napa tingin sila sa bangka na kadadating lang na siyang iniluwa sina Jia kasama sila Travis, Martin,Joshua at Drek.
"Hoy san kayo galing!?" Agad na salubong ni Tasha ng tuluyang maka lapit sila Jia sakanila.
"Huh? Jan jan lang" maang maangan na sagot ni Jia.
"Yung totoo!"
"Bakit ba? May inasikaso lang ako wag kang epal" sagot sakaniya ni Jia.
"Kanina pa namin kayo hinahanap" sagot ni Chanun.
"Sabi ko nga may inasikaso lang ako" paninindigan niya sa sinasabi niya.
"How about the others?" Baling ni Chanun sa apat na lalaki.
"Same, may important matters lang" kibit balikat na sagot ni Martin.
"Nag hanap ako ng signal kaylangan ko tawagan sila mommy at daddy" diretchong sagot naman ni Travis.
"Me,I have a lot of things to do" si Drek.
"I helped someone na na injured" kibit balikat na sagot naman ni Joshua. Napa tikhim agad si Jia saka malalaking ngiti na ngumiti sa mga kaibigan para hindi na sila muling mag hinala pa.
"Nagugutom nako, ang for sure gutom na din kayo kaya tara lets!" Sigaw niya saka nag paunang pumasok sa restaurant. Wala ng nagawa ang iba kundi ang sumunod kay Jia sa loob dahil kung nagugutom na si Jia ay mas gutom sila.
Napuno ng kwentuhan, biruan, asaran at tawanan ang buong gabi nila, wala silang pina lagpas na oras dahil maski hating gabi ay nag saya sila na para bang wala ng bukas.
2 days later...
PLANADO na ang lahat, ngayon na din naka takda ang araw ng pinag handaan nila Jia, ang araw kung saan puro saya lang ang makikita at mararamdaman, kung may umiyak man ay paniguradong kasihayan din ang dahilan.
"May event sa kabilang isla, kung sino ang pinaka maganda ang soot na damit ay may libreng vacation trip to Japan!" Masiglang sabi ni Chanun na siyang kasabwat na din nila Jia.
"Wehhh? Baka scam yan!" Kontra sakaniya ni Tasha.
"Nope, at kung scam naman yon bakit sure kaba na ikaw ang mapipili nila? Neknek mo!" Balik sakaniya ni Chanun. "Kayo sasama ba kayo? Wala namang mawawala kung susubukan natin ang besides wala naman tayong ilalabas maski piso presence lang natin ang kailangan don" pangungumbinsi pa niya, sana lang ay gumana ngayon ang convincing skills niya.
"Sige sama kami" sagot nilang lahat maliban kay Tasha.
"Pass ako" sagot nito.
"Edi don't! Manigas ka dito mag isa mo"
"Anong mag isa? Kasama ko si Travis no"
"Sino nag sabi sayo? Kasama namin si Travis tuleg!" Sagot sakaniya ni Chanun na siyang kina inis ni Tasha.
"Oo sasama na!" Sagot nito.
"Dami pang arte sasama din pala"
Lumipas ang minuto at si Louise naman ang pumasok sa kwarto dala ang ilang damit, kasabwat din siya nila Jia dahil silang tatlo lang naman nila Chanun ang walang kapares.
"Ito ang isosoot natin" aniya saka bigay ng mga paper bag kila Sachie, Loisa, Tasha at Cristine na nag tataka naman nilang tinanggap. "Alam niyo kase ang them ng event nayun is Beach wedding kaya wag na kayong mag taka mga baliw"
"Bakit kami lang nasan ang sainyo?" Tanong ni Cristine.
"Wedding nga ang theme diba!? Syempre pag wedding may groom tuleg! Sino naman ang i gu-groom ko eh sumakabilang beach yung akin" biro ni Louise, hindi na sumagot pa sila Cristine tiningnan ang laman ng paper bag.
Pang beach wedding nga ang peg ang dress, puti iyon na may kanya kanyang design.
"Mag ayos na kayo dahil, after half of hour ay aalis na tayo, walang late ah kung ayaw niyo mapunta sa iba ung groom niyo" pananakot pa ni Louise bago siya tuluyang lumabas ng kwarto.
Minutes passed by, ayos na ang lahat at handa na silang umalis, pati ang yate na susundo sakanila ay nanjan na din at nag hihintay sakanila.
Salamat nalang sa makeup skills nila Tasha at Cristine dahil naging madali nalang sakanila ang pag aayos ng sarili nila. Nang maka tapak sa yate ay agad silang pumasok sa loob at doon nag usap usap.
Umandar na ang yate papunta sa kabilang isla. "Bakit paki ramdam ko may binabalan kayo saamin" sabi ni Tasha,
"Oo te, itutulak kita jan pag dika tumigil" pang babara sakaniya ni Louise.
"Teka nasan pala si Jia?" Tanong ni Sachie.
"Nandon na kanina pa" deretchong sagot ni Chanun.
"Eh sila Martin?" Tanong ni Loisa.
"Nandon na din" sagot ulit ni Chanun na kina taka nilang apat. Hindi na sila muling nag tanong pa ng tuluyan silang maka rating sa isla.
Isang magandang tanawin ang sumalubong sakanila.
Pang beach wedding nga ang datingan, idagdag pa ang mga ilaw na s'yang nag padagdag sa ganda ng paligid. Talagang pinag isipan at pinag handaan nila Jia ang araw na ito, kung saan, mag dadala ng ngiti sa labi ng bawat isa.
Itutuloy...