NIEL: NAITULAK KO ITONG NAPATAYO at napapunas ng labi! "What do you think you're doing doc Belle huh!?" asik kong sinamaan ito ng tingin. Napangisi itong napakibitbalikat na akala mo'y wala lang ang ginawa. Napahilamos ako ng mukhangarahas na napahingang malalim. Nasira tuloy ang araw ko sa pagnanakaw nito ng halik! Kahit hindi ko gusto ang panghahalik nito ay 'di ko mapigilang makadama ng guilt sa puso ko. Pakiramdam ko'y nagkasala ako sa asawa ko. Na nagtaksil na ako dito. Napakuyom ako ng kamao na pabalang naupo ng swivel chair ko. "Ito naman, it was just a friendly kiss doc Nat, masyado ka namang seryoso" natatawang saad nito. Hindi ko ito pinansin o kahit nilingon. Kumukulo pa rin ang dugo ko sa paniniil nito sa akin. Kung hindi ko lang iniisip na babae ito at magkatrabaho kami

