MIKEE: NANGINGILID ANG luha kong napapalabi habang dahan-dahang naglalakad ng red carpet palapit kay Alp na nasa harapan ng altar. Naka-all-white tuxedo na tuwid na tuwid ang pagkakatayo habang hinihintay akong nakahawak sa braso ni papa na inihahatid na kay Alp....Ang groom ko. Tuluyang tumulo ang luha ko nang nasa gitna na kami ni papa at kitang panay na ang pahid nito ng luha habang nakamata sa aking bride nito na papalapit sa kanya. Gustong-gusto ko na siyang takbuhin sa mga sandaling ito. At kung pwede lang ay ideklara na kaagad kami ni father bilang mag-asawa! Napalabi ako pagdating namin ni papa sa harapan ng altar kung saan naghihintay si Alp. "Alp anak, ikaw ng bahala sa dalaga ko huh? Ipinagkakatiwala ko na sayo, ang pangangalaga sa mag-ina mo. Sana hindi na maulit ang nakal

