SHAYNE: UMAGA NA PERO wala pa rin si Niel. Mukhang magdamag itong hindi umuwi dahil hindi ko naman naramdaman ang pagdating nito. Kahit inaantok pa ay bumangon na ako at lumabas ng silid. Napalingon ako sa silid nito. Sarado at wala ngang bakas na umuwi ito. Mapait akong napangiti. Marahil sa babaeng iniuwi niya siya natulog kagabi. Hindi na 'yon nakapagtataka. Ano pa nga bang aasahan ko? Napahinga ako ng malalim na nagtungo ng banyo para gawin ang morning routine ko. Napapalapat ako ng labi. Kinakabahan na ngayon ko lang susubukan magluto. Nakikita ko lang naman ang mga maids sa mansion kung paano sila magluto. Pero hindi ko pa sinubukan. Binuksan ko ang fridge at dumampot ng hotdog at itlog. Nagsaing din ako sa rice cooker ng bigas bago nagprito sa ulam. Napapatili pa ako na tumitila

